Home All Languages

PINALAYA MULA SA MGA KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN

ni Emmanuel ENI   [English/Main]    PDF  DOC


Kabanata 1:Ang Aking Pagtakas patungo sa “Bagong Buhay”

"Sanayin ang isang bata sa landas na dapat niyang tahakin at kapag matanda na siya, hindi na siya lalayo mula rito." (Mga Kawikaan 22: 6).

Ito ay isang kapahayagan ng mga gawa ng Diyos - makapangyarihan, kamanghamangha at mahiwaga – bilang pagsunod sa utos ni HesuKristo sa akin na nagsasabing: “Humayo ka at magpatotoo kung ano ang ginawa ko para sa iyo.”

Kalimitan ang sinuman ay mag-iisip na ang kasawiang-palad ay isang gawa ng kapalaran at wala tayong magagawa na baguhin ang mga kaganapan ng ating mga buhay. Sa isang banda ito ay totoo. Sa kalagayan ng isang anak ng Diyos, ang kanyang buhay ay naitakda o planado na (Kawikaan 16: 9). Sa mangyari man o hindi ang plano nakadepende sa ilang bilang ng mga kadahilanan o sanhi, ang pagiging malapit ng isang tao sa Diyos, ang kanyang pananaw tungkol sa ganap na layunin ng buhay, at ang panlipunang-espiritual na kalagayan na masusumpungan niya ang kanyang sarili.

Ang landas ng iyong buhay ay hinamon sa pamamagitan ng ilang panlabas na sanhi. Ang panganib ay narating kapag ginawa mong ibigay ang iyong PAGPAPASYA sa alin man, para sa kabutihan o kasamaan. Maaari kang magmahal o mamuhi. Maaari mong hilingin na maunawaan o di maunawaan. Ang pagnanasang sumunod ang pinakadakilang kapangyarihan ng isang bagong panganak na Kristiyano, habang ang pagnanasang sumuway ay ang pinakanakasisirang kapangyarihan ng isang makasalanan.

Ang isang bata na pinabayaan mag-isa sa mundo ay kontrolado ng isa o dalawang kapangyarihan: mabuti o masama, tama o mali, Diyos o ang Diablo. Ang bawat isa ay nahahamon ng dalawang kapangyarihang ito ng buhay, ang bawat isa ay dapat pumili kung anung buhay ang kanyang ipapamuhay. At ako ay sumasampalataya na ito ang sinasabi ng Biblia: "Sanayin ang isang bata sa landas na dapat niyang tahakin at kapag matanda na siya, hindi na siya lalayo mula rito." Ikaw ay sasangayon na ang pinakamamahal at pinakamalapit na tao sa puso ng sinumang bata ay ang kanyang ina o nanay. Ang isang ulila ay isang kapus-palad na bata at higit na hayag sa mga atake ng Diablo kumpara sa mga batang mayroong mga magulang. Ang isang ina ay isang tagapag-ingat ng katawan at kaluluwa subalit ito ay nagiging dobleng trahedya kapag ang parehong magulang ay nawala at higit pa sa higit na mahiwagang mga kaganapan.

Ang aking kuwento ay nagsimula 22 taon nang nakalilipas sa isang maliit na bayan na kung tawagin ay Amerie Iriegbu Ozu Item sa Bende Local Government Authority, Imo State. Ang aking mga magulang ay hindi napapabilang sa mayayaman subalit ang aking ama ay mapalad na nakamana ng 42 hektaryang lupa mula sa aking lolo, isang pagpapala na sa ngayon ay nagdulot ng pinakamalaking kamalasan na naitala sa kasaysayan ng isang pamilya. Ang aking ama ay lubos na kinaiinggitan ng kanyang malalayong kamag-anak at malalapit na kamag-anak sa kadahilanang hindi ko alam, marahil ay dahil sa kanyang minanang malawak na lupain.

Kami ay isang masayang pamilya, ang aking mga magulang taglay kaming apat: Love, Margaret, Emmanuel and Chinyere. Matapos magkaroon ng unang dalawang anak na babae, ang aking mga magulang ay nag-antay ng 14 na taon bago ako kamtan (ang tanging anak na lalake) at di nagluwat ang aking nakababatang kapatid na babae Chinyere. Nagdulot ito nang tunay na kaligayahan sa aming pamilya subalit ang kaligayahang ito ay panandalian lamang nang maganap ang unang trahedya. Ang aking mapagmahal at mapag-arugang ina ay namatay. Siya ay sinasabing namatay dahil sa kulam, at pagkatapos ng apat na taon ang aking ama ay namatay, muli dahil sa sinasabing gawa ng juju kasangkot laban sa kanya. Dalawang taon makalipas ang pagkamatay ng aking mga magulang ang aking pinakamatandang kapatid, Love, ay misteryosong nawala at si Margaret, ang ikalawang anak na babae ng aking mga magulang ay nasiraan ng bait. Ito ay isang tanikala ng mga trahedya sa buhay ng isang simpleng at masaya sanang pamilya. Ang aking nakababatang kapatid na babae Chinyere at ako ay pinadala sa aking mga lolo at lola. Doon natapos ko ang aking pag-aaral sa elementarya at pagkatapos ay natanggap sa Item High School. Ako ay naka-abot hanggang Class III at huminto na sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng salaping pambayad. Pagkatapos nito, ang aking mga lolo at lola ay nangamatay din. Pagkatapos ng lahat ng mga seremonya sa libing, isang hindi ko kilalang kamag-anak ang kumuha sa aking nakababatang kapatid na babae Chinyere, at hanggang sa mga oras na ito hindi ko alam ang kanyang kalagayan. Ako ay sapilitang bumalik sa bahay ng aking ama sa pamamagitan ng mabigat na pagpaparusa, at doon namuhay mag-isa sa gulang na 13 taon. Papaanong mabubuhay ang isang 13 taong gulang na bata sa gitna ng mga kaaway ng kanyang ama at naging mga kaaway ko na rin? Labis akong natatakot! Ang mga nangyaring ito ay tila baga nagdala sa akin sa katapusan ng maayos na pamumuhay. Mayroon bang nagmamalasakit sa akin? Mayron bang sinuman na nag-aalala tungkol sa “isang maliit na batang kapus-palad?”

Isang araw nakita ko ang isang kaibigan na kilala ko noon pang elementarya ang pangalan Chinedum Onwukwe. Mahal na mahal ako ni Chinedum dahil napag-alaman niya ang lahat ng nangyari sa akin dinala niya ako sa kanyang mga magulang na ako naman ay tinanggap kaagad at ibinilang na pangalawang anak na lalake. Bumalik muli sa normal ang aking buhay. Ako ay talagang asikasong-asikaso. Muli akong nagalak: pagkatapos nalaman ko na ang Diyos na dinadasalan ng aking ina nang siya ay nabubuhay pa ay buhay dahil naglaan siya ng bagong kong mga magulang, kaya naisip ko ito sa aking isipan. Masaya ako sa kabutihang ito sa loob ng dalawang taon at pagkatapos ang diablo ay sumalakay muli.

Si Chinedum at ang kanyang mga magulang ay naglalakbay patungong Umuahia nang ang kanilang sasakyan ay bumangga sa isang trak. Si Chinedum at ang kanyang mga magulang ay patay kaagad sa lugar na iyon! Nang marinig ko ang balita ako ay hinimatay. Ang aking kalungkutan ay hindi masusukat. Nagawa kong mabuhay matapos ang seremonya ng libing, sa pamamagitan ng pagdadala ng mantika at panggatong at sa pagiging utusan; sa dulo ng mga ito ako ay bumalik sa bahay ng aking ama at muling ginawa ang dating gawain upang makakain.

Nagpatuloy ako sa paggawa ng ilang gawaing pambukid, sa hardin, gumagawa sa palaisdaan kasama ang mga matatanda hanggang sa isang araw, isang lalaki mula sa aking lugar na tinitirhan ang umupa sa akin upang gumawa sa kanyang bukid sa halagang 50k. Sa bukid pinaraan niya ako sa sunud-sunod na mga tanong. Una, sinabi niya sa akin na ituro ko ang lupain ng aking ama; pangalawa, ipagkatiwala ko sa isang tao ang mga lupaing ito, sa kalapit na kamag-anak. Ako ay tumutol sa lahat ng mga sinabi niya at siya ay nagalit. Sumumpa siya na papatayin niya ako sa gubat. Ako ay biglang natakot, tumakbo at sumigaw ng tulong. Ang masaklap, dahil ang lugar ay nasa gitna ng makapal na gubat, walang dumating upang tumulong maliban sa Diyos. Tinugis niya ako ng kanyang kutsilyo subalit bilang mas bata lubha akong higit na matulin kaysa kanya at nahulog ako sa isang hukay na may lalim na 1.82 na metro at ito ay natatakpan ng mga damo. Hinanap niya ako ng maigi at pagkalipas ng ilang sandali ay tumigil na siya sa paghahanap. Ako ay gumapang palabas ng hukay sa pamamagitan ng ibang daan patungo sa bayan. Ibinalita ko sa mga matatanda sa aming lugar ang nangyari subalit wala silang ginawang aksyon-kalimitang sinasapit ng mga ulila. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng matinding galit sa aking musmos na puso; walang sinumang nagmamahal sa akin, walang sinumang nagmamalasakit. Pinagbubulay ko sa aking isipan bakit may mga taong nagtatangkang ako ay patayin bagamat alam nila na ako ay wala nang mga magulang Ang buhay ay punung-puno ng kalungkutan. Ngayon napag-alaman ko na ang Diyos dahil sa kanyang pagmamahal pinigilan ang diablo upang sulsulan akong magpakamatay. Tumungo ako sa simbahan at naging isang ganap na kasapi ng Assemblies of God church sa aming nayon. (hanggang ngayon) subalit nakalulungkot walang nagmamalasakit kahit na alam ng ilang mga miyembro ang nangyari sa akin. Mahalagang maisulat na ako ay naging ganap na miyembro o kasapi ng isang simbahan kahit walang pagkakilala kay Hesucristo. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin na ipanganak na muli. Kung ikaw ay nasa simbahan ni Hesuscristo at nasumpungan mo ang iyong sarili sa ganuong sitwasyon o kalagayan na kagaya ko, ibigay mo ang iyong buhay sa Panginoong HesuKristo. Ang Kasulatan ay nagsasabi: “Ipagkatiwala mo sa Kanya ang lahat ng iyong mga kabalisahan at alalahanin, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa iyo at binabantayan ang lahat ng bagay na may kinalaman sa iyo.” (1 Pedro 5: 7 - Living New Testament).

Sa gitna nang lahat ng mga pagdurusa at pagpapakasakit na ito dumating si ALICE! Si Alice ay isang batang kakilala ko nuong ako ay nasa elementarya pa. Siya ay matanda ng limang taon sa akin at nagmula sa parehong baryo. Kami ay nasa parehong uri ng pamumuhay, nauupo sa parehong upuan at naging matalik na magkaibigan. Dahil sa murang pag-iibigang ito, nangako kami sa isa’t-isa na magpapakasal kapag kami ay matanda na. Katawa-tawa! Isang bata na 11 taong gulang noon, walang mga magulang, walang pinag-aralan, walang makain, nangangakong pakakasalan ang isang batang babaeng mas matanda ng limang taon! Di kalaunan umalis si Alice patungong Akure para sa kanyang secondaryang pag-aaral at pinadalhan ako ng dose-dosenang liham ng pagmamahal.

Nang sumunod na magkita kami ni Alice, ako ay 15 taong gulang at siya ay 20. Natapos na niya ang sekondaryang pag-aaral at naghahanap-buhay o nagtatrabaho sa Standard Bank Lagos (ngayon First Bank), kung saan doon nakatira ang kanyang mga magulang.

Yamang alam ni Alice ang aking mga kinasapitan sa buhay, sinamantala niya ito. Sinabi niya sa akin na samahan ko siya sa Lagos at ibinigay niya sa akin ang bilang ng kanyang tirahan kasama ang halagang N50 (Naïra: National Currency of Nigeria) Ito ay isang kayamanan para sa isang 15 taong gulang na bata na hindi pa kumita kaylan man ng N2 sa isang araw! Ito ay manna mula sa langit at ang ibig sabihin nito na ang lugar ng Lagos ay isang kamangha-manghang lugar na maraming pera at mga mabubuting mga bagay sa buhay para magsaya ang lahat. Pagkatapos kinakailangan kong pumunta sa Lagos upang kumita ng sarili kong pera at yumaman din. Sa aking isipan ang pagpunta sa Lagos ay ang tanging paraan ng aking pagtakas. Pagtakas sa mga kaaway ng aking ama, pagtakas sa sarili kong mga kaaway, pagtakas sa gutom, at sa lahat ng aking mga problema. Pagtakas! Pagtakas! Oo, pagtakas mula sa lahat ng masama!!!

Kabanata 2: Ang Pagtatalaga

« Mayroong isang daan na tila baga matuwid sa isang tao, subalit ang dulo nito ay ang mga daan ng kamatayan. » Kawikaan 14:12

« Subalit ang masama ay tulad ng masalimuot na dagat, kapag ito ay hindi mapayapa, na ang kanyang tubig ay naglalabas ng putik at dumi. Wala roong kapayapaan, sabi ng Diyos sa mga masama. » Isaias 57: 20-21

At ang buhay sa labas ni Hesuscristo ay katulad na katulad ng mga inilahad na mga Kasulatang nasa itaas. Umalis ako sa aming nayon dala ang pera, N50 at ang lugar ng tirahan na ibinigay sa akin ni Alice, pagtakas, kalayaan, kasiyahan at ang lahat ng mga bagay na kasama rito: subalit makikita mo sa bandang huli na ito ay napakalayo sa mga inakala ko sa aking murang puso. Nang ako ay dumating sa Lagos, ito ay napakaganda sa aking paningin at ito ay kinumpara ko sa langit, anuman ang katulad ng langit. Nakita ko ang lahat ng matatayog at magagandang mga gusali at sa bawat mukha nito nababanaag ko ang kaligayahan (Akala ko). Ang mga tao ay tila baga napaka-abala ang bawat isa ay walang paki-alaman sa isa’t-isa. Ako ay handang-handa na at sinabi sa aking sarili, ngayon alam ko na ako ay malaya!

Ako ay dumating sa Akintola Road, Victoria Island at maiging tinanggap ni Alice at ng kanyang mga magulang. Kilala ako ng kanyang mga magulang at ang aking nakaraan dahil parehas na baryo ang aming pinagmulan subalit hindi nila alam ang relasyon namin ng kanilang anak. Ipinakilala ako ni Alice sa kanila bilang lalaki na ‘pinili’ niyang pakasalan. Nagulat ang kanyang mga magulang subalit matapos ang ilang usapan sa kanya, nagkasundo sa kondisyon na magpapatuloy muna ako sa aking pag-aaral. Tinanggihan ni Alice ang kanilang alok at nakiusap na payagan akong makisama sa kanya sa kanyang sariling silid na inuupahan. Hindi ito matanggap ng kanyang mga magulang subalit siya ay nagpumilit. Nagkaroon sila ng matinding pagtatalo sa loob ng apat na araw at dahil sa di maipaliwanag na kadahilanan sila ay pumayag na ako ay tumirang kasama si Alice.

Si Alice, ay isang napakagandang babae, sinabi niya sa akin na siya ay isang empleyado ng Standard Bank at gagawin niya akong mayaman at ibibigay sa akin ang lahat kong pangangailangan sa buhay na ito at sabi: “Basta tumira ka lang at magpakasaya!” Ang una kong pakiramdam tungkol sa Lagos ay tunay matapos ang lahat; ilang buwan ang nakalipas ako ay nasa isang maliit na kubo sa isang maliit na baryo lamang na napapaligiran ng galit, kagutom at pagdurusa at ngayon narito ako, namumuhay sa isang malaking lungsod, sa loob ng isang silid na may kumpletong kagamitan kasama ang isang magandang ‘asawa’ na nangakong ibibigay sa akin ang lahat ng maihahatid ng buhay. Pinaulanan niya ako ng mga regalo, salapi, damit, ‘pag-ibig’ atbp. Hindi ko natanto na ang daigdig ay puno ng ganitong ‘magagandang mga bagay’. Ang diablo ay talagang mapanlinlang! Tunay na sinasabi ng mga Kasulatan: “Ang magnanakaw ay pupunta lamang upang magnakaw, pumatay, at mangwasak. TANGING ang anak ng tao (HESUCRISTO) ang makapagbibigay ng buhay at magbibigay nito ng sagana.” (Juan 10:10). Minamahal na mambabasa, ang diablo ay walang libreng regalo! Anumang ang ibigay niya sa iyo ay isang kapalit ng iyong kaluluwa. Itong kalagayang ng kahalingan ay maiksi lamang, sapagkat matapos ang tatlong buwan mga kakaibang mga bagay ang nangyari.

Ang Mga Mahiwagang Karanasan

Isang gabi, ako ay bumangon sa hatinggabi at nakakita ko ang isang ahas o sawa sa tabi ko. Nais kong humiyaw subalit hindi ko nagawa. May mga gabi, ako ay gumigising upang makita ang katawan ni Alice na nagkulay tubig tulad ng ‘cellophane bag’. May mga gabi, siya ay naglalaho at nagpapakitang muli. May mga gabi nakaririnig ako ng mga kakaibang mga ingay o sayawan sa silid tanggapan atbp. Hindi ko na makayanan ang mga nakatatakot na kaganapang ito kaya napagpasyahan kong tanungin siya, at ang una niyang reaksyon ay marahas at matinding babala. Sinabi niya: “Huwag mo na akong muling tanungin ng tanong na ito kung hindi babalingan kita.”

Mula noon ang aking buhay ay nanganib. Mas pinili ko pa ang mga pagdurusa ko sa baryo kaysa sa aking masaksihan. Ako’y naging takot sa kanya. Dalawang araw ang nakalipas at siya ay dumating na nakangiti, mga regalo at niyakap niya ako. Sinabi niya kung gaano niya ako kamahal at nagmamalasakit sa akin at pinalakas niya ang loob ko na huwag matakot at ipinangakong ipapaliwanag niya ang mga bagay sa susunod. Dinala niya ako sa isang bahay aliwan at doon pinaalala niya ang kanyang pangako na gagawin niya akong mayaman atbp. At sinabi sa akin: “ISANG ARAW MALALAMAN MONG LAHAT ANG ALAM KO!” Muli kaming bumalik at nagpatuloy ang aming buhay na normal kagaya ng dati. Sa loob-loob ko ang aking buhay ay nasa panganib, subalit papaano akong makatatakas at saan ako tatakas? Importanteng masabi rito na ang mga magulang ni Alice ay walang kaalam-alam na bagaman bata pa ang kanilang anak, ay malalim na kasangkot sa occultismo (gawa ng kadiliman) at spiritualismo (Pangkukulam) at tahasan niya akong binalaan huwag silang sasabihan kung mahal ko pa ang aking buhay. Mahal na mambabasa, maiisip mo ba na ang isang 20 anyos na babae na magagawa ang lahat ng mga bagay na ito? Ang tingin sa kanya ng daigdig sa labas ay isang napakagandang at napaka-among babae nagtatrabaho sa isang malaking bangko subalit siya ay alagad ng diablo. Maraming mga Alice sa buong mundo ngayon na iyong masusumpungan mayamaya sa aklat na ito.

Isang Nakapangingilabot na Pagkatuklas

Isang araw, matapos siyang pumasok sa trabaho, nagpasya akong siyasatin ang aming tirahan. Kahit siya ay bata pa ang aming tirahan ay kumpleto sa kasangkapan. Siya ay mayroong apat na refrigerator at sa pagbukas ko sa isa, nakita ko ang mga bungo ng tao, iba’t-ibang bahagi ng katawan ng tao mayroong sariwa at tuyo. Sa loob ng kisame ay mga kalansay. Sa isang sulok ng isa sa mga silid nakita ko (natuklasan ko kalaunan bilang isang ‘lihim na silid’) isang banga na puno ng dugo at isang maliit na puno sa gitna ng banga, isang kalabasa at isang pulang tela sa gilid nito. Hindi na ako nakapagpatuloy. Ngayon natanto ko na ako ay isa nang patay na tao at dahil wala akong masusulingan o mapupuntahan. Ipinauubaya ko ang buhay ko kung ano man ang dumating, buhay o kamatayan at tinitikom ko ang aking mga labi. Si Alice ay bumalik mula sa trabaho at paraan na pagtitig niya sa akin, alam ko kahit nasa opisina pa siya alam niya ang ginawa ko sa loob ng bahay.

Pagpasok sa Mahiwagang Daigdig

Nang sumunod na araw pinakiusapan niya akong sundan siya sa isang pagpupulong. Isa na akong bihag at wala nang magawa. Pumunta kami sa isang napakalaking gusali sa labas ng Lagos. Sa aming pagdating (Ang gusali ay may bulwagan sa ilalim ng lupa), Ako ay sinabihan ni Alice na pumasok ng paatras. Ako’y sumunod at pumasok ng patalikod, ganun din ang kanyang ginawa. Ang bulwagan ay napakalaki nagtataglay ng 500 na batang lalake at babae nakaupong pabilog, at nakaupo sa itaas nila ay isang lalake na tanging ang ulo lamang ang nakikita walang katawan, siya ang Pinuno. Ilan sa mga kabataang ito ay mga mag-aaral o estudyante, mga di nakapagtapos, mga nakapagtapos, mga guro atbp. Pinindot ni Alice ang isang buton sa dingding at isang upuan ang lumabas mula sa sahig at ako’y naupo. At ganun din ang kanyang ginawa at isa pang upuan ang lumabas para sa kanya at siya ay naupo. Ipinakilala niya ako sa kapulungan bilang isang bagong kasapi at ako’y pinalakpakan at tinangkilik nila. Si Alice ay itinaas ng katungkulan dahil dito. Lahat nang kanilang pinag-usapan sa pagpupulong ay hindi ko maunawaan. At sa dulo nito habang kami ay papaalis, ako ay sinabihan na bumalik mag-isa sa susunod na araw sabi ng Pinuno. Ito ang aking unang pakikisalamuha sa mahiwaga o lihim na daigdig.

Nang gabi ring iyon, bandang 2:00 ng umaga (At ito ang kalimitang oras ng mga pagtitipon at mga mapanganib na lakarin ng lahat ng mga pwersa ng kadiliman at nang kanilang mga alipores), Ginising ako ni Alice at ipinahayag ang ilang mga bagay sa akin. Sabi niya: “Hindi ako pangkaraniwang tao. Ako ay kalahating tao at kalahating espiritu subalit lamang ang espiritu. Ang nakita mo sa aking lihim na silid ay ang mga ginagamit ko sa aking mga pananalangin tuwing umaga, upang ang mga espiritu ay gabayan ako sa buong maghapon. Tungkol sa mga kalansay sasabihin ko sa iyo sa susunod.”

Wala akong imik. Naglabas siya ng ilang mga libro tungkol sa mga misteryo ng daigdig upang aking basahin, at sa aking mapanuring isipan pinili kong basahin ang mga ito. Hindi nagtagal ako ay naging interesado at pagdakay nakita niya na ako ngayon ay talagang interesado. Lingid sa aking kaalaman, ipinadala niya ang aking pangalan sa isang lihim na lapian o samahan sa India. Dahil ako ay sinabihan, nang sumunod na araw ako ay bumalik sa samahan o lapian mag-isa at roon nakasama ko ang siyam pang iba at ilang mga saksi. Kami ay tatatakan. Tinawag kami sa gitna ng bulwagan at ang mga sumusunod na bagay ay iginawad sa amin:
1. Isang hinalong sangkap na parang galapong ang ipinahid sa aming mga katawan. Ito ay nagpapasa sa iyo bilang isang ganap na kasapi o miyembro.
2. Isang tungga ng tila baga likidong langis ang ibinigay sa amin upang inumin. Ito ang nagpapabilang sa iyo upang maging isang ahente.
3. Isang tila baga pulbura na sangkap ang ipinahid sa aming mga ulo. Ito ay nagpapabilang sa iyo upang mapag-aralan ang kanilang mga lihim.

Lingid din sa akin, ang panimulang seremonyang ito ay itinatala sa India at nang sumunod na araw nakatanggap ako ng sulat mula sa kanila. Sa sulat ako ay sinasabihan na dagtaan o pahiran ang sulat ng aking sariling dugo at muli itong ibalik sa kanila sa pamamagitan nang paraan na kanilang sinabi, hindi sa koreo. Ginawa ko ito. Mula sa puntong ito, wala nang atrasan; ang pagtalikod ay nangangahulugang kamatayan tulad nang lagi nilang pinapaalala at alam ko na wala na akong pag-asa pa.

Tipanan kay Alice

Isang madaling araw, sinabi niya sa akin na mayroong importanteng seremonya na idaraos sa bahay. Sa bandang 2:00 ng umaga naglabas siya ng isang gumagapang na bata, isang babae, buhay. Sa harap ng aking mga mata, ginamit ni Alice ang kanyang mga daliri at dinukit palabas ang mga mata ng bata. Ang iyak ng bata ay nagpabasag sa aking puso. Pagkatapos nito kinatay niyang pira-piraso ang bata at ibinuhos pareho ang dugo at laman sa isang bandihado at sinabihan akong kumain. Ako ay tumanggi. Tinitigan niya akong mabuti at ang lumabas sa kanyang mga mata ay hindi kayang ipaliwanag sa sulat. Bago ko malaman ang nangyayari, hindi ko lamang kinakain ang laman kundi dinidilaan na rin ang dugo. Habang ito ay nangyayari sinabi niya: “Ito ay isang tipanan sa ating dalawa, hindi mo ipagsasabi ang anumang bagay na nakita mo na ginagawa ko o anuman tungkol sa akin sa sinumang tao sa mundo. Sa araw na sirain mo ang tipanang ito ang iyong buhay ay mawawala.” Ang ibig sabihin sa araw na sirain ko ang tipanang ito ako ay papatayin.

Matapos ang insidenteng ito nagpasimula akong magkaroon nang kakaibang pakiramdam sa aking kalooban. Ako’y nabago at di ko na mapigilan ang aking sarili. Isang babala sa mga nanay. Kilala ba ninyo ang inyong mga katulong o kasama sa bahay? Ano ang kanyang pinagmulan? Ikaw ba ay nagsisiyasat na alamin ang tungkol sa kanya bago mo ipagkatiwala ang mga buhay ng iyong mga anak, atbp sa kanya? Papaanong nakuha ni Alice ang bata na kanyang kinatay, maaari mong itanong. Kaya nga mga magulang, alamin ang pinagmulan ng inyong mga katulong.

Nang makita ni Alice na siya ay nagtagumpay sa pagkuha sa akin na maging ganap na kasali sa ESPIRITISMO at matuling lumalago rito, siya ay nakuntento at nalaman niya na ang kanyang misyon ay naganap na. Nakakita siya ng isang magandang tirahan para sa akin, tinulungan niya akong lagyan ng kagamitan at pagkatapos nito ay pinutol ang aming relasyon bilang mag-asawa.

Tipanan sa India

Ang lapian o samahan sa Delhi, India ay nagpadala ng ikalawang sulat na nagsasabi sa akin na pumunta sa India. Laman din nito ang mga bagay na dapat kong sundin: “Kumain ng dumi, kumain ng nabubulok na daga, at makipagtalik sa mga espiritu sa sementeryo sa gabi.”

Matapos kong ganapin ang mga nasa itaas, ako ay di na rin dapat pang makipagtalik sa kaninumang babae sa mundo. Nagpadala ako ng tugon sa kanilang lihan na nagsasabi sa kanila na wala akong visa at hindi ko rin alam kung papaanong makarating sa India. Sa oras na ito nagpasimula akong gumawa ng ‘negosyo’. Ako ay isang seryosong taong nagpapalusot subalit dahil sa mga kapangyarihan sa likod ko wala akong naging problema sa tao sa paliparan o customs atbp.

Nagpasimula akong magkaroon ng maraming pera, pagkain at mga kagamitan, hindi na sila salat. Isang araw, isinara ko ang aking tirahan at lumabas; sa aking pagbalik, binuksan ko ang pinto at naroon ang isang lalake nakaupo sa loob. Ako’y natakot. Sabi niya: “Hindi ba ikaw si Emmanuel Amos?” Sabi ko ako nga. Sabi niya: “Ako ay pinadala upang dalhin kita sa India, kaya maghanda kana.” Ako’y nagpalingalinga, tumungo at naupo sa tabi niya sa sofa handa na sa susunod na utos. Subalit tulad ng kidlat, hinipo niya ako at kami ay nawala.

Ang sumunod na lugar na nakita ko ang aking sarili ay sa isang malaking pagtitipon sa bulwagan sa Delhi, India, taglay ang isang malaking kalipunan na nuo’y nakaupo na at nag-aantay upang batiin kami. Nilabas nila ang mga sipi o folder na kung saan ang aking pangalan ay nakasulat na at sinabihan akong pirmahan sa tabi nito. Ginawa ko. Isang bandihado na naglalaman ng mga laman ng tao, pinutol ng pira-piraso kasama ang isang palanggana ng dugo ang inilabas. Isang walang laman na pitsel ang ibinigay sa bawat tao, pagkatapos isang lalake na walang ulo ang nagpalibot-libot nagbubuhos ng dugo at laman sa mga pitsel. Iba’t-ibang uri ng mga kandila at insenso ang sinisindihan din. Ang walang ulong lalake ay nagsabi ng ilang orasion at ang bawat isa ay ininom ang dugo at kinain ang laman at ang pagpupulong ay natapos na.

Ang mga Pagtatalaga sa India

Ngayon ang panahon ng aking pagsubok ay dumating. Ako ay sinugo sa isang lambak na may 200 metro ang lalim. Sa loob nito ay may mga lamang mapanganib na reptilya at mababangis na halimaw. Sila ay para pahirapan ako. Hindi ako dapat sumigaw, kundi, babagsak ako sa pagsubok at ang kahihinatnan ay KAMATAYAN. Matapos ang pitong araw ng pagdurusa ako ay inilabas at pinadala sa isang lugar na kung tawagin ay ‘INDIA JUNGLE’.

Sa gubat na ito, nakita ko ang iba’t-ibang uri ng mga malademonyong ibon; malademonyo dahil ang ilan ay may mukha tulad ng mga aso, ang ilan ay tulad ng mga pusa, atbp. Gayunman may mga pakpak. Sa loob ng kagubatang ito ay may isang kuweba, at ang kuwebang ito ay nabubuksan lamang ng mga malademonyong mga ibon. Binuksan nila ang kuweba at ako ay pumasok sa loob. Ang mga bagay na nakita ko ay mahirap ipaliwanag. Mayroon duong mga nakakakilabot na mga nilalang, ang ilan ay mukhang mga tao subalit may mga buntot at walang mga mukha, atbp. Ito ay isa pang lugar ng pagpapahirap. Ang pagpapahirap doon ay higit na maisasalarawan na tulad ng kalahating impierno. Ako ay naroon sa ganuong kalagayan sa loob ng 7 araw at inilabas.

Pagkatapos ako ay ipinadala sa isang napakalaking aklatan na naglalaman ng malalaking bulto ng mga mahihiwagang aklat upang pag-aralan. Ako ay dumampot ng dalawa di kalaunan: Abbysinia, ang ibig sabihin ay pagkawasak, at Assina, na ang ibig sabihin nagbibigay buhay o kagalingan. Mayamaya ako ay binigyan pa ng marami pang aklat. Ako ay binilinan na gumawa ng isang lihim na silid sa pagdating na pagdating ko sa Nigeria na may laman ng mga sumusunod na bagay: “Isang katutubong banga na may lamang dugo ng tao, isang buhay na puno sa loob, isang bungo ng tao, mga pakpak ng buwitre, balat ng mailap na hayop, balat ng sawa at isang malaki at makinang laterites sa tabi ng banga.” Ang dugo sa loob ng banga ay iinumin tuwing umaga na may kasamang orasyon. Ako rin ay binilinan na huwag nang kakain ng anumang pagkain na niluto ng mga TAO subalit ako ay pakakanin sa paraang supernatural. Taglay ang lahat ng mga bilin na ito ako ay bumalik sa Nigeria tulad ng paraan ng aking pagpunta, at ginanap ang lahat.

Balik Tahanan sa Nigeria

Ako ngayon ay naging kabahagi na at sangkap ng daigdig ng espiritu at maaari nang makapaglakbay saan mang bahagi ng mundo. Ayon sa mga aklat na aking dinala, ang mga espiritung nilalang ay namumuhay sa kalawakan. Marahil itataas nila ang aking mga kapangyarihan, kaya pinagpasyahan kong subukan. Ako ay lumabas ng aking bahay, gumawa ng ilang mga orasyon at tinawag ang buhawi at nawala. Nasumpungan ko ang aking sarili sa kalawakan at nakita ang mga espiritung nilalang na ito. Ano ang kailangan mo ang tanong nila; sinabi ko na kailangan ko ng mga kapangyarihan.

Ako’y muling bumalik sa mundo matapos ang dalawang linggo taglay ang mga kapangyarihang galing sa kanila. Tulad ng sinabi ko nuong una, hindi ko na kayang kontrolin ang aking sarili. Sa kabila ng lahat ng mga kapangyarihang ito na aking natanggap, kinailangan ko pa rin ng marami pang kapangyarihan! Pinagpasyahan ko na tumungo sa ilalim na daigdig upang mapatunayan ang nakasulat sa mga aklat na ibinigay sa akin.

Isang araw ako ay nagtungo sa isang kubling lugar sa mga halamanan, gumawa ng ilang mga orasyon na sinasabi sa mga aklat at inutusan ko na bumukas ang lupa. Bumukas ang lupa at pagdakay gumapang palabas ang mga demonyo. Ako’y humakbang papaloob at tumungo sa ilalim ng lupa. Taglay nito ang ganap na kadiliman na maihahalintulad sa kadiliman sa isa sa mga sumpa na nangyari sa Ehipto na naitala sa Biblia. Nakita ko ang maraming bagay na mahirap ipaliwanag. Nakakita ako ng mga taong nakatanikala, taong ginagamit upang gumawa ng salapi – ang kanilang mga tungkulin ay maghanap buhay araw at gabi upang tustusan ng salapi ang kanilang mga bihag.

Nakakita ako ng ilang mga taong matataas ang kalagayan sa lipunan na kasapi na pumunta roon upang mag-alay ng mga handog at muling babalik sa mundo na taglay ang ilang regalo na ibinigay sa kanila ng mga espiritu na namamahala sa lugar. Nakita ko ang ilang mga namumuno sa simbahan na naparito para makakuha ng mga kapangyarihan, mga kapangyarihan na makapagsalita ng isang bagay na katanggap-tanggap na walang tututol sa simbahan. Nanatili ako sa loob ng dalawang linggo at muling bumalik matapos kong matanggap ang mas maraming kapangyarihan. Ang tingin ng mga tao sa akin ay bata at mukhang inosente subalit hindi nila alam na ako ay mapanganib. Mayroong maraming taong tulad noon sa paligid; yun lamang na kay Kristo Hesus ang ligtas sa tunay na pakahulugan ng kaligtasan.

Tipanan sa Reyna ng Dalampasigan

Isang gabi, nagpasya akong maglakad-lakad. Sa Ebute Metta bus-stop, Nakita ko ang isang batang babae na napaka ganda naghahantay. Wala akong sinabing anuman sa kanya. Nang sumunod na araw sa aking pagdaan tinawag niya ako. Ako ay huminto at ipinakilala ko ang aking sarili sa kanya bilang Emmanuel Amos subalit hindi niya ipinakilala ang kanyang sarili sa akin.

Tinanong ko ang kanyang pangalan at tirahan subalit tumawa lamang siya. Tinanong niya ang akin, sinabi ko lamang ang kalye. Nang ako ay papaalis na, sinabi niya na dadalawin niya ako isang araw. Sa aking isipan sinabi ko, iyon ay napaka imposible, hindi ko ibinigay sa kanya ang numero ng aking bahay papaano siya rito makararating. Subalit totoo sa kanyang mga sinabi, nakarinig ako ng isang katok sa aking pintuan makalipas ang isang linggo matapos ang aming pag-uusap sa himpilan ng bus. Naroon siya, isang mahiwagang dalaga! Binati ko siya sa aking isipan. (Nagtataka ako sino kaya itong magandang dalagang ito, at hindi niya alam na naglalakad siya sa isang mapanganib na lupa?) Inasikaso ko siya at siya ay umalis na rin. Matapos ang unang pagdalaw, naging madalas ang kanyang pagdalaw kahit wala kaming relasyon.

Napansin ko na sa kanyang pagdalaw, parehas ang oras, at hindi siya dumarating nang maaga o huli kahit isang minuto man lamang! Sa ilan sa kanyang mga pagdalaw dinadala ko siya sa Lagos Barbeach, o kaya sa Paramount Hotel o Ambassador Hotel etc. Sa lahat ng mga bagay na ito, hindi pa rin niya sinasabi ang kanyang pangalan sa akin. Nagpasya akong hindi mag-alala yamang nalalaman ko na hindi naman lalawig ang aming relasyon maliban doon. Ako’y sinabihan na huwag gagalaw ng babae.

Biglang-bigla binago niya ang kanyang pagdalaw sa gabi. Isa sa kanyang mga pagdalaw sinabi niya sa akin: “Ngayon napapanahon na na ako naman ang dalawin mo.” Nanatili kaming magkasama nang gabing iyon hanggang 8:00 ng umaga nang sumunod na araw at umalis kami. Sumakay kaming dalawa sa bus at sinabi niya sa tsuper na huminto sa barbeach o inuman sa tabing dagat. At sa aming paghinto, tinanong ko siya: “Saan tayo pupunta?” Sabi niya: “Huwag kang mag-alala, malalaman mo kung saan ang bahay ko.” Dinala niya ako sa isang sulok ng barbeach, gumamit ng tila baga isang sinturon at tinalian kaming dalawa at pagdakay isang kapangyarihan mula sa likod at nagtulak sa amin patungo sa ilalim ng dagat. Nagpasimula muna kaming lumipad sa ibabaw ng tubig at direcho sa karagatan. Minamahal kong mambabasa, ang mga bagay na ito ay nangyari sa aking pisikal o panlabas na kaanyuan! At sa isang punto kami ay lumubog sa sahig ng dagat at sa aking pagkagulat nakita ko ang aming sarili naglalakad sa isang pangmatulin na lansangan o express way. Dumako kami sa isang lungsod na may taglay na napakaraming tao na lahat ay abala.

Ang Daigdig ng Espirtu

Nakita ko ang mga pagawaan ng gamot, tulad ng science lab, nagdedesenyong laboratoryo,at isang sinehan. At sa likod ng lungsod, nakita ko ang bata at magagandang mga babae at guwapong mga batang lalake. Walang matandang tao. Ipinakilala niya ako sa kanila at ako ay pinapasok. Dinala niya ako sa mga lugar tulad ng “silid ng kadiliman”, “silid ng patuyuan”, at “silid ng pag-eempake”. Pagkatapos ay dinala niya ako sa isang pangunahing pabrika at bodega at pagkatapos dumating kami sa kanyang pribadong mansion. Doon niya ako pinaupo at sinabi sa akin: “Ako ang reyna ng dalampasigan at may masidhing pagnanasa na gumawang kasama ka. Ako’y nangangakong bibigyan ka ng kayamanan at ang lahat pa ng mga bagay na kasama nito, pag-iingat at lahat pa ng kasama nito, buhay at isang ‘anghel’ na maggagabay sa iyo.”

Pumindot siya ng isang buton at isang bandihado ng karne o laman ng tao (pira-piraso) ang laman nito at sabay kaming kumain. Inutusan niya ang isang malaking ahas na lumabas at sinabi niya sa akin na lununin ko ito. Hindi ko kaya. Nagpumilit siya subalit hindi ko kaya, papaano ko malululon ang isang buhay na sawa. Ginamit na niya ngayon ang kanyang mga kapangyarihan at nalululon ko ito. Ito ay tatlong tipanan: Ang laman ng tao at dugo, ang sawa at ang demonyong anghel ay laging naroroon upang siguruhin na walang lihim ang nahahayag.

Subalit ang ‘anghel’ ay binigyan ng kapangyarihan upang ako ay disiplinahin kung ako ay naliligaw at upang ako ay dalhan ng pagkain mula sa dagat anumang oras na ako ay narito sa mundo. Nangako ako nalagi ko siyang susundin. Matapos ang pangakong ito dinala niya ako sa iba pang bahagi ng karagatan, sa oras na ito ay isang isla. Mayroon doong mga puno at bawat isa sa mga punong ito ay may kanya- kanyang katungkulan:
- puno para pang lason,
- puno para pang patay,
- puno para pang kulam, at
- puno para sa kagalingan.
Binigyan niya ako ng mga kapangyarihan na magbago sa lahat ng uri ng mga hayop na pangdagat, hippopotamus, sawa at buwaya at pagkatapos siya ay nawala. Nanatili ako sa ilalim ng dagat sa loob ng isang linggo at sa pamamagitan ng isang kaparaanan (isang buwaya) binanggit sa itaas ako ay bumalik sa daigdig.

Ang Laboratoryo sa Ilalim ng Daigdig

Nanatili ako sa Lagos sa loob ng isang linggo at muling bumalik sa dagat, sa pagkakataong ito ay dalawang buwan. Ako ay pumasok sa laboratoryo na pangsiensya upang makita kung ano ang nangyayari. Nakita ko ang mga doktor sa pag-iisip at mga siyentipiko lahat ay gumagawa ng dibdiban. Ang gawa ng mga siyentipikong ito ay magdesenyo ng magagandang mga bagay tulad ng mamahaling sasakyan, etc., makabagong mga sandata at upang tuklasin ang hiwaga ng mundong ito. Kung maaaring malaman ang haligi ng mundo ay makakamtan nila, subalit salamat sa Diyos, TANGING ANG DIYOS LAMANG ANG NAKAKAALAM.

Ako ay nagtungo sa loob ng silid na pagdedesenyo at doon nakita ko ang maraming halimbawa ng tela, mga pabango at iba’t-ibang uri ng cosmetic o pampaganda. Ang lahat ng mga bagay na ito ayon kay Lucifer ay upang magulo o mawala ang atensyon ng tao mula sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Nakita ko rin ang iba’t-ibang desenyo ng mga electronics, computers at mga alarma. Mayroon din doong isang T. V. kung saan mula roon nalalaman nila kung sinu-sino ang mga born again Christian sa mundo. Doon makikita mo at mapagkakakilanlan ang mga dumadalo lamang sa simbahan at sila na talagang tunay na mga Kristiyano.

Pagkatapos ako’y nagtungo mula sa laboratoryo patungo sa ‘madilim na silid’ at ‘silid na patuyuan’. Sa madilim na silid ay ang lugar na kung saan pinapatay nila ang mga masuwayin na kasapi. Pinapatay nila sa pamamagitan muna ng pag-aalis ng dugo at pagkatapos ay pinapadala ang tao sa silid ng makina na kung saan siya ay gigilingin hanggang maging pulbos at pagkatapos ipapadala ang alikabok o pulbos sa ‘silid ng sakuhan’ na kung saan sila isasako at itatabi para kuhanin ng mga albularyo para sa kanilang mga agimat. Mayroon pang maraming mga bagay na lubhang mahirap ipaliwanag sa sulat. Sa kabila ng lahat ng mga kapangyarihang taglay ko, hindi pa rin ako karapat-dapat na humarap kay Lucifer subalit karapat-dapat lamang na kanyang ahente o alagad. Sa kabila ng lahat ako ay kuntento na rin na ako ngayon ay may mga kapangyarihan at kayang harapin, labanan at wasakin ang mga bagay sa aking kagustuhan. Mayroon pa kayang ibang kapangyarihan sa iba ang aking kinakatha sa aking isipan.

Kabanata 3: Ang Masamang Paghahari

«Ang magnanakaw dumarating, upang magnakaw, at pumatay, at mangwasak. Ako ay naparito upang sila ay magkaroon ng buhay, at upang sila ay magkaroon nito ng sagana.»
Juan 10:10

Sa aking pagbabalik sa Lagos, Nagpatuloy ako sa aking negosyo at pagkatapos ng dalawang linggo ako ay muling bumalik sa dagat. Ang Reyna ng Dalampasigan o Pampang ay binigyan ako na tinawag niyang kanyang “unang takda”. Dapat akong magtungo sa aking barrio at patayin ang aking tiyuhin, isang tanyag makapangyarihang albularyo na responsable, ayon sa kanya, sa kamatayan ng aking mga magulang.

Ako’y sumunod at humayo subalit hindi pa ako nakapapatay kaylan man, wala akong lakas ng loob na patayin siya, kaya winasak ko na lang ang kanyang mga gamot at ginawa siyang walang kapangyarihan. Ang dulot ng ganitong pangyayari nawala ang lahat ng kanyang mga parokyano hanggang sa mga araw na ito. Ako’y bumalik upang magbigay ulat sa aking takda subalit siya ay galit na galit sa akin. Sinabi niya na ang kabayaran ng aking pagsuway sa kanyang mga utos ay kamatayan, subalit dahil sa kanyang pagmamahal sa akin muli niya akong pababalikin sa aming barrio upang pumatay ng dalawang matatanda na kung saan sinabi niya na tumulong upang patayin ang aking mga magulang. Kung ito man ay parusa sa aking pagsuway sa kanya o hindi, ay hindi ko na alam.

Ganun pa man, Ako’y sumunod at muling bumalik sa aming barrio at ‘nagawang’ patayin ang mga lalaking ito at pinadala ang kanilang dugo sa kanya. At ang resulat ng mga mahiwagang kaganapan ng kanilang kamatayan ang mga matatanda sa barrio ay nagtungo upang magtanong sa isa pang makapangyarihang albularyo na kalimitan ay nagpapadala ng kidlat upang siyasatin ang pumatay. Sa kasawiang palang ng mga taong ito, nakaharap ko ang albularyo sa espiritu na kung saan siya ay kumukunsulta sa mga espiritu at binalaan siyang huwag magsasalita ng anuman kung mahal pa niya ang kanyang buhay. Siya ay lumabas at sinabi sa mga matatanda ng barrio na umuwi at magmakaawa sa isa kanilang mga anak na kanilang nasaktan at hindi sinabi ang aking pangalan.

Ang kidlat na kanyang pinadala ay bumalik at tumama sa kanilang kalagitnaan pumatay ng ilan at iniwang sugatan ang marami. Matapos ang unang gawain ito, ang mga kapangyarihan sa akin ay nagpasimulang lumabas sa akin. Ginagawa kong kupi ang anyo ng isang babae dahil sa pag-iwas niyang makipagkaibigan sa akin atbp.

Ang Aking Pakikipag harap kay Satanas

Di naglaon akoy bumalik sa Lagos. Isang araw, isang babae nagngangalang NINA ay dumating sa akin. Ang mga magulang ni NINA ay mula sa Anambra State siya ay napakagandang batang babae subalit kalimitang namumuhay sa karagatan, sa ilalim ng dagat na espiritual na daigdig. Siya ay isang masugid na alagad ng Reyna ng Pampang at napaka sama. Kinamumuhian niya ng lubos ang mga Kristiyano sa kaibuturan ng kanyang pagkatao at handang gawin lahat upang labanan ang Kristiyanismo. Una ko siyang nakatagpo sa isang dalaw ko sa dagat. Si NINA ay dumating dahil sa isang utos mula sa Reyna ng Pampang.

Umalis kaagad kami at sa pagsapit doon napag-alaman ko ang aming pagpupulong lay Lucifer. Si Satanas, sa pulong na ito, binigyan kami ng mga sumusunod na utos: Labanan ang mga mananampalataya at huwag ang di mananampalataya, sapagkat ang mga di mananampalataya ay sa kanya nang pag-aari. Nang sabihin niya ito, isa sa amin ay nagtanong: “Bakit?” Sinabi niya na ang dahilan na pinalayas siya ng Diyos paalis sa ‘lugar na iyon.’ (Ayaw niyang sabihin ang salitang ‘Langit’ at sa buong panahon ng aming mga pagpupulong sa kanya hindi niya binanggit ang salitang ‘Langit’. Kundi lagi niyang ginagamit ang salitang ‘lugar na iyon’) dahil sa kapalaluan, at kaya nga ayaw niyang sinumang Kristiyano ang makarating doon (Langit).

Sinabi niya rin sa amin na huwag labanan ang mga bulaan o hipokrito. “Sila ay kagaya ko”, sabi niya. Nagpatuloy siya sa kanyang talumpati at sabi: “Dapat lamang nating labanan ang mga tunay na Kristiyano.” Na ang kanyang oras ay malapit na, kaya nga “dapat tayong lumaban di tulad ng dati at siguruhin na walang makapapasok sa ‘lugar na iyon.’” Kaya isa sa amin ang nagsabi sa kanya: “Narinig namin na nagsugo ang Diyos ng isang tao upang iligtas ang sangkatauhan pabalik sa Diyos.” Nagtanong ngayon si Satanas: “Sino iyon?” Isang kasapi ang sumagot “Hesus” at sa aming laking gulat, si Lucifer ay nahulog mula sa kanyang inuupuan. Sinigawan niya ang tao at binalaan siyang huwag na muling babanggitin ang pangalang iyon sa anumang pagpupulong namin kung mahal pa niya ang kanyang buhay. Totoo na sa pangalan ni Hesus ang bawat tuhod ay luluhod (Fil. 2:10), kasama si Satanas.

Matapos ang insidenteng ito pinalakas niya ang aming loob at sinabi sa amin na huwag intindihin “ang mga Kristiyanong ito”, na siya si Lucifer di kalaunan ay maghahari sa buong mundo at ibibigay sa amin, kanyang mga alagad, isang mas mainam na lugar upang hindi na kami magdurusa kasama nang iba pa sa mundo at gagawin niya kaming mga tagapamahala. Nagpatuloy siya na yamang ibig ng tao ang mga magagarbo at magagarang mga bagay, ipagpapatuloy niya ang paggawa ng mga bagay na ito at sisiguruhin na ang tao ay wala nang oras para sa kanyang Diyos at gagamitin niya ang mga sumusunod upang wasakin ang mga mananampalataya:

1. Salapi,
2. Kayamanan,
3. Babae.

At sa dulo ng kanyang talumpati tinapos niya ang pulong. Ito ang una kong pakikipagpulong kay Satanas. Ilang pang tulad nito ang sumunod. Habang kami ay papaalis, ang Reyna ng Pampang, na ngayon ay nagpakita sa ibang mga anyo, ay inimbitahan ako sa kanyang mansyon. Ipinasok niya sa buto ng dalawa kong binti ang mga abo ng tao at iba pang mga bagay, isang bato (hindi pangkaraniwang bato) sa aking daliri at iba pang bagay sa loob ng buto ng aking kanang kamay.

Bawat isa sa mga bagay na ito ay mayroong tungkuling gaganapin. Ang bato sa aking daliri ay upang malaman ang iniisip ng sinuman laban sa akin. Ang isa sa aking kanang kamay ay upang palakasin ako upang mangwasak at ang ilan sa aking mga binti ay upang ako ay lalo pang tumibay at lalo pang maging mapanganib at upang ako rin ay pagpalit anyo bilang isang babae, hayop, ibon, pusa, atbp. Dinala niya ako sa isa sa mga laboratoryo at binigyan ako ng teleskop, isang T. V. at isang video. Ang mga bagay na ito ay hindi pangkaraniwan subalit upang gamitin upang manmanan ang mga born again Christians at ang mga mananampalataya sa loob ng simbahan.

Bilang pang huli binigyan niya ako ng labing anim na babae upang gumawa bilang aking mga alagad. Si NINA ang isa sa kanila. Ako’y muling bumalik sa Lagos armado ng mga ‘regalong’ binanggit sa itaas.

Binago bilang Alagad ni Satanas

Wala na akong damdaming tao walang awa sa aking puso ang nanatili. Nagtungo ako agad sa aking misyon at winasak ang limang bahay sa isang iglap. Lahat sila ay lumubog sa loob ng lupa kasama ang mga nakatira. Ito ay nangyari sa Lagos noong Agosto 1982. Ang kontratista ang pinanagot dahil sa hindi paglalagay ng isang matibay na pundasyon at nagbayad siya ng mahal dito. Maraming pagkawasak ang nangyayari sa mundo ngayon na hindi gawa ng tao. Ang tungkulin ng diablo ay magnakaw, pumatay at mangwasak. Sinasabi kong muli, “si Satanas ay walang libreng regalo”.

Humayo ako upang lumikha ng mga aksidente sa mga lansangan atbp. Isang kaso na nais kong ikuwento ay ang tungkol sa isang batang bagong tanggap na humahayo upang magpatotoo tungkol sa kanyang kaligtasan at kalayaan. Nagdudulot siya ng maraming kasakitan sa daigdig ng espiritu dahil sa bagay na ito, kaya pinlano ko ang isang aksidente para sa kanya. Isang araw naroon siya sa isang mamahaling bus patungong Lagos. Mayroon siyang isang tipanan na kung saan siya ay magbibigay ng kanyang patotoo. Nang ang bus ay nasa matulin, ipinihit ko ito palabas ng kalsada at ito ay sumunod at bumangga sa isang puno. Lahat ng pasahero ay namatay maliban dito sa isang batang bagong tanggap.

Ang kanyang pagtakas ay mahimala dahil lumabas siya sa likurang bahagi ng bus at nagsisigaw: “Ligtas ako! Ligtas ako!” Sinikap naming pigilan siya sa pagpapatotoo subalit nabigo kami.

Sa pamamagitan ng T.V., malalaman namin na ang isang tao ay bagong nagsisi at tutugisin namin siya ng tahasan upang makita namin kung kaya namin siyang patalikurin. Kung sa loob ng anim ba buwan hindi kami nagtagumpay, pupunta kami sa kanyang negosyo at gagawin namin itong luge. Kung siya ay isang lingkod ng pamahalaan sisikilin namin siya sa pamamagitan ng kanyang amo o bossing, at kung maaari ay tanggalin siya sa kanyang kalagayan o puwesto. Kung sa lahat ng mga bagay na ito ay ayaw niyang tumalikod sa pananampalataya doon titigilan na namin siya. Subalit kung siya ay tumalikod siya ay papatayin upang tiyaking hindi na siya magkakaroon ng ikalawang pagkakataon upang magsisi.

Nangwasak ako ng mga buhay sa kasukdulan na lubhang natuwa si Lucifer sa akin at ginawa akong tagapanguna ng mga mangkukulam. Isang buwan matapos akong maging tagapanguna, isang pagpupulong ang ipinatawag. Dumalo kami sa pagpupulong na iyon bilang mga ibon, mga pusa at mga ahas. Ang mga nilalang na ito ay ginagamit sa mga sumusunod na kadahilanan:

1. Ang mag-ayong mga ibon ay nagdudulot ng higit na panganib ang mga mangkukulam.
2. Ang mag-anyong mga pusa ay nakapagdudulot ng kakayanang abutin ng mga mangkukulam pareho ang mga espiritu at mga tao.
3. Ang mag-anyong mga daga ay nagdudulot sa mga mangkukulam na makapasok sa isang bahay na napakadali, pagkatapos sa gabi maging isang anino, at pagkatapos bilang tao at sipsipin ang dugo ng biktima.

Sa pulong na ito isa lamang ang aming agenda: “Ang mga Kristiyano.” Pagkatapos nagtakda nga kami ng isang African wizard (mangkukulam na lalake) conference sa Benin city noong 1983. Nilathala namin ito sa lahat ng mga pahayagan at lahat ng pampublikong anunsio. Lahat ng mga pwersa ng kadiliman ay ipinagala at kami ay talagang panatag na walang anumang hahadlang sa pulong na ito. Sa katunayan ang lahat ay mabuting naisa plano at walang anumang bagay na papalpak.

Biglang-bigla. Ang mga Kristiyano sa Nigeria ay nagdaos ng mga pananalangin at pagpupuri sa kanilang Diyos at lahat ng aming mga plano ay nadurog. Hindi lamang ang aming mga plano ang nadurog subalit mayroon ding malubhang kaguluhan sa kaharian ng Kadiliman. Isa sa mga resulta, ang pulong ng mga mangkukulam na lalake at babae ay hindi maaaring gawin sa Nigeria. Dapat tandaan ng mga Kristiyano na sa oras na sila ay talagang magpasimulang magpuri sa Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, nagkakaroon ng kaguluhan at di pagkakaunawaan kapwa sa dagat at sa himpapawid, at ang mga alagad ni Satanas ay mawawalan ng lugar na mapagpapahingahan. Ang panalangin ay tulad ng paghahagis ng isang bomba sa aming kalagitnaan at ang bawat isa ay magsisitakas para sa kanyang buhay.

Kung mauunawaan lamang ng mga Kristiyano at gamitin ang kapangyarihan at kapamahalaan na ibinigay ng Diyos sa kanila, sila ang magmamaniobra ng mga kaganapan sa kanilang bansa! Tanging ang mga Kristiyano lamang ang makapagliligtas ng ating bansa.

Matapos na mabigo ang pagpupulong na ito, na naidaos na lamang sa South Africa, ako ay ipinatawag muli sa karagatan. Nang ako ay dumating, sinabi sa akin sa pagkakataong iyon na gagawin ko ang karagatan na aking tahanan at dadalaw na lamang sa daigdig sa mga mahihirap na operasyon. Ako ay binigyan ng isang bagong takda o assignment: maimbento ng mga agimat para sa mga local na albularyo, tagapamahala sa control room at tagapagpadala ng mga regalo, hal. Pagbubukas ng puting kasuotan ng mga simbahan (bahay panalanginan), pagbubukas ng mga bahay panganakan, pagbubukas ng mga tindahan at gagawing masagana sila, pagbibigay ng ‘mga anak’ at salapi. Ang mga ito ay isa-isang ipapaliwanag:

1. Pagbubukas ng Puting “Kasuotan ng mga Simbahan o church”:
Kapag ang isang tao ay lumapit sa amin para sa tulong sa pagtatayo ng isang bahay panalangin at tulungan siyang gumanap sa panggagamot atbp., siya ay bibigyan ng ilang mga kondisyon:
a) Siya ay dapat sumang-ayon na mag bigay sa amin ng isa o dalawang kaluluwa kada taon.
b) Sa isang bahagi ng lebel sa opisina sa simbahan ang tao ay ihahandog para sa aming kalipunan.
c) Walang sinumang kasapi ang pahihintulutang pumasok sa bahay panalanginan na nakasapatos.

Kapag tinanggap niya ang mga kondisyon na ito, siya ay bibigyan ng isang tulad ng isang puting bato, mga buto ng tao, dugo at mga agimat, lahat sa katutubong palayok. Siya ay aatasan na ilibing ang palayok na ito kasama ang lahat ng nilalaman nito sa harap ng simbahan at ilibing na may krus sa ibabaw nito. Matapos ang paglilibing, tanging ang krus lamang ang makikita. Siya ay pagbibilinan na gumawa ng isang pool o babaran o itago ang sisidlan na kung saan ang mga espiritu ay patuloy na maglalagay ng espesyal na tubig. Ang tubig na ito ay ang naririnig mong tinatawag nilang “banal na tubig.”

Maraming tao kapag ginugulo ng mga masasamang espiritu ay nagtutungo sa mga “propeta o albularyo” upang palayasin sila. Ang katotohanan ay, dinaragdagan lamang nila ng mas marami pang demonyo sa kanila. Ang isang demonyo ay hindi kayang palayasin ang kapwa demonyo. Ang gagawin ng propeta ay, ipapanalangin ang miyembro at pagkatapos ay bigyan siya ng isang pulang tela upang ilagay sa kanyang bahay, at pagkatapos pagpapayuhan na laging manalangin na may mga kandila at mga insenso. Sa pamamagitan ng ganitong gawa ang tao ay nag-iimbita sa amin sa kanyang bahay. Kung minsan ang miyembro o kasapi ay papayuhan na magdala ng isang kambing atbp. Para sa handog. Ang mga handog na ito ay para sa amin na pumarito at tulungan ang tao. Ang propeta o albularyo ay walang kapangyarihang magpagaling.

2. Pagbubukas ng mga Bahay Paanakan:
Kung ang isang babae ay magtungo sa amin para sa tulong sa pagbubukas ng isang bahay paanakan at gagawin itong malago, siya bibigyan ng ganitong mga kundisyon:
"Isang buwan ang aming pipiliin na kung saan ang lahat ng mga batang ipapanganak sa bahay paanakan ay mamamatay, subalit sa ibang mga buwan ang mga bata ay mabubuhay.”

Kung siya ay sumang-ayon, siya rin ay bibigyan ng isang agimat na makapang hahatak ng mga tao sa kanyang bahay panganakan. Mayroon ganung mga bahay panganakan sa Onitsha, Lagos atbp. Ang mga sapatos ay hindi pinahihintulutan sa mga bahay panganakan.

3. Pagbubukas ng mga Tindahan ng Mamahaling Gamit:
Kapag ang isang tao ay lumapit sa amin para humingi ng tulong sa ganitong bagay, siya ay bibigyan ng isang sing-sing na may taglay na kundisyon na walang babae ang dapat humipo nito. Siya rin ay papayag na aming maging miyembro. Kung pumayag siyang ganapin ang mga kundisyong ito, ang kanyang tindahan ay laging puno ng magagara at makabagong materyales mula sa amin.

4. Paghahandog ng mga Bata:
Kung ang isang baog na babae ay magtungo sa ilang albularyo, matapos niyang sabihin ang kanyang mga kahilingan, siya ay sasabihin na dalhin ang mga sumusunod: isang puting tandang, isang kambing, katutubong abo at gamit ng bata. Siya ay sasabihan na umalis at sa kanyang pagliban, ang albularyo ay magtutungo sa amin dala-dala ang mga bagay na ito. Paghahaluin namin ang ilang mga bagay na mahirap ipaliwanag sa salita, at kasama rito ang mga abo ng tao. Gagamitin niya ang agimat na ito upang ipangluto para sa babae atbp. Siya ay magiging buntis at manganganak, subalit hindi ito normal na tao. Kung ang bata ay isang babae siya ay mabubuhay at makapag-aasawa pa subalit siya ay mananatiling baog buong buhay niya. Kung ang bata ay lalake siya ay mabubuhay at magsasanay pa subalit bigla siyang mamamatay. Hindi sila mabubuhay upang ilibing ang kanilang mga magulang.

Nais kong sabihin dito na ang pagkabaog ay kalimitang gawa ng mga demonyo. Makakakita ka ng isang babaeng baog dito sa daigdig, subalit maaari siyang magkaroon ng mga anak sa dagat. Kaya nga binabalaan ko ang mga anak ng Diyos na maghantay sa Diyos lamang, siya lamang ang makapagbibigay ng mga tunay na anak.

5. Pagbibigay ng Salapi:
Kung ang isang tao ay lumapit sa amin para sa salapi, siya ay bibigyan ng mga ganitong kundisyon na dapat tupdin: Siya ay aatasan na ibigay ang isang bahagi ng kanyang katawan o kung siya ay may pamilya siya ay sasabihan na dalhin ang kanyang anak na lalake. Kung binata, siya ay aatasang dalhin ang kanyang nakatatanang kapatid na lalake o nakababata.

Sinuman ang kanyang pagpasyahang dalhin kinakailangan na ito nanggaling sa iisang sinapupunan lamang. Isang bagay na dapat banggitin ay: habang pinapatay ang biktima, ang tao na nagdala sa kanya ay bibigyan ng sibat o pana. Ang kanyang relasyon o kamag-anak ay hahayaang dumaan isa-isa sa harap ng salamin. Sa oras na dumaan ang kanyang inihandog, sasabihan siya na sibatin at kapag ito ay nangyari ang biktima ay mamamatay kung saan siya naroon.

Marami pang ibang kaparaanan subalit isa sa mga ginagawa ni Satanas ay ganoon: Sinisiguro niya na sa ibang mga kaparaanan, ang naghandog ang siyang responsable sa kamatayan ng biktima, sa pamamagitan ng pagsibat ng nagbigay sa biktima. Tandaan, si satanas ay walang libreng regalo!

Kabanata 4:Papaanong nilalabanan ni Satanas ang mga Kristiyano

«Sabagkat hindi tayo nakikibaka laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga espiritu ng kasamaan sa matataas na lugar.»
Eph. 6: 10-12

Pakikipaglaban sa mga Kristiyano

Matapos ang utos ni Lucifer na labanan ang mga Kristiyano, kami nga ay nanga-upo at pinlano ang aming mga gagawin sa pakikipaglaban sa kanila sa mga sumusunod:

1. Pagdulot ng mga karamdaman.
2. Pagdulot ng pagkabaog.
3. Pagdulot ng pagkaantok sa loob ng kalipunan ng mga mananampalataya o church.
4. Pagdulot ng kaguluhan sa loob ng kalipunan ng mga mananampalataya o church.
5. Pagdulot ng panlalamig sa kalipunan ng mga mananampalataya o church.
6. Ginagawang ignorante o mangmang ang mga mananampalataya sa Salita ng Diyos.
7. Sa pamamagitan ng kausuhan at paggaya sa mga layaw ng laman.
8. Paglaban sa kanila ng harapan.

Sa lahat ng nasaitaas nais kong ipaliwanag ang dalawa:

1. Labanang Pisikal:
Sa pamamagitan ng T. V. na ibinigay sa akin, nakikita ko ang mga born again Christians. Hindi namin nilalabanan ang mga hipokrito o mapagpaimbabaw dahil sila ay mga kasama na namin. Ipinapadala na namin una ang aming mga babae sa malalaking mga simbahan. Sa loob ng simbahan sila ay kumakain ng chewing gum o pinapaiyak ang mga bata o gumagawa ng anumang makapagdudulot ng kaguluhan sa mga tao sa pakikinig ng salita ng Diyos. Maaari silang magpasyang pumunta bilang espiritu at dulutan ang mga tao ng pagkatulog habang ang pangangaral ay ginaganap. Kapag nakita nilang ikaw ay may isang malinaw pagsisiyasat sa sarili dahil sa pangangaral, aantayin ka nila sa labasan ng simbahan at sa paglabas na paglabas mo, isa sa kanila ang babati sa iyo at bibigyan ka pa nga ng regalo (At lagi ito yung gusto mo) at magpapakitang mapagkaibigan. Gagawin niya ang lahat at bago mo malaman ang mga nangyayari nakalimutan mo na ang mga lahat ng iyong natutunan sa simbahan. Subalit para sa isang tunay na Kristiyano, isa sa mga babaing ito, matapos ang gawain,ay luluksong batiin ka at magnanasang alamin kung saan ka nakatira na nagkukunwaring bago lamang siya sa lugar na iyon at walang masyadong kakilalang mga Kristiyano sa paligid. Sa pagdadala mo sa kanya sa bahay, siya ay dalidaling bibili ng saging at ang Kristiyano ay tatanggapin ito bilang tanda ng pagmamahal. Magpapatuloy siya sa kanyang pagdalaw hanggang sa bandang huli ay alisin niya ang liwanag ni Kristo sa iyo at pagkatapos ay hihinto sa pagdalo. Ang malalaking operasyon sa mga buhay na Iglesia (church) at mga pagtitipon ay ang mga sumusunod: pinapahina ang loob ng mga Kristiyano sa pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos, at dahil dito ay nagiging mga mangmang sila sa kanilang kapamahalaan at sa mga pangako ng Diyos. Sa mga crusada ang mga babaing ito ay ipadadala upang magdulot ng di pagkakaunawaan at mga pag-aawayan.

Kung papaanong napagkakakilanlan ang mga Kristiyano?
Ang mga born again Christians ay kilala sa pamamagitan ng malimit na pagdadala ng Bibliya sa mga gawain na kanilang dinadaluhan. Sila ay kilala sa daigdig ng espiritu sa pamamagitan ng liwanag na patuloy na dumadaloy sa kanila tulad ng isang napaka liwanag na kandila sa puso o isang bilog na liwanag sa palibot ng kanilang ulo o isang dingding na apoy sa palibot nila. Kapag ang isang Kristiyano ay naglalakad mag-isa, nakikita namin kasama nilang naglalakad ang mga anghel, isa sa kanan, isa sa kaliwa, at isa sa likuran. Dahil dito napaka imposible kaming makalapit sa kanya.

Ang tanging paraan upang magtagumpay ay sa pamamagitan ng pagtukso sa isang Kristiyanong magkasala, dahil dito nagkakaroon kami ng isang butas upang makapasok. Kapag ang isang Kristiyano ay nagmamaneho ng isang sasakyan at gusto namin siyang saktan, sinisiguro namin na hindi siya nag-iisa sa sasakyan. Laging mayroon isang Anghel sa tabi niya. Oh kung nauunawaan lamang ng Kristiyano ang lahat ng ihinanda ng Diyos para sa kanya, hindi na siya nakikisalamuha sa kasalanan o mamuhay ng walang pakialam!

2. Ang Paggawa ng isang Bagsak na Kristiyano
Bilang isang tagapanguna na inilagay ni Lucifer, ipinapadala ko ang mga babaing ito sa mga buhay na iglesia at mga pagtitipon. Ang mga babaing ito ay mainam na nakadamit at pagkatapos ng pangangaral ay lalabas o lalapit para sa altar call, nagpapanggap na tinaggap si Kristo at ipapanalangin. At pagkatapos ng gawain sila ay mananatili upang antayin ang mangangaral na natural naman na masayang masaya sa mga bagong tanggap na ito.

Ang mga bagong tanggap ay maaring sundan pa ang mangangaral sa kanyang bahay. Kung ang mangangaral ay walang espiritu ng pagkakilanlan sa mga espiritu, aakitin siya sa pagkakasala nang pakikiapid o pangangalunya. Ito ay nangyayari sa oras na hangaan niya ito ng may pagnanasa. Sisiguraduhin niya na magpapatuloy siya sa ganitong kasalanan hanggang sa pinapighati na niya ang Espiritu ng Diyos na nasa kanya at pagkatapos ay iwanan na siya, tapos ang misyon.

Sa puntong ito, Nais kong magbigay ng isang patotoo sa isang Ministro. Sa daigdig ng masamang espiritu siya ay kilala bilang isang tao ng Diyos. Kapag siya ay lumuluhod para manalangin nagkakaroon sa aming kalagitnaan ng kaguluhan. Ipadadala namin ngayon ang mga babaing ito sa kanya. Pakakanin pa ng taong ito sila subalit tatangging matukso. Ginawa nila lahat ng dapat nilang gawin pero hindi sila nagtagumpay. Dahil dito ang mga babaing ito ay ipinapatay dahil sa kanilang pagkabigo.

Pagkatapos ako naman ay nagpalit anyo bilang babae ang nagtungo sa kanya, at sa pamamagitan ng mga salita at mga gawa inakit ko siya, subalit siya ay matigas. Ito ay lubhang napakahirap para sa akin, kaya pinagpasyahan kong patayin ko na lang siya sa pisikal. Isang araw ang Ministrong ito ay nagtungo sa Oduekpe Road pamilihang bayan. Minamatyagan ko siya at siya ay yumuko upang magtanong ng presyo ng ilang mga paninda ipinihit ko sa kanya ang isang paparating na malaking trak na may mga kargang drum ng langis tungo sa palengke na kung saan ay naroon siya. Ang malaking trak ay tumama sa poste na may mataas na boltahe ng kuryente at bumagsak sa gitna ng palengke, na nag-iwan ng maraming taong patay, subalit ang Ministro ay nakatakas. Kung papaano siyang nakatakas ay isang milagro. Iba pang araw, nakita ko siyang naglalakbay patungong bayan ng Nkpor naglalakad. Muli pinihit ko ang isang isang trak ng sundalo na may dalang mga tugi upang patayin siya. Ang trak ay tumungong derecho sa bagong kalsa sa sementeryo, pumatay ng maraming tao, subalit ang Ministrong ito ay muling nakatakas. Matapos ang ikalawang pagtatangkang ito huminto na kami. Siya ay buhay pa rin!

Dahil sa isang Kristiyano, ang diablo ay maaaring magpasya na mangwasak ng maraming kaluluwa, iniisip niya na kaya niyang patayin siya, subalit lagi siyang bigo. Ang mga inisdenteng ito ay nangyari na sa maraming mga Kristiyano lingid sa kanilang kaalaman, subalit ang kanilang Diyos ay lagi silang inililigtas. Ang problema ay, di sumusuko ang diablo. Ang kanyang kaisipan ay laging: “maaari akong magtagumpay.” Subalit kaylan man ay di siya nagtagumpay. Habang ang Kristiyano ay naglalakad taglay na nananatili sa kanya ang pag-ibig ng Diyos at hindi nahuhumaling sa mga bagay ng sanglibutan sa buhay na ito, ang diablo ay di magtatagumpay, gaano man siya magpumilit sumubok. Ang mga di mananampalataya lamang ang nasa kanyang pamamahala.

Ang Pagpapahirap sa mga Kristiyano
Ito ay kalimitang nangyayari sa mga panaginip. Maaring makita ng isang Kristiayano sa kanyang panaginip ang mga sumusunod:
1. Dinadalaw siya ng isang patay na kamag-anak.
2. Nagkukunwaring hinahabol siya.
3. Mag-asawang naliligo sa ilog.
4. Mag-asawang nagdadala ng pagkain at nakikiusap na kumain ka.
5. Isang dalaga na nakikipagtalik o isang may-asawang babae nakikipagtalik sa isang lalake. Kung hindi ito lulunasan, kung minsan ay humanhantong sa pagkabaog.O isang buntis na babae nakikita niya ang kanyang sarili na nakikipagtalik sa isang lalake. Kung hindi ito lulunasan, ay maaaring humantong sa isang pagkalaglag ng bata.

Kung ang isang Kristiayano ay naranasan ang mga nasa itaas na panaginip, hindi niya ito dapat ipasawalang bahala sa pagkampay lamang ng kamay, subalit sa kanyang paggising dapat niyang siyasatin ang kanyang sarili at ikumpisal ang anumang kasalanan sa Diyos, gapusin ang lahat ng demonyo at hilingin sa Diyos na ipanauli ang lahat ng anumang pinakialaman. Ito ay napaka importante. Ang tao ay dapat ding humiling ng tulong at payo ng isang malagong Kristiyano na puspus ng Banal na Espiritu, mas matanda sa pananampalataya.

Ang Pag-aakay ng Kaluluwa ng Diablo
Nang nililisan ni HesuKristo ang daigdig na ito; Binigyan niya ang kanyang mga alagad ng isang utos: “Humayo kayo sa buong sanglibutan at gumawa ng mga alagad sa lahat ng lahi.” Habang ang ilang mga Kristiyano ay naghahantay ng mas mainam na panahon at maluwag na pagkakataon upang sundin ang utos na ito, ang diablo rin ay nagbigay ng utos sa kanyang mga kampon. Ang pagkakaiba ay, ang mga alagad ng diablo ay higit na seryoso sa pag-aakay ng mga kaluluwa kaysa mga Kristiyano!

Isa sa mga lugar na ginagawa ng diablo ang kanyang pag-aakay ng kaluluwa ay sa secondaria o high school, lalo na sa mga babaeng paaralan. Ilan sa ating mga babae ay ipinadala sa mga paaralan bilang mga mag-aaral. Binibigyan natin sila ng mga makabagong at mamahaling saplot o underware. Ito ay pinaka-una, dahil sa tirahan ng mga babae, ibig nilang sila ay mga naka panti lang. Ang aming mga kampon ay hindi magkukulang ng anuman, cosmetics, mga damit, panti, mga libro, mga gamit at salapi. Isang natatanging sabong pampaligo ay ibibigay sa kanya upang ipagamit sa sinumang mag-aaral na nganga-ilangan ng sabon mula sa kanya. Ang isang babae na nagnanasa na nais na maging kagaya niya ay lalapit sa kanya at makikipagkaibigan sa kanya. Dahan-dahan ang aming mga kampon ay ipapakilala kami sa kanya. Sa puntong ito dadalawin namin siya ng personalan at magpapasimula kaming magbigay ng mga regalo at pagtugon sa kanyang mga pangangailangan. Dahil dito, sasama siya sa amin ng kusang-loob. Siya naman ay mag-aakay ng iba pa at laging ganun. Ito ay binibilang na isang misyon at ito ay ginagawa ng mayroong determinasyon upang magtagumpay.

Isang bagay ang dapat maging malinaw: walang sinumang pinipilit si satanas. Ang kanyang ginagawa ay tuksuhin at gawin kang lumapit sa kanya ng kusang-loob. Kaya nga ang sinasabi ng Bibliya: “Labanan ang diablo at siya ay lalayo sa inyo” (Santiago 4:7). Isa pang lugar ng pagwawagi ng kaluluwa para sa diablo ay ang sa mga nagbibigay ng libreng sakay. Ipapadala namin ang aming mga babae na tumayo sa lansangan, at kalimitan sila ay ubod ng ganda at nakaka-akit ang kanilang mga kasuotan. Makikita mo rin sila sa mga hotel at sa pamamagitan ng mga lugar na ito nakakakuha kami ng lalake at babae. Marami tayong nakikitang mga tao nakalagay sa pahayagan na nawawala, naligaw sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng sakay sa mga babae, na hindi nila alam o kilala.

Dapat ka ngayong maging maingat kung sino ang isinasakay mo sa iyong kotse.

Kabanata 5: Ang aking pagharap kay HesuKristo

Sa buwan ng Pebrero 1985, Ginanap namin ang aming karaniwang pulong sa dagat, pagkatapos noon ako ay nagpasyang maglakbay patungong Port Harcourt in Rivers State, upang dalawain ang balo ng aking tiyuhin. Nakilala ko ang isang lalakeng nagngangalang Anthony. Siya ay mayroong pagawaan o talyer sa Nwaja Junction, sa hilera ng Trans-Amadi Road, Port Harcourt, Rivers State. Ipinatawag niya ako at yamang sa aming kalipunan ay mayroon kaming isang batas na hindi tanggihan ang mga tawag, nagpasya akong tanggapin ang kanyang tawag. Natungo ako sa kanya sa bandang hapon nang isang Huwebes ng linggong iyon. Nagpasimula siya sa pamamagitan ng pagsabing binigyan siya ng Diyos ng isang mensahe para sa akin. Inilabas niya ang kanyang Bibliya at nagpasimulang mangaral. Mayroon duong tatlong iba pang Kristiyano na nakaupo (isang lalake at dalawang babae). Nagpatuloy siya sa kanyang pangangaral nang may kahabaan at hindi ko tiyak kung napakinggan ko ang lahat ng kanyang sinabi. Sinabihan niya akong lumuhod para sa mga panalangin. Ako’y sumunod at matahimik na ako ay lumuhod.

Pagdakay siya’y nagpasimula sa kanyang mga panalangin. Ako ay natumba sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos at natumba ako ng plakda. Nagpumilit akong tumayo at tumindig na parang bakal. Winasak ko ang mga bakal na upuan sa loob ng talyer. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang tatlong miyembro ng aming lihim na kalipunan, isang lalake at dalawang babae. Sila’y dumating sa anyo bilang mga tao at lumapit patungo sa pintuan subalit dahil sa kapangyarihan ng Diyos hindi sila makapasok.

Natitiyak ko na ang alarma sa karagatan ay nagbabala sa kanila sa panganib at dahil sa T. V. alam nila kung saan naroon ang problema at nagpadala ng ‘walang kapangyarihang’ pangkat na sasaklolo. Ito ay kalimitang nangyayari kung mayroong isang kasapi na nasasabak sa gulo. Habang ang dalawang lalakeng Kristiyano ay hinahatak akong pababa upang ako ay lumuhod, ang mga babae ay patuloy na nananalangin at ginagapos ang mga demonyo, subalit hindi sila eksakto o ‘specific’. Tinanong nila ako kung ako ay sumasampalataya kay HesuKristo, wala akong sinabing anuman. Sinabihan nila ako na tumawag sa pangalan ni Hesus, ako’y tumanggi. Tinanong nila ang sarili kong pangalan at sinabi ko sa kanila. Nakibaka sila nang ilang oras at pagkatapos pinawalan ako. Walang espiritu ang napaalis sa akin, kaya ako ay lumabas na tulad din o gaya ng aking pagpasok.

Ang Mga Gawain sa Iglesia

Ang sumunod na araw bilang Biyernes, ako ay muling inimbita ni Anthony upang dumalo sa kanilang panggabing pananalangin sa Assemblies of God church, Silver Valley, Port Harcourt. Tinanggap ko ang imbitasyong ito dahil sa pagdalo sa mga gawain ng mga mananampalataya ay nagdudulot sa akin ng pagkaantok at ang kaguluhan ay bahagi ng aming takda o mga dapat gawin. Ang programa ay nagsimula sa mga awitan. Kami ay umawit hanggang ang isa sa mga miyembro ay nagtaas ng isang sikat na koro ng isang kilalang Christian Band, na tumutukoy sa kawalang kapangyarihan ng ibang kapangyarihan maliban sa kapangyarihan ni Hesus.

Pagkatapos nagpasimula akong tumawa. Tumawa ako dahil nang tignan ko sa espiritu tinignan ko ang kanilang mga buhay halos 75% ng mga taong umaawit sa koro na ito ay namumuhay sa kasalanan. Alam ko iyon dahil sa mga kasalanan sa kanilang mga buhay, sila ay lantad at maaaring saktan lubha ng mga kapangyarihang ito. Napakahalaga na ang mga Kristiyano ay sumusunod sa salita ng Diyos at hindi payagan ang mga lihim kasalanan na manatili sa kanilang mga buhay. Sa gawaing iyon kami ay apat na mula sa karagatan at umaawit at pumapalakpak na kasama nila. Muli nais kong bigyan diin dito na kapag magsisimula ang isang gawain, ang mga miyembro ay dapat payuhang ipahayag muna (sa Diyos) ang kanilang mga kasalanan, pagkatapos ay tumungo sa isang tunay na mga pagpupuri sa Diyos. Ang bagay na ito ay magdudulot sa alagad ni Satanas na naroon ng napakahirap na kalagayan at sa katunayan tatakas para iligtas ang kanyang buhay.

Sa partikular na gawaing ito kami ay napaka comportable at nagawa pang magtungo sa aming operasyon. Marami ang nagpasimulang matulog, ang mga koro ay inawit ng may kahinaan, at ang mga bagay ay nagpawarde-warde. Sinabi na ni Brother Anthony sa kanila ang tungkol sa akin kaya sa bandang 2:00 ng umaga tinawag nila ako upang ipanalangin. Habang ako ay papalapit sa harapan nagpasimula silang nagsumamo sa dugo ni Hesus. Pinatigil ko sila at sinabi ko: “Hindi ang pagsusumamo sa dugo ni Hesus ang sulusyon. Ako’y isang malalim na kasapi ng lihim na kalipunan. Kung kayo ay magkakasundo na kaya ninyo akong palayain, doon, ako ay luluhod.” Ang mga salitang ito na aking sinabi ay hindi ko muna pinag-isipan. Ang dugo ni Hesus ay nakapangingilabot sa mga demonyo at nag-iingat sa mga mananampalataya, subalit hindi nakagagapos ng mga demonyo. Ang paggagapos ng mga demonyo ay nangyayari lamang kung ang Kristiyano ay ginagamit ang kanyang kapamahalaan at ibibigay ang kanyang utos.

Nagkasundo sila at ako ay lumuhod. Sa puntong iyon isang kapatid na babae na pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos sumigaw at nagsabi: “Kung hindi ka karapat dapat huwag kang lalapit!” Sigurado ako na marami hindi nakaunawa kung ano ang ibig niyang sabihin. Lubhang napaka delikado para sa isang Kristiyano na namumuhay sa kasalanan na magpalayas ng mga demonyo. Marami ang umatras at iilan ang lumapit upang ako ay ipanalangin. Sa kanilang panimula sa pamamagitan ng “sa pangalan ni Hesus,” Nakarinig ako ng isang malaking kalabog sa loob ko at ako ay nabuwal sa sahig. Pagdakay ang mga nagliliparang demonyo sa akin ay nagpulasan. Nagpasimula akong tumakbo sa pamamagitan ng aking dibdib. Sinuman ang sinasapian ng ganitong lumilipad na demonyo ay laging napakasama at mapanganib. Hindi nakikita ng mga kapatiran kung ano ang nangyayari sa espiritual. Ako ay tumatakbo dahil sa isang mas malakas na kapangyarihan sa silid.

Dalawang nagtutunggaling kapangyarihan nagpasimulang gumalaw at nagbago ang kapaligiran. Bigla na lamang akong tumayo at naging mabagsik atbp. Isang demonyo ang lumabas mula sa akin at sinapian ang isang bata sa kanilang kalagitnaan at nagpasimula siyang manlaban sa kanila, nagtatangkang iligtas ako. Hindi nagsayang nang oras ang mga kapatiran sa kanya kundi dinala siya at ang iba pa na natatakot sa isang silid sa simbahan at ikinandado sila sa loob. Ito’y nagpatuloy hanggang 7:00 ng umaga. Ako’y hapong-hapo at naging tahimik, kaya ang mga kapatiran ay muling pumalibot sa akin at nagpasimulang sumigaw: “Pangalanan mo sila!” “Sinu-sino sila?” atbp. Nanatili akong tahimik. Matapos mag-antay nang mahabang oras at na wala akong imik, sila ay napaniwala kong ako ay malaya na. Nanalangin sila at kami ay nagsiyaon na. Ako talaga ay hapung-hapo at nahihirapan akong lumakad palabas ng simbahan. Subalit may isang pangyayari naganap, nang ako ay makalabas ng simbahan at makatawid sa kalsada, bigla na lamang akong naging napakalakas. Marahil ilan sa mga demonyong nasialis ay muling bumalik. Naging mabalasik ako at nagpasyang maghiganti sa simbahan o kapatiran. “Ang mga taong ito’y ininsulto ako” sabi ko sa aking sarili, at dahil sa insultong ito ako’y muling babalik sa Lagos at kumuha ng karagdagang kapangyarihan sa iba na kasing sama ko rin, at pagkatapos ay babalik ako sa Port Harcourt upang maghiganti sa LAHAT ng mga kasapi ng Assembly of God, Silver Valley.

Patungo sa Lagos

Habang patungo ako sa bahay ng asawa ng aking tiyuhin, sinabi ko sa kanila na kinakailangan kong muling bumalik sa Lagos kaagad. Hindi ako nagpapigil manatili at kumuha ako ng taxi patungong Mile 3 motorpark na kung saan doon ako kumuha ng taxi patungo Onitsha. Ang aking layon ay tumigil muna sa Onitsha, katagpuin ang isang kaibigan at pagkatapos tumungo sa Lagos. Sa Mile 3 umalis kami at sa aming pagdating sa Omagwe, sa sangang daan ng International Airport, nakarinig ako ng isang tinig na tumatawag sa akin sa pamamagitan ng aking katutubong pangalan “NKEM.” Ako’y lumingonn upang makita kung mayroon akong isang kakilalang mukha sa taxi subalit wala naman. Sino kaya ito? Tanging ang aking namayapang ina lamang ang tumatawag sa akin sa ganung pangalan, lahat ng tao maging ang nasa espiritual na daigdig kilala ako bilang Emmanuel.

Habang ako ay nagmumuni-muni, ang tinig ay muling dumating: “NKEM, ipagkakanulo mo ba akong muli?” Hindi ko makilala ang tinig subalit patuloy itong nagtatanong sa akin: “Ipagkakanulo mo ba akong muli?” Bigla-bigla nagkaroon ako ng grabeng lagnat. Ang init na lumabas sa aking katawan ay napaka taas na nararamdaman ng mga pasahero sa paligid. Isa sa kanila ay nagtanong sa akin: “Mr., ikaw ba ay walang sakit bago maglakbay?” Sinabi ko sa kanila na ako ay mabuti at wala man lamang akong kahit sakit ng ulo bago umalis ng Port Harcourt.

Sa Umuakpa sa Owerri, hinimatay ako sa loob ng taxi. Ang sumunod na nalaman ko may dalawang lalake, matatangkad at malalaki, dumating upang kunin ako, isa sa aking kaliwa at isa naman ay sa aking kanan, at wala silang sinabing anuman sa akin. Dinala nila ako sa isang napakamababatong kalsada na may mga bote at bakal. Habang kami ay naglalakbay, ang mga bote at bakal na ito ay nagdulot ng mga sugat at nagpasimula akong umiyak subalit ang mga lalaking ito ay wala pa ring imik. Nagpatuloy kami sa paglalakad at lumabas kami sa isang malaking kalsada. Dito nagsalita ang isa sa kanila at sabi: “Ikaw ay isang taong pinaghahanap!” at nagpatuloy kami. Nagpatuloy kami hanggang makarating sa isang napakalaki at napakahabang gusali na mukhang isang bulwagan sa pagpupulong. Nang kami ay makapasok sa entrada isang tinig sa loob ang nagsabi: “Papasukin siya sa loob!” Pinasok nila ako sa loob at naglaho, iniwan akong mag-isa.

Ang nakita ko sa loob ng bulwagang ito ay napakahirap ipaliwanag, subalit sisikapin ko pa ring ipaliwanag sa abot ng aking makakaya. Ang bulwagan ay mainam na nagagayakan at napakalaki at napakahaba na naupat mahihirapan ang sinuman makita ang dulo. At sa dulo ay mayroong isang altar. Nakita ko ang isang buwan at mga bituin nakapalibot sa araw. Pagkatapos nakakita ako ng isang trono at ang nakaupo roon ay isang napakaguwapong lalake na may isang kasuotan na kumikinang tulad ng araw. Sabi niya: “Halika!” Subalit dahil sa kanyang kaningningan hindi ako makalapit. Sa tuwing ginagalaw ko ang aking mga binti ako ay nabubuwal.

Tumindig ako, sinubukan kong muli at nabuwal ako. Bigla-bigla isang buwan ang nagpakita mula sa trono na kung saan Siya ay naka-upo at naglakad patungo sa lugar na aking kinatatayuan. Pagkatapos dalawang kamay ang lumabas sa buwan, hinawakan ang aking ulo, kinalog ako at ang aking pisikal na katawan ay hinila para maalis, kagaya sa paghila sa isang damit. At ang tunay na ako ay tumindig. Ang mga kamay ay itinupi ito kagaya ng pagtutupi ng isang tela at inilapag ito sa isang sulok. Ang buwan ngayon ay umatras sa trono at pagkatapos Siya na nakaupo rito ay muling nagsabi: “Halika!”

Ang Espiritual na Paglilinis

Ako ay lumakad sa isang punto at Siya ay humakbang palabas ng trono patungo sa akin, inalis ang aking mga binti isa-isa at itinaktak ang mga nasa loob nila at muli itong inayos pabalik. Ginawa niya rin sa aking mga kamay ang gayon at muling ibinalik, sa katunayan lahat ng lugar na pinagtaguan ng kapangyarihan ng Reyna ng Pampang. Nagmumuni-muni ako sa aking isipan, sino kaya ito at papaano niya nalaman ang mga lugar ang mga bagay na ito ay lihim. Pagkatapos nito Siya ay muling bumalik sa Kanyang trono at sinabi sa aking lumapit. Habang ako ay nagsimulang maglakad, ilang mga bagay ang nagsimulang maglagpakan mula sa aking katawan, mga talukap ay nalaglag mula sa aking mga mata, atbp., subalit bago ako makarating sa altar ito ay huminto. “SAAN KA PAPUNTA?” Tanong Niya.

Ako’y sumagot at nagsabi: “Ako’y patungong Onitsha upang makipagkita sa isang kaibigan.” Sabi Niya: “Oo, pero ipapakita ko sa iyo kung ano ang nasa iyong isipan.” Hanggang sa mga oras na ito hindi ko pa rin alam kung sino Siya, subalit isang bagay ang tiyak na Siya ay higit na makapangyarihan sa lahat ng mga kapangyarihan na dumaan sa akin. Sumenyas siya sa isang lalake at sinabi sa kanya na ipakita sa akin kung ano ang kinatha ko sa aking puso. Dinala ako ng taong ito sa isang silid at binuksan ang isang tila baga isang pisara. Sa katunayan, kung may pagkakataon akong tumakas ay tatakas ako, sapagkat sa harapan ko ay nakasulat ang lahat na pinlano ko laban sa mga Kristiyano at ang plano ko laban sa Assemblies of God Church, Silver Valley. Dinala akong muli ng lalake sa altar at umalis.

Lumabas Siya sa trono at hinawakan ako sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at sinabi Niya sa akin na mayroon Siyang ipapakitang ilang mga bagay. Sa aming paglalakad sinabi Niya: “Ayaw ko na ikaw ay mapahamak kundi iligtas ka at ito ang iyong huling pagkakataon. Kung hindi ka magsisisi at lumapit at maglingkod sa Akin, ikaw ay mamamatay. Ipapakita ko sa iyo ang titirhan ng mga ligtas at ang mga masuwayin.” Nang sabihin Niya ito, nalaman ko na na Siya ay si HesuKristo.

Ang mga Makalangit ng Kapahayagan

Pumasok kami sa isang silid at binuksan Niya ang tila baga isang kurtina. Nakita ko ang buong mundo, ang mga tao at ang lahat ng mga gawain na nangyayari. Nakita ko ang kapwa mg Kristiyano at mga di mananampalataya lahat ay ginagawa ang isang bagay o iba pa. Nagtungo kami sa isang ikalawang silid. Binuksan Niyang muli ang isang kurtina ang nakita ko ay isang nakakalungkot na tanawin. Mga tao ay nakatanikala! Tinawag Niya ang mga tao na ito na “Ang mga mapagpaimbabaw.” Ang mga taong ito ay mukhang lungkot na lungkot at sinabi Niya: “Mananatili silang ganito hanggang sa araw ng paghuhukom.”

Nagtungo kami sa isang pangatlong silid. Binuksan Niya ang isang kurtina at nakita ko ang maraming mga tao nagbubunyi at nakadamit ng mga mapuputing kasuotan. Sa pagkakataong ito tinanong ko Siya: “Sino ang mga ito?” Sabi niya: “Sila ang mga tinubos nag-aantay para sa kanilang mga gantimpala.” Nagtungo kami sa isang ika-apat na silid at ang nakita ko ay lubhang nakakatakot.

Minamahal kong mambabasa, ito ay napakahirap isalarawan. Ito ay mukhang isang buong siyudad na nag-aapoy. Ang impiyerno ay tunay at nakapangingilabot. Kung ikaw ay napaniwala na ang Langit at Impiyerno ay naririto sa lupa at ang tao ay walang pangalawang buhay kundi lubos na pagkaparam matapos ang kamatayan, kinakailangang makinig ka ng mabuting payo rito ngayon na mayroong isang tunay na impiyerno at mayroong isang tunay na langit! Kaya nga nuong si HesuKristo ay naririto sa lupa binalaan Niya ang mga tao tungkol sa impiyerno. Muli kong sasabihin, ang impiyerno ay tunay. Nakita ko ito at ito ay isang lugar na nakapangingilabot. Tinanong ko Siya: “Ano ito?” Ang Kanyang sagot ay: “Ito ay ihinanda para kay satanas at sa kanyang mga anghel at para sa lahat ng masuwayin.” Pinangalan Niya sila tulad ng nasusulat sa Pahayag 21:8: “Subalit ang mga duwag ang mga di mananampalataya at ang mga karimarimarim, at mga mamamatay tao, at mga nagbebenta ng panandalian aliw at mga mangkukulam, at mga sumasamba sa diyus-diyosan at mga sinungaling, ay magkakaroon ng bahagi sa lawa na naglalagablab na apoy at ng asupre: na tinatawag na pangalawang kamatayan.”

Nagtungo kami sa isang ikalimang silid at nang buksan Niya ang isang kurtina, ang nakita ko ay maisasalarawan lamang bilang MALUWALHATI. Ito ay tila baga na kami ay nakatingin mula sa ibabaw ng bundok. Nakita ko ang isa bagong siyudad o lungsod. Ang lungsod ay napakalaki at maganda! Ang mga kalsada ay yari sa ginto. Ang mga gusali ay hindi maihahalintulad sa anuman dito sa daigdig na ito. Sabi Niya: Ito ang pag-asa ng mga binanal. Ikaw ba ay mapupunta rito?” Walang pasubali ako ay sumagot “Oo!” Pagkatapos nito kami ay muling bumalik sa trono at sinabi Niya: “Humayo ka at magpatotoo tungkol sa ginawa ko para sa iyo.”

Muli, dinala Niya ako sa isa pang silid at nang buksan Niya ang isang kurtina nakita kong lahat nang aking makakaenkuwentro o makakatunggali sa aking paglalakbay patungong Onitsha at Lagos at kung papaano Niya akong mapapalaya sa bandang huli. Pagkatapos nito sinabi Niya sa akin: “Huwag kang matatakot, humayo ka, ako ay sumasaiyo.” Inakay Niya ako papalabas ng bulwagan at naglaho, at nagising ako sa isang higaan sa bahay ng isang tao. Ako’y sumigaw, kaya ang lalake at ang kanyang asawa ay lumabas mula sa kanilang silid. Sila sa sumilip muna at pagkatapos pumasok sa loob. “Bakit ako naririto?” Tanong ko. Isinalaysay nga ng lalake kung papaano akong hinimatay sa isang taxi at kung papaano nila akong dinala sa isang Catholic Cathedral doon sa Owerri. Kung papaano nagpasundo sila ng isang doktor, pumarito at matapos akong suriin sinabi na ang aking pulso ay normal at kinakailangn silang maghintay at tignan kung ano ang mangyayari. Binigyan sila ng doktor ng kasiguruhan na ako’y muling magigising. Dinala nga ako ng lalake sa kanyang sasakyan pagkatapos sa kanyang bahay at naghantay. Sinabi niya rin na hindi niya malaman kung bakit nagtiwala sa Doktor at kung bakit kinuha niya ang responsibilidad na dalhin ako sa kanyang bahay.

Tinanong nila ako kung ano ang aking pangalan at tirahan na ibinigay ko naman sa kanila at pagkatapos noon ay nanahimik ako at hindi ko isinalaysay ang aking karanasan. Nanatili akong payapa kasama ang mabuting pamilya na ito sa ng dalawang araw at pagkatapos ang lalake at ang kanyang asawa hinatid ako sa Owerri motorpark, na kung saan kumuha ako ng isang taxi patungong Onitsha. Lahat ng ipinakita sa akin ng Panginoon tungkol sa aking paglalakbay nangyari isa-isa. Kumuha ako ng isa pang taxi patungong Lagos unang una sa lahat nang sumunod na araw. Sumunod ako at iniwan ang Lagos para sa Port Harcourt nang sumunod na umaga. Lagi kong tinatanong ang aking sarili, bakit kinakailangang iligtas ng Panginoon ang isang taong tulad ko. Isang taong napakasama at mabalasik, isang ahente ni Satanas! Nasumpungan ko ang sagot sa tatlong salitang ito: Ang Diyos ay Pag-ibig. Tunay nga, Ang Diyos ay Pag-ibig!

Kabanata 6: Tukso at Tagumpay

«Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko sila, at sila sy sumusunod sa akin: At binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan; at kailanman sila ay hindi mapapahamak, hindi rin sila makukuha nino man mula sa aking kamay» Juan 10: 27-28

Matapos ang aking pagbabago kay Kristo, ang unang bagay na nangyari nawala lahat ng mga kaloob o regalo mula sa dagat, ang teleskopio, ang T. V. , mga damit, mga larawan na aking kinunan sa mga laboratoryo sa ilalim ng dagat at ang larawan ng reyna ng pampanga na nakasabit sa aking bahay ay nawala.

Sa aking pagbabalik sa Port Harcourt, May pagnanasa akong magpatotoo kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa akin subalit hindi ako pinahintulutan sa simbahan. Ang asawa ng nasira kong tiyuhin, ay isa ring Kristiyano, sinamahan ako sa isa sa mga pastor, subalit ang tanong na kanyang tinanong: “Dinala ba niya ang papel?” Naunawaan ko na lamang sa bandang huli na ang papel na kanyang tinutukoy ay isang ‘membership letter o form.’ Ano ang kinalaman ng papel ng membership sa aking pagpapatotoo sa kapangyarihan ni Kristo at kung ano ang ginawa niya para sa akin- Diyos, ang paglipat sa akin mula sa kapangyarihan ng kadiliman tungo sa kaharian ng Kanyang minamahal na anak, na kung saan ako’y nagkaroon ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang dugo, maging ang kapatawaran ng aking mga kasalanan?

Ako’y nalungkot, napag-alaman kong ayaw ni Satanas na pahintulutan ang mga batang nabago ay humayo at magpatotoo, lalong-lalo na silang may dating malalim na kaugnayan sa kanyang mga gawain, at gagawin niya ang lahat upang hadlangan ang ganung mga patotoo. Muli naalaala ko, malinaw na binilinan ako ng Panginoon na “humayo ang magpatotoo kung ano ang ginawa Ko sa iyo” at ngayon naririto naharap sa pagtanggi. Marahil ay hindi pa panahon. Kaya pinagpasyahan ko na umiwas sa pagbibigay ng aking patotoo sa kaninuman.Naglakbay ako kasama ang tatlong negosyante mula sa Aba patungong Togo para sa isang negosyong biyahe. Doon bumili ako ng mga kalakal na nagkakahalaga N160,000 (Isangdaang libo at animnapung Naira). Mula sa halagang ito N70,000 ang aking personal na pera at ang natitirang N90,000 ay hiram sa mga mangangalakal sa Aba. Ilan sa mga bagay na aking binili ay bulto ng mga tali ng sapatos, iba’t-ibang uri ng mga gamot (Lalo na antibiotics), pangturok, thermometer, atbp. Sa hangganan ng Nigerian, Kami ay hinarang ng Customs at maya-maya pa ay sinabihang magbayad ng ilang suhol. Kami ay tumanggi at ang aming mga kalakal ay kinumpiska kasama pati ung mga pag-aari ng aking mga kasama. Makalipas ang ilang buwan, yaong pag-aari ng aking mga kasama ay nailabas, maliban yung sa akin. Muli akong bumalik makalipas ang ilang panahon at sinabihan akong magbayad ng N40,000, subalit nang aking tignan ang aking mga kalakal napag-alaman ko na lahat ng aking mahahalagang kalakal, bulto ng mga sintas ng sapatos, pangturok, mga gamot, atbp., ay ninakaw na. Tinantiya ko ang mga natitirang kalakal at nalaman ko na ang pagbabayad ng N40,000 sa Customs ay magdudulot lang lalo ng pagkaluge, kaya pinagpasyahan kong hayaan na lamang ang mga natitirang mga kalakal.

Ang mga negosyanteng pinagkakautangan ko ng salapi ay nagpasimulang habulin ako. Ang ilan ay tumawag ng pulis, at iba naman ay ililagay ang batas sa kanilang mga kamay at nagplanong iligpit ako. Ang tanging paraan ay isara ang aking mga pondo sa bangko at gamitin lahat ng pera upang tugunan ang lahat ng aking pagkakautang. Sa biyaya ng Diyos, nabayaran kong lahat maliban sa N1,000 na para sana sa aking kasera sa Lagos. Ako’y lubos na naluge at nangungutang kahit 20k pang-taxi.

Nagtungo ako sa ilang mga negosyanteng Kristiyano nakilala ko noon, upang humingi ng tulong upang makapagsimula akong muli ng bago. Walang sinuman sa kanila ang nagsabi ng oo at hindi, kundi ako’y pinabalik-balik kinabukasan hanggang sa mapagod na ako sa paghahanap ng tulong. Hindi ko alam ang Salita ng Diyos at dahil sa lahat ng aking mga kabalisan sa aking puso, babasahin ko ang Bibliya subalit hindi ko ito maunawaan. Patuloy akong nagbubulay-bulay kung ano ang aking gagawin, nakatanggap ako ng isang mahalagang tawag mula sa aking bayan. Nagmadali akong umuwi at nasumpungan ko na ang maliit na gusali na aking inaayos ay winasak ng aking tiyuhin na naroon at nagbanta na ako’y papatayin. Ang dati kong pagkatao ay nahamon. Naalala ko nang ako ay naroon pa sa lihim na kalipunan, kung paano siyang nahintakutan sa akin at naglulumuhod sa aking harapan. Subalit ngayon alam niya na ako ay nabago na (kung papaano niyang nalaman ay hindi ko alam dahil hindi pa ako bumalik mula nang ako ay nabago) at ngayon binabantaan niya akong patayin. Tumawag ako sa Panginoon at sabi: “Niligtas mo ako upang iwanang bigo at pahintulutan ang aking mga kaaway upang magsaya sa akin!” Umiyak ako at nagpasyang bumalik sa kalipunan.

Kahit papaano maliligtas ako sa lahat ng aking kaguluhan at matuturuan ko ang aking tiyhuhin ng isang aral na hindi niya malilimutan sa buo niyang buhay. Bagamat kinuha ko ang desisyon, mayroon akong dalawang tanyag na mga takot sa loob ko:

1. Habang ako’y binabago, malinaw na sinabi ng Panginoon sa akin: “Ito na ang iyong huling pagkakataon.” Ang aking pagbabalik sa kalipunan ay maaaring mangahulugang kamatayan, hindi lamang pisikal subalit espiritual na kamatayan.
2. Kung ako’y manatili sa Panginoon, ang aking tiyuhin ay nagpupuyos sa banta na ako’y papatayin niya.

Ako’y lubhang naguguluhan at nangangailangan ng tulong. Wala akong alam sa Salita ng Diyos at hindi ko alam ang Salita patungkol sa ganitong kalagayan. Minamahal kong mambabasa, mauunawaan mo rito na dala ko ang lahat ng mga kaguluhang ito dahil sa kakulangan ng ‘follow-up’ o pagdalaw sa isang bagong kasapi. Ang pagdalaw sa mga bagong kasapi ay napaka halaga at ang mga Kristiyano ay dapat gawin itong may kaseryosohan. Kung alam mo na hindi mo kayang dalawin o alagaan ang mga naakay mo, pakiusap huwag ka na lang mag-akay ng kaluluwa. Binigyang diin ito ni HesuKristo kay Pedro nang tanungin niyang tatlong beses: “Simon, anak ni Jonas, minamahal mo ba ako ng higit sa mga ito? Pakanin mo ang aking mga tupa.” Maraming bagong mananampalataya ay tumatalikod dahil sa kakulangan ng maayos na pagdalaw o ‘follow-up.’ Kung mahal mo si Hesus, alagaan mo ang Kanyang mga tupa!

Ang Digmaan laban sa Mga Alagad ni Satanas

Sa mga panahong ito ang mga alagad ng Reyna ng Pampang ay nagpasimulang tugisin ako. Nagdusa ako ng higit sa kanilang mga kamay. Nagkaroon ako ng mga nakakatakot na panaginip. Noong unang araw ng Mayo 1985, isang buwan matapos akong mabago, sa bandang 2:00 ng umaga, ang mga iba pa sa bahay ay mga tulog. Ako ay ginising ng mga alagad na ito. Inutusan nila akong lumabas ng bahay. Ako’y sumunod, lumabas ako habang sila ay nakasunod sa likuran. Ang lahat ng ito ay tila baga isang panaginip subalit ito’y tutoong nangyayari. Dumako kami sa libingan ng St. Paul's Anglican church, sa gilid ng Aba Road, Port Harcourt.

Sa pagdating namin duon sinabi nila: “Kinakailangan mong bumalik. Kung ikaw ay tatanggi papatayin ka namin o gagawin ka naming isang pulubi.” Matapos ang ganitong banta sila’y umalis. Bumalik ako sa aking ulirat at namangha kung papaano akong nakarating sa libingan. Ako’y bumalik sa aking higaan at natulog. Nagpasya silang atakihin ako tuwing hapon. Kung minsan, habang ako ay naglalakad sa daan ako ay nilalabanan nila. Nakikita ng ibang tao na nakapaligid sa akin na ako ay nakikipagbuno sa hangin o kaya’y nakikita nila akong tumatakbo na tila baga na may tumutugis. Ako lamang ang nakakakita sa kanila. Ginawa nila ito nang may apat na beses bago huminto. Pagkatapos ang kanilang pinuno, ang Reyna ng Pampang, ang humalili. Nang unang araw dumating siyang lulan ng isang sasakyan at humimpil sa tabi ng aming bahay. Siya ay nakabihis nang mainam at napakaganda tulad ng dati. Akala ng mga tao sa paligid na siya ay aking nobya. Biglaan siya ay pumasok kilala ko kung sino siya. Siya ay pumasok nang bandang 12:00 tanghali kung saan ang paligid ay hindi masyadong abala. Siya ay naupo at sa lahat ng kanyang sinabi niya: “Puwede kang pumunta sa iyong simbahan, sumampalataya kung ano ang gusto mong sampalatayanan, subalit kung maaari sanang huwag mo akong ibubulgar, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng iyong pangangailangan sa buhay na ito.” Hindi ko pa alam ang mga Kasulatan kaya nakinig lamang ako at pinagmasdan siyang lumakad. Nakiusap siya at nagsikap na kumbinsihin ako na muling bumalik sa kanya. Hindi ako nagsabi ng oo o hindi sa kanya. Tumindig siya, lumakad patungo sa kanyang sasakyan at umalis.

May dalawang beses siya ay inasikaso nang asawa ng aking tiyuhin na hindi man lamang nakikilala kung sino siya at hindi ko sinabi sa asawa ng aking tiyuhin kung sino ang dalagang iyon. Sa kanyang huling pagdalaw binago niya ang kanyang paglapit sa akin. Sa pagkakataong ito binigyan niya ako ng isang matigas na babala sinasabing sinikap niya akong kumbinsihin sa mga pagdalaw na ito upang bumalik sa kanya at ako’y naging napakatigas, at ito na ang kanyang huling dalaw. Kung hindi pa rin ako babalik, darating siya sa akin sa Agosto at papatayin niya ako, o wasakin ang aking kaanyuan o gawin akong isang pulubi. Sa mga salitang ito siya ay umalis.

Ako’y natakot kaya, isang araw nagtungo ako sa simbahan at tinawag ko ang isang kapatiran. Sinabi ko sa kanya ang aking mga problema at ang aking mga obserbasyon sa ilang mga miyembro ng simbahan atbp. Binigyan ako ng kapatid na ito ng SCRIPTURE UNION'S (S.U.) office address at sinabi sa akin: “Doon makakasumpong ka ng tulong.” Di ko mawari iyon na ang huling araw na nakita ko ang “kapatid” na iyon. Hindi ko na siya nakita pang muli kahit saan sa Port Harcourt hanggang sa mga oras na ito. Kinuha ko ang address at nang sumunod na araw, kumuha ako ng taxi patungo sa No. 108 Bonny Street, kung saan naroon ang opisina at nakaharap ko ang tagasulat na nagbigay sa akin ng listahan ng mga programa tuwing ikatlong buwan ng S. U. Rumuomasi Pilgrims Group, bilang pinakamalapit sa akin. Sinabi niya: “Dumalo ka sa Linggo!” Naroon ako sa Fellowship Centre - St. Michael's State School, Rumuomasi – sa badang 2.00 p.m., hindi ko alam na ang pagpupulong ay magsisimula sa bandang 3:00 ng hapon, subalit nakatagpo ko ang mga mananalangin, kaya sumama ako sa kanila.

Matapos ang gawain nang araw na iyon nalaman ko na ito ang tamang lugar para sa akin. Pinagkalooban ako ng Diyos ng isang Kristiyanong babae, na inari kong isang ina, na nagkaroon ng tiyaga ng ipaliwanag sa akin ang Salita ng Diyos at nagpayo rin sa akin. Ang mga kapatiran ay naging iteresado sa akin at nagmalasakit. Nakita ko ang tunay na pag-ibig. Nagpasimula ang Banal Na Espiritu na bigyan ako ng kaunawaan sa Salita at ang aking pananampalataya ay lumago. Subalit ang Reyna ng Pampang ay hindi nagpakita kagaya ng kanyang banta. Awit 91, Ang pag-iingat ng Diyos, ay naganap sa aking buhay. Isaias 57:17: “Walang sandata na ginawa laban sa iyo ang magtatagumpay; at bawat dila na titindig laban sa iyo sa paghuhukom ay hahatulan mo. Ito ang mana ng mga lingkod ng Diyos, at ang kanilang katuwiran ay galing sa akin, sabi ng Panginoon.” Ito rin ay naganap.

September 1985, Nakatanggap ako ng isang mensahe na ang aking pangalan ay lumabas bilang isang tagapamahagi ng Silver Brand Cement, Lagos at ako ay inaasahang magpakita sa tanggapan noong 27/9/85. Iniwan ko ang Port Harcourt noong 26/9/85 at dumating sa Lagos nang gabi. Nang sumunod na araw 27/9/85, nagtungo ako sa tanggapan upang sabihan lamang na ng Personnel Manager na ang aking tatanggaping semento ay naibigay sa iba. Sinabihan niya akong bumalik nang sumunod na araw 28/9/85 upang makipagkita sa Managing Director. Sa aking pagbabalik sa aking tirahan, dumaan ako sa isang makipot na daan, mayroong isang dumating sa aking likuran at hinawakan ako at sinikap na ako ay sakalin sa pamamagitan ng sabay pagtatakip ng aking ilong at bibig. Nanlaban ako para sa aking buhay at habang ang mga tao ay nagdaraan, walang sinuman ang tumulong sa akin, subalit gumitna ang Panginoon. Habang ako’y nakikipagbuno pa rin sa mga kamay narinig ko siyang sumigaw at tinulak ako palayo na nagsasabing: “Sino ang tao sa iyong likuran?” Inulit niyang muli at nawala. Mula sa tinig alam ko na siya ay isang babae subalit hindi ko nakita kung sino siya. Ako ay tuliro at pasuray-suray nagtungo sa aking tirahan.

Narito minsan pa ang aking kasera ay galit na galit at nagsabi: “Bakit ka tumakas na dala ang pera para sa aking paupa?” Ako’y naki-usap sa kanya at sinikap magpaliwanag na sa kasalukuyan wala akong hanap-buhay at babayaran lahat ng kanyang pera sa oras na ako ay kumita. Sa paraan na nakita ko sa kanya akala ko ay ayos na ang lahat. Nang sumunod na araw 28/9/85, muli akong bumalik sa tanggapan at nakaharap ang Managing Director na humihingi ng paumanhin sa pagbibigay ng semento sa iba. Habang siya ay nagsasalita isang batang lalaki ang pumasok at nagtanong sa akin: “Hindi ba ikaw si Emmanuel?” Sabi ko: “Oo, nahuli ka rin namin sa wakas! Natapos na ba ang iyong pagtatago? Binisita namin ang Port Harcourt nang ilang beses at napag-alaman namin na lagi mong kasama ang iyong ina sa pananampalataya. Siya ay isang hadlang para sa amin at ngayong naparito ka sa Lagos nahuli ka na namin! Hindi ka na makababalik sa Port Harcourt. Ako ang siyang kumuha ng iyong allocation o semento.” Hinamon ko siya at sinabi ko: “Wala kang magagawang anuman!” Ang Managing Director ay nagulat sa mga nangyayari sa kanyang tanggapan. Humingi ako ng paumanhin at nagtungo sa aking flat o tirahan.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ako ng isang katok sa aking pintuan at pumasok si NINA. Tinanong niya ako kung babalik pa ako sa Port Harcourt. Ang sabi ko ay oo. Nagsumamo siya sa akin na muli akong bumalik sa kanila at ang mga gawain na kung saan ako ay sinanay ay nananatiling hindi tapos:KOTIPARI (Sa salitang Yoruba). Ako ay sinanay:

- maging tagapamahala ng mga alagad ng kapangyarihan ng mga demonyo.
- maging tagapamahala ng “sea control room,” manmanan ang mga kaganapan sa daigdig, magpadala at tumanggap ng mga senyales, at magpalaganap ng mga kapangyarihan o puersa, atbp.
- maging pangalawa sa Reyna ng Pampang. Kasama rito hindi lamang ang mga seremonya, mga paghahandog, pagsasagawa ng mga espesyal na mga takda mula sa kanya, subalit mayroon pang ibang mga bagay na mahirap ipaliwanag.
- sa pagtulong sa mga kapangyarihan ng kadiliman, magtatag ng mga bagong lihim na samahan na magmumukhang hindi mabanganib upang makaganyak ng mga kabataan at mga dumadalo sa simbahan.

Sabi niya, kung sasamahan ko siya, ang naghihintay sa akin ay dalawang parangal at maraming pagpapala. Inamin niya na sila ang may kagagawan kung kayat ang kanyang kalakal ay na kumpiska at ninakaw, at sila rin ang nagsulsol sa aking tiyuhin upang wasakin ang aking gusali at bantaan ang aking buhay. Na kung tatanggihan kong sumunod sa kanya, higit pa ang gagawin nila at sisiguraduhin nilang hindi ako magtatagumpay. Na napagpasyahan nila na labanan ang aking ina sa pananampalataya: “Kung makukuha natin siya, makukuha ka namin” sabi niya. Sa puntong iyon, nagpasimula akong mangaral sa kanya. Siya ay tumindig at nagsabi: “Niloloko ka nila,” at umalis. Ito’y nanagyari noong gabi ng 28/9/85.

Wala pang labing limang minuto siyang nakakaalis nakarinig ako ng isa pang katok. Sa oras na ito apat na lalake. Kumaway sila sa akin na lumabas at nakita ko ang aking sarili na sumama sa kanila. Lumakad kami nang may dalawang poste at isa sa kanila ay nagtanong sa akin: “Kilala mo ba kami?” Sabi ko hindi. Nagpatuloy siya: “Kami ay inupahan ng iyong kasera upang patayin ka.” Habang siya ay nagsasalita pa ang isa sa kanila ay naglabas ng isang baril at ang isa naman ay naglabas ng isang panaksak. Ako ay walang kalaban-laban at alam ko na papatayin nila ako, subalit ang Diyos sa Kanyang mahimalang kaparaanan gumawa ng isang himala na ikinagulat naming lahat, ako maging sila. Ang taong may baril ay binaril ako subalit walang tunog na lumabas. Ang lalake na may patalim ay sinaksak ako sa likod subalit hindi ito tumalab kundi tumunog lamang ito na parang isang pamalo ipinalo sa iba. Sila ay takut na takot na kagaya ko. Ang Espiritu ng Diyos ay bumaba sa akin at nagpasimula akong mangaral sa kanila. Tatlo sa kanila ay nagsitakas, subalit ang ika apat ay nabagbag ang kalooban at nagpasimulang umiyak at nakiusap na dapat ko siyang ipanalangin. Hindi ko man lamang alam kung ano ang ipapanalangin ko sa oras na iyon sinabi ko lang: “Panginoon, patawarin, kalimutan (kasalanan) at palayain mo siya. Amen!” Binigay niya ang kanyang buhay kay Kristo kaya dinala ko siya sa isang Pentecostal Church at sinabi sa pastor kung ano ang nangyari. Ipinagkatiwala ko siya sa Pastor at umalis. Habang ako ay naglakad papasok sa bahay ang aking kasera ay tumakbo palabas at lumuhod sa aking harapan at nagpasimulang makiusap sabi: “Patawarin mo ako. Akala ko nagpasya ka nang tumakas patungong Port Harcourt dahil sa aking pera (N1,000).” Pinatawad ko siya at nagkasundo kami sa bandang huli na bayaran ko na lamang siya ng hulugan.

Nang gabi ring iyon, bandang 2:00 ng umaga ginising ako ng Panginoon. Hindi ko alam kung bakit ako nagising kaya lumakad ako sa salas at ang nakita ko ay isang malaking pawikan nakaharap sa akin. Bigla kong naalala ang aming Bible Study na ginanap sa Port Harcourt, tungkol sa kapangyarihan sa salita. Sinabi ko roon ang mga salitang ito: “Pawikan, mula nang ako ay ipinanganak, ang tahanan ng mga pawikan kundi sa halamanan ay sa dagat, subalit dahil sa pagpunta mo sa aking bahay habang ang aking mga bintana at pintuan ay nakasara nagkasala ka, at dahil dito ay dapat kang mamatay.” Matapos kong sabihin ang mga bagay na ito bigla siyang naglaho. Ako’y muling bumalik sa silid at natulog. Sa ikalawang pagkakataon muli, nagising ako at narinig ang ilang ingay sa salas. Nagtungo at doon nakatindig sa harap ko ang isang nakapangingilabot na buwitre. Inulit kong muli ang parehong mga salita at sabi ko: “Sa paggawa mo ng kasalanang ito dapat kang mamatay,” naglaho rin ito. Sa lakbaying ito sa Lagos nakita ko ang kabutihan ng Diyos, kadakilaan at katapatan.

Nang sumunod na umaga 29/9/85, Sumakay ako sa isang mamahaling bus patungong Port Harcourt. Pagsapit sa Ore, ang bus ay sumalpok sa isang puno. Nagkaroon ito ng pinsala subalit walang sinuman ang nasaktan. Hinila ng driver pabalik ng kalsada at muli siyang nagmaneho, nagpasimulang pumihit mula sa isang banda ng kalsada pabalik sa kabila. Naalala ko ang banta ni NINA, kaya tumayo ako sa bus, nangaral sa mga pasahero at nagtapos sa pagsabi ng: “Ito’y dahil sa akin na ang mga sakunang ito ay nagaganap. Subalit mula ngayon, wala nang magaganap na sakuna hanggang makarating tayo sa Port Harcourt, sa pangalan ni Hesus!” At ako ay naupo. Sa totoo lang, nang ako ay maupo, namangha ako sa aking mga sinabi. At ganun nga ang nangyari. Tumakbo ng maayos ang sasakyan patungong Port Harcourt. Wala nang sakuna o pagkasira. Matuwid na sinasabi ng kasulatan: “Pagmasdan, sila’y tiyak na magsasama-sama, subalit hindi sa Akin: sinuman ang magtitipon laban sa iyo ay mabubuwal alang-alang sa iyo” (Isaias 54:15). Sila (ang Reyna ng Pampang at ang kanyang mga kampon) sinikap, subalit dahil ang kanilang pagtitipon ay hindi para sa Panginoon kundi laban sa Kanyang anak, lahat sila ay nangatisod at nagsitumba. “Kapag ang kaaway ay dumating na tulad ng isang baha, ang Espiritu ng Diyos ay magtitindig ng isang pamantayan o watawat laban sa kanya” (Isaias 59:19). Ibinibigay ko sa Diyos ang lahat ng kaluwalhatian sa pagpapakita Niya na malakas para sa aking kapakanan.

Kabanata 7: Mga Gawain ng mga Kampon ni Satanas

«Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang makayanan ninyong tindigang labanan ang mga pakana ng Diablo. Sapagkat hindi tayo nakikibaka laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga tagapamahala ng kadiliman sa daigdig na ito, laban sa espiritual na kasamaan sa mga matataas na lugar»
Efeso 6: 11-12

Ang aklat na ito ay hindi pagiging kumpleto kung hindi naihayag ang iba’t-ibang kaparaanan ng operasyon ng mga kapangyarihang ito. Ganun din napakahalaga na ang iba’t-ibang anyo na kung saan sila ay nagpapakita o nagpapahayag ay mabulgar.

Isang bagay ang malinaw at ito ay, ang diablo ay gaganyakin kang maniwala na siya ay isang kathang isip lamang o simpleng masasamang isipan, o pakikitaan ka ng higit niyang kapangyarihan at kaunti sa mga kapangyarihan ng Diyos. Habang sinasabi ng Bibliya: “Hindi tayo nakikibaka laban sa laman at dugo kundi laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga pamunuan ng kadiliman sa daigdig na ito, laban sa espiritual na kasamaan sa matataas na lugar,” Sinasabi rin ng Bibliya na ang mga sandata ng mga Kristiyano laban sa diablo at sa kanyang mga kampon ay “hindi makalaman subalit makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos sa paghihila pababa ng mga kuta, binabatak ang mga imahinasyon at bawat matatas na bagay at bawat matayog na bagay na itinataas ang kanyang sarili laban sa karunungan ng Diyos, at dinadalang bihag ang bawat kaisipan sa pagsunod kay Kristo” (2Corinto 10: 4-5). Muli ang mga kasulatan ay malinaw na nagpapahayag: “Para sa layuning ito ang Anak ng Diyos ay nahayag upang wasakin Niya ang mga gawa ng diablo” (1Juan 3: 8b). At matapos gapiin ang mga kapamahalaan at mga kapangyarihan, gumawa siya ng isang hayagang palabas nila, nagtatagumpay laban sa kanila.

“Ikaw ay nasilo sa mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli sa mga salita ng iyong bibig” (Kawikaan 6:2) sabi ng mga Kasulatan.Kaya nga ang anak ng Diyos ay dapat maging maingat sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos, na ipinangako ng Diyos na kanyang matulin na gaganapin. Mayroong talong kumpisal o kapahayagan na sinabi sa Salita ng Diyos:

1. Kapahayagan ng pagiging Panginoon ni Kristo.
2. Kapahayagan ng pananampalataya sa Salita, kay Kristo at sa Diyos Ama.
3. Kapahayagan ng kasalanan.

Kapag narinig natin ang salitang “kumpisal,” madali nating naiisip ang kasalanan. Sinasabi ng diksyonaryo na ang kumpisal ay:

1. Pagpapatibay sa ilang mga bagay na ating pinaniniwalaan.
2. Nagpapatotoo sa ilang mga bagay na ating nalalaman.
3. Nagsasaksi sa isang katotohanan na ating niyayakap.

Dapat ngang panghinayangan na sa tuwing ginagamit natin ang salitang kumpisal ilang kaisipan ang napupunta sa kasalanan. Ang may akda rito ay nagpapalakas ng loob ng anak ng Diyos na simula ngayon ang magkumpisal o magpahayag kung ano ang sinabi ng Diyos. Ikaw na dating patay dahil sa pagsalangsang ay binuhay ng Diyos kasama si Kristo at ikaw ay muli niyang binuhay at kasamang pinaupo sa makalangit na mga lugar (Higit na mataas kaysa mga pamunuan at mga kapangyarihan) kay Kristo Hesus. Dapat ngang unawain ng mga Kristiyano kung saan sila nakaupo. Dapat nilang malaman na sila ay gumagalaw mula sa itaas, sa ibabaw ni Satanas at kanyang mga alipores. Binigyan ka ng Panginoong HesuKristo ng lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan kagaya nang binigyan ka ng lahat ng mga bagay na nauukol sa buhay at kabanalan (2Pedro 1:3). Hindi intensyon ng Diyos na ang Kanyang mga anak ay makontrol o maapektuhan ng mga sirkumstansya, kundi nang Salita ng Diyos mula sa labi ng mga Kristiyano ay dapat makontrol ang kanyang mga sirkustansya. Sabi ng Diyos sa Jer 23:29 sinasabi: “Hindi ba’t ang aking salita ay tulad ng isang apoy? Sabi ng Panginoon; at tulad ng isang martilyo na bumabasag na maging pira-piraso ang malaking bato?” Mga Kristyano, ang ibig kong sabihin born again Christians, sa tuwing sinasambit ang pangalan ang pangalang Hesus, ang lumalabas sa kanyang bibig ay apoy. Kapag ang isang Kristiyano ay tumindig sa kapamahalang binigay sa kanya ni Kristo at nagbigay ng isang utos sa pangalan ni Hesus, apoy ay lumalabas sa kanyang bibig at ang bawat demonyo na nagkokontrol ng mga sikumstansya ay dapat sumunod. Si Hesus ay buhay ngayon minamasdan na maganap na tunay ang bawat salita Niya. Muli, nais kong bigyang diin ang isang mahalagang katotohanan maraming mga Kristiyano ay hindi napapansin, at kung saan ay ginagamit ni Satanas. Si Hesus matapos ituro sa Kanya ni Pedro ang natuyong puno ng igos na sinumpa ng Panginoon, nagsabi:

(Akda ni Mateo) “Tunay na sinasabi ko sa iyo, kung mayroon kang pananampalataya at walang alinlangan, hindi lamang itong nangyari sa puno ng igos ang magagawa mo, subalit gayun din naman kung sasabihin mo sa bundok na ito, ikaw ay maalis at ikaw ay matapon sa dagat, mangyayari ito. At lahat ng mga bagay, anuman ang iyong hilingin sa pananalangin, manampalataya, matatanggap mo nga (Mateo 21: 21-22).

(Akda ni Marcos) “Magkaroon ka ng pananalig ng Diyos. Sapagkat tunay na sinasabi ko sa iyo, na sinuman ang MAGSABI sa bundok na ito, malipat ka at matapon sa dagat, at hindi magalinlangan sa kanyang puso, kundi manalig na ang mga bagay na kanyang sinabi ay matutupad, makakamtan niya anuman ang kanyang sabihin.” (Marcos 11: 22-25).

Dito itinuturo ng Panginoon sa atin ang kapangyarihan ng sinabing salita at pinalalakas din ang loob ng mga Kristiyano na maging partikular sa kanyang mga panalangin at sa kanyang paggamit ng kanyang kapamahalaan. Ilang mga Kristiyano ay inutusan ang bundok na umalis subalit hindi sinabi kung SAAN pupunta ang bundok. Sinabi ni Hesus kung sasabihin mo sa bundok: “Ikaw ay umalis at matapon sa dagat…” Tignan natin halimbawa ang isang kaso ng pagpapalayas ng mga demonyo. Ilang mga Kristiyano tinatalian at tinatapon ang mga demonyo na wala namang o partikular na lugar na pagtatapunan. Ito ay mapanganib. Kapag tinalian mo ang isang demonyo ito ay talagang tali na. Kung palalayasin mo ito nang walang isang partikular na lugar, mananatili ito doon sa kapaligiran. Kung ang demonyo ay sinaway lamang palabas sa isang tao, maaari siyang bumalik muli o pumasok sa sinumang nasa paligid na hindi isang Kristiyano. Kaya nga ang mga Kristiyano ay dapat maging maingat sa pakikitungo sa mga demonyo. Siguraduhing ang demonyo ay gapos na, napalayas pa at naipadala sa isang partikular na lugar.

Ilang mga Kristiyano kapag nananalangin ay nagsasabi: “Inaaresto ko ang mga demonyo sa pangalan ni Hesus.” Sa daigdig na espiritual, makikita mo talaga ang mga demonyo nakatindig ng tuwid naghahantay ng susunod na utos. Subalit kung ang Kristiyano ay huminto sa puntong iyon, hindi niya natulungan ang biktima. Huwag kang makikipaglaro sa diablo. Hindi ka dapat makipaglaro sa iyong kaaway. Ikaw ay isinugo ng Diyos para sa isang gawain ng pagpapalaya at pagpapanumbalik (pagpapanumbalik ng mga tao sa Diyos). Kaya nga dapat kang maging maingat sa paggawa ng isang masusing gawain. Inuulit ko, kapag tinalian mo ang isang demonyo, ito ay talagang gapos na. Kapag tinapon mo ito sa anumang lugar gayun nga iyon. Hanggang hindi ka nakikisalamuha sa kasalanan kundi nabubuhay sa kalooban ng Diyos, anumang utos na ibigay mo sa diablo o sa kanyang mga ahente sa pangalan ni Hesus ay dapat sumunod. Ipinangako ng Diyos na gagawin Niya ang bawat salita Niya. Sa ating pagtungo sa susunod na bahagi, manipestasyon ni Satanas at ng kanyang mga ahente, gusto kong ilagay ninyo sa inyong isipan ang mga sumusunod na talata:

1. “Ikaw ay ganap sa Kanya na siyang ulo ng LAHAT kapamahalaan at kapangyarihan.” (Col. 2: 10).
2. “Tignan, binibigyan ko kayo ng kapamahalaan na yurakanang mga ahas at mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang anuman ang makapananakit sa inyo.”
3. “Tignan, tiyak na sila ay magsasama-sama subalit hindi dahil sa akin. Sinuman ang magtipon laban sa iyo ay matutumba alang-alang sa iyo. Walang sandata na nilikha laban sa iyo ang magtatagumpay: at ang bawat dila na magtitindig laban sa iyo sa paghuhukom ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, at ang kanilang katuwiran ay mula sa akin.”

Nais kong ipakita sa inyo sa aklat na ito na ang mga masasamang puersa na gumagawa kalimitan sa mga simbahan o churches, palengke, libingan, mga kagubatan, mga hotel, dagat at himpapawid.

Sa Loob ng mga Simbahan

Kami ay mga saksi ngayon na mayroong maraming mga taong may sapi sa loob ng mga simbahan. Ang iba ay nagsasalita sa ibang wika at nagpapahayag din. Tanging yaon lamang may taglay ng Espiritu ng Diyos ang nakakasiyasat sa ganitong mga tao. Ngunit ang pinauusapan natin dito ay ang mga ahente ni Satanas sa mga sambahan. Muli, hindi natin pinaguusapan ang mga lihim na kasapi ng kulto na nasa loob ng simbahan (ang iba ay mga lider pa), alam namin na naroon sila. Ang aking sinasabi ay tungkol sa kanila na naparito bilang mga ahente ni satanas:

1. Lumikha ng mga pag-aaway-away at kaguluhan sa simbahan o pagtitipon ng mga mananampalataya.
2. Pangalatin ang mga mananampalataya o wasakin ang simbahan.
3. Patulugin ang mga lalake at babae habang nagaganap ang pangangaral.
4. Lumikha ng iba’t-ibang uri ng kaguluhan habang ginaganap ang gawain sa Panginoon.
5. Mag-akay ng mga kaluluwa para kay Satanas.

Yamang nasabi ko na ang ilang mga bagay sa gawing itaas ng kabanatang tatlo, magbibigay na lamang ako ng isang patotoo kung ano ang nangyari sa malapit na nakalipas. Ang mga Kristiyano ay dapat manatiling tapat sa bawat salita ng Panginoong HesuKristo, sapagkat kung sila ay sumuway o makipamatok sa mali malamang sila ay mahulog sa bahagyang pagtatangka ni satanas o ng kanyang mga ahente. Ang mga Kristiyano ay tinawag mula sa kadiliman tungo sa kagilagilalas na liwanag ng Diyos. Ang mga Kristiyano ay tinawag sa lubos na paghihiwalay mula sa sanglibutan at sa mga iniaalok nito. “Lumabas kayo mula sa kanila at maging hiwalay,” sabi ng Kasulatan.

Mayroong isang kapatiran, sister J (itinago ang pangalan). Siya ay born again at isang ganap na miyembro sa isa sa mga ‘buhay’ na mga iglesia o simbahan. Hindi nagluwat inilipat niya ang kanyang pagiging kasapi (membership) sa aking dinadalohang denominasyon. Nakibahagi siya sa lahat ng mga gawain sa loob ng simbahan at naging napaka-init sa mga ito. Subalit ang kanyang ugali sa isang banda ay naging kahina-hinala. Kaya ilan sa amin ay nagpasya na dalawin siya sa kanyang tahanan at upang malaman kung ano talaga ang nangyayari sa kanya. Habang kinapapanayam namin siya, ang mga espiritung nasa kanya ay nagalit at nagpasimulang magpahayag, at pagkatapos sinabi sa amin na siya ay ahente ni satanas para sa aming sambahan. Ang mga demonyong ito ay pinalayas mula sa kanya at ang pagpapalaya ay ginawad sa kanya. “Kapatid, papaanong nangyari na ikaw ay naging isang ahente ni Satanas, subalit isang ganap na miyembro ng simbahan?” tanong namin. Ang kanyang sinabi sa amin ay ang mga sumusunod: Nagsimula ang lahat isang araw, pagkatapos ng isang panliguhang gawain, isang ‘sister’ (isang babaeng mananampalataya kay Kristo, ang akala niya) nagpunta sa kanya at nagpahayag na maging malapit na kaibigan niya dahil ayon sa ‘sister’ na ito, hinahangaan niya ang kanyang Kristiyanong pamumuhay ni sister J. Tinanggap niya ang kanyang alok na pagiging magkaibigan na walang anumang pasubali. Ang dalawa ay nagtungo sa bahay ni sister J kasama ang tinatawag nating ‘sister’ ay naglabas ng mga saging at mani, na kapwa nilang kinain. Nanatili pa siya kay sister J nang ilang oras at di kalaunan umalis.

Ang kanyang mga pagdalaw ay naging regular, at sa bawat pagdalaw nagdadala siya ng mga regalo kay sister J. Ang mga regalo ay mula sa mga damit, mga sapatos, salapi atbp. Sa ilang mga pagkakataon ang kaibigan ni sister J ay dumarating na may mga kasamang maraming iba pang babae. Ito’y nagpatuloy nang ilang panahon at nang makita ni ‘sister’ na siya ay nagtagumpay sa pagpatay ng ilaw ni Kristo kay Sister J, nagbagong anyo siya at nagpasimulang dalawain si Sister J sa espiritu. Sa panahong iyon ay binigyan si Sister J ng isang pulang tela, isang tubig bato, isang sing-sing para sa kanyang kanang hinlalaki ng paa, at isang kuwintas para sa kanyang sakong. Dahil sa dami ng kanyang nakain at natanggap na regalo mula sa kanila, wala nang paraan pa para tumalikod. Pumasok siya sa isang tipanan sa kanila at nagpasimulang dumalo sa kanilang mga pagpupulong. Kaya na niyang magpalit anyo bilang ahas, paniki, atbp. Pagkatapos siya ay naging ahente nila sa pag-aakay ng mga kaluluwa para sa kanila sa loob ng simbahan.

Purihin ang Diyos at siya ngayon ay malaya na! Ang lahat ng mga regalo na ibinigay sa kanya ay nawasak at siya ngayon ay maligayang muli sa Panginoon. Minamahal na mambabasa, ang lahat ng ito ay nagsimula lamang sa isang kakaibang pakikipagkaibigan, at dahil si Sister J ay kulang ng espiritu ng pagsisiyasat ng espiritu at hindi mapagmatyag na gaya ng inutos ng Panginoon “mangag puyat at manalangin upang hindi kayo mahulog sa tukso,” siya ay naligaw at nahulog nang malalim sa mga kamay ng kaaway at ang kanyang takbuhin ay maaring humantong sa impiyerno dahil sa kanyang kapabayaan. Madali mong makikilala ang mga ahente ni satanas sa mga sumusunod:

- Nagsusuot sila ng mga sing-sing sa isa sa kanilang malaking daliri sa paa, kuwintas sa palibot ng kanilang sakong, mga sing-sing sa ilong, mga kakaibang pabitin, atbp.
- Kaya nilang pumasok sa isang simbahan o kalipunan at talagang napaka-init sa mga gawain ng grupo o simbahan, para lamang sa isang Kristiyano na kanilang minimithi. Ang ilan ay nag-uugaling kakaiba, ang iba ay napakasama, atbp.

Kaya kinakailangan na ang anak ng Diyos ay dapat humiling sa Diyos ng espiritu ng pagkakilanlan, upang mapagalaman niya sila sa isang tingin. Sa oras na malaman nila na nakilala mo na sila, sisiguraduhin nilang hindi lumapit sa iyo. Ang ganap na dahilan na ang kanilang amo ay sasaktan sila dahil sa iyo!

Sa mga Palengke

Sila ay gumagalaw sa iba’t-ibang anyo sa palengke. Ang palengke ay isa sa pinakamalaki nilang lugar ng operasyon, kagaya ng isang hotel na kung saan ay naghahantay sila sa lalake. Sa palengke, dinadampot nila ang kanilang mga biktima, ilang mga buntis ang kanilang inilalaglag ang bata sa sinapupunan upang kumuha sila ng dugo mula sa kanilang blood banks. Sinasamahan nila ang ilang mga biktima sa kanilang tirahan upang madalaw nila tuwing gabi. Ito’y nangyayari sa mga di mananampalataya! Ilang mamahaling mga produkto na itinitinda sa palengke hal. Mga kuwintas, mga lipstick, mga pabango, at pagkain tulad ng sardinas “Reyna ng Pampang” atbp., na may kakaibang pinagmulan.

Mayroon ilang mga gawain na ang mga Kristiyano ay dapat magmatyag, sapagkat maaari kang makakita ng dalaga o kaya naman ay isang binata na bigla na lamang hahawakan ang iyong tiyan o anumang bahagi ng iyong katawan. Nagdudulot ito ng karamdaman. Ang Kristiyano ngayon ay dapat, sa karanasang ito, ay magbigay ng utos sa ngalan ni Hesus na pakalatin o wasakin ang mga plano ng diablo, atbp. At tunay nga anumang iyong ipakalat o gapusin dito sa lupa ay gagapusin nga talaga.

Mga gawaing pang Kultura

Napakahalaga ring tandaan na maraming mga tao napapapasok sa mga gawain ni satanas o nasasapian sa kadalasan sa pamamagitan ng mga gawain kultural o kinagisnang kaugalian seremonya at mga sayaw. Halos lahat ng ating mga kinaugaliang kultura ay may kargang demonyo. Ilang sa pamamagitan ng mga kaibigan, ang iba naman ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang mga nobela o maikling babasahin. Ang mga demonyo ay naglipana sa palibot-libot ng bawat rebulto. Sila ay gumagawa sa pamamagitan ng mga rebulto o imahen sa pagsasagawa ng pagsamba sa diyus-diyosan. (Zacarias 10:2). Bilang isang payak na bahagi ng relihiyon, ang pagsamba sa diyus-diyosan ay nakatuon sa espiritual na kapangyarihan sa pamamagitan ng natural na mga kaparaanan at nagbibigay pugay sa isang bagay na nilikha (Rom. 1: 18-22). Ang paliwanag ng Kasulatan sa pagsamba sa diyus-diyosan ay espiritual na pakikiapid (Jeremias 3:8-10). Kung kaya ang isang anak ng Diyos ay hindi dapat makitungo sa anumang mga bagay, tahasan o di man tahasan sa pagsamba sa diyus-diyosan. Ang sinasabing mataas na pamumuhay, juju at disco music ay mga kinasihan ni Satanas at ng kanyang mga demonyo.

Hindi ko makakalimutan, noong bago ako iligtas ng Panginoon, sa isa sa mga pagpupulong na kasama namin si Satanas, sabi niya: “Ang sanglibutang ito ay sa akin at ako ay maghahari sa buong mundo sa aking kapangyarihan, at aking wawasakin ang lahat ng sumasampalataya sa pangalan ng Tanging Matuwid.” Hindi binanggit ni Satanas ang pangalang Hesus. Kung sinuman ang gumawa noon sa kanyang harapan siya ay namimiligrong mawalan ng kanyang buhay. Pinangako niya sa amin na kanyang mga ahente na gagawing tagapamahala, atbp. Si Satanas ay isang sinungaling at tunay na ama ng mga kasinungalingan. Mayroon ding mga plano na patahimikin ang mga Kristiyano sa Nigeria sa pamamagitan ng pagbabawal sa pagpasok ng mga Bibliya at mga babasahing Kristiyano mula sa ibang bansa.

Siya ay gumagawa sa pamamagitan ng mga di mananampalataya na naka puesto sa pamunuan at pamahalaan, upang magtaguyod ng mga batas at programa laban sa mga Kristiyano. Nagtatatag siya ng mga sentrong pagamutan na nagmumukhang napakarelihiyoso at sa pamamagitan nito ay nakakakuha ng mga kaluluwa Ang nga sentrong ito ay kalimitang tinatawag na espiritual na tahanan ng panggagamot ay nasa palibot natin. Dito maraming mapanlinlang na mga kababalaghan ang ginagawa upang lokohin ang kanilang mga kliyente o mga tagasunod. Alam na alam ni Satanas ang ikalawang pagparito ni HesuKristo at parati sa tuwi-tuwina ay sinasabihan ang kanyang mga alagad o ahente na magmadali at maging maagap sa kanilang mga operasyon, laging sinasabi: “Wala na tayong oras pang natitira.” Mahal na anak ng Diyos, Si Satanas ay hindi natutulog, bakit ka matutulog?

Kabanata 8:Ang Mga Sandata ng Mananampalataya

- ANG PANGALAN NI HESUS
- ANG DUGO NI HESUS
- ANG SALITA NG DIYOS
- MGA PAPURI NG MGA KRISTIYANO

« Sa wakas mga kapatid, magpakatibay kayo sa Panginoon at sa kapangyarihan ng kanyang lakas. Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang makatindig kayo laban sa mga pakana ng diablo » Efeso 6: 10-11

« At napagtagumpayan nila siya (diablo) sa pamamagitan ng dugo ng kurdero at sa pamamagitan ng salita ng kanilang patotoo at di nila inibig ang kanilang mga buhay hanggang sa kamatayan... »
Pahayag 12: 11

Marami na akong nasabi tungkol dito sa simula, subalit upang makapagbigay ng ilang pang pangyayari naganap. Dapat unawain na mayroong KAPANGYARIHAN sa pangalan ni Jesus! Mayroong kapangyarihan sa dugo ni Hesus! Sinasabi ng Kasulatan: “At yamang nasumpungan sa kalagayang bilang isang tao, ibinaba niya ang kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. Kaya nga itinaas din Siya ng Diyos, at binigyan ng isang pangalan na mataas sa iba pang pangalan: na sa pangalan ni Hesus lahat ng tuhod ay dapat lumuhod, ng mga bagay sa langit, at ng mga bagay sa lupa, at mga bagay sa ilalim ng lupa: At ang bawat dila ay dapat magpahayag na si HesuKristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian Diyos Ama” (Fil. 2: 8-11). Muli sa Kasulatan sinasabi: “Napagtagumpayan nila siya (diablo) sa pamamagitan ng Dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng Salita ng kanilang patotoo”(Pahayag 12:11). Hayaan ang ngalang “Hesus” ay laging na sa inyong mga labi! Ang dalawang ito, ang pangalan at ang dugo, sumisira sa mga plano ni Satanas, at sa katunayan nagwawasak ng mga stratehiya ni Satanas at ng kanyang mga ahente.

Ikalawa, kinakailangan mong matutunang umawit ng mga papuri sa Diyos sa tuwi-tuwi na. Mayroong kapangyarihang sa mga papuri. Mayroong isang Pastor – Pastor I. K. (tinago ang pangalan). Siya ay nagpapastor sa isang samabahan sa Ebute Metta. Siya ay naging target o pakay ko at ang kanyang mga pagkakasala ay:

1. Ginulo niya ang aming kapayapaan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maagang panawagan hal. Pangangaral ng napakaaga.
2. Siya ay nagpapagala-gala dala ang kanyang megaphone at nakatayo sa No. 2 bus stop sa gilid ng Akintola Road, Ebute Metta. Mula roon ay mangangaral. Hindi siya hihinto sa bus na iyon kundi patuloy na ginagapos ang mga demonyo, atbp.
3. Sa kanyang iglesia mangangaral siya, ihinahayag ang mga gawa ng kadiliman, pagkatapos magpapasimula siyang maggapos ng mga demonyo.
4. Madalas siyang manalangin.
5. Lagi siyang kumakanta at nagpupuri sa Diyos.

Pinadala ko ang aking mga mensahero sa kanya subalit hindi nila siya kayang patayin kaya nagpasya ako na ako na mismo ang magsagawa ng pagpatay. Sa nasabing araw, nakita ko siyang naglalakad sa gilid ng new G.R.A. Isang bagay na karapat-dapat banggitin dito ang Pastor na ito, sa tuwing pumupunta kami para sa kanya, nakakakita kami ng mga haliging ulap sa kanyang gawing kanan at kaliwang kamay, na naglalakad kasabay niya, kaya ang mga ito ang pumipigil sa amin. Subalit sa natatanging araw na ito wala akong nakitang anuman, kaya ako ay dobleng tiyak na ang aking misyon ay magiging napaka matagumpay. Inutusan kong bumagsak ang ulan upang magawa kong patamaan siya ng kidlat. Nagpasimulang umulan at kumidlat. Lahat ng mga puno sa lugar doon ay nagpasimulang malagasan ng mga sanga, subalit ang Pastor na ito ay may kagalakang umaawit. Naaalala ko pa ang koro: “Sa pangalan ni Hesus ang lahat ng tuhod ay luluhod.”

Sa kanyang pagpapatuloy sa korong ito ang ulan ay huminto, ang pagkidlat ay tumigil. Pagdakay may dalawang anghel na nagpakita, isa sa bawat gilid, na may nagliliyab na tabak. Ang kanilang mga mata at mga tabak ay tulad ng mga naglalagablab na mga apoy. Pagkatapos isang malakas na hangin ang nagtangay sa akin papalayo at nasumpungan ko ang aking sarili sa ibang bayan! Sa totoo lang ako ay nataranta, subalit dahil kami ay lubhang pinatigas, ang aking sinabi ay: “Ang taong ito ay nakatakas na muli!” Hindi alam ng Pastor ang digmaang espiritual na naganap alang-alang sa kanya. Kaya, makikita mo, ang anak ng Diyos ay tunay na ligtas. Kapag sinabi ng Bibliya: “Walang sinuman ang sa anumang bagay ang makapananakit sa inyo,”

Ang ikalawang patotoo ay tungkol sa isang Kristiyano na sumakay sa taxi na sinasakyan ko. Siya ay napakainit at nagpasimulang mamahagi ng babasahin ng mabuting balita sa loob ng taxi. Nang ibigay niya sa akin ang babasahin tinanggihan ko ito. Nagpasimula siyang mangaral. Kaya ako ay naging balisa at sinuntok ko siya ng singsing na nasa aking daliri. Iyon ay upang patayin siya. Ang batang ito ay sumigaw: “Ang dugo ni Hesus!” bigla-bigla kidlat at apoy at isang anghel ang nagpakita. Isang malakas na hangin muli ang nag-alis sa akin na may taglay ng malakas na kapangyarihan palabas ng taxi at patungo sa makapal na gubat. Kung ako ay isang tao na hindi tinutulungan ng mga masamang kapangyarihan maliligaw ako sa kagubatan. Hindi alam ng mga Kristiyano ang digmaang nagaganap alang-alang sa kanya. Ang tanging alam niya, kasama ang ibang mga pasahero, na ako ay naglaho palabas ng taxi!

Ang pangalan ni Hesus at ang Dugo ni Hesus sa bibig ng mananampalataya ay nagpapalabas ng apoy atbp. Ang Kasulatan ay nagsasabi: “Ang Pangalan ng Panginoon ay isang matibay na tore: ang matuwid ay tatakbo rito, at sila’y ligtas” (Kawikaan 18:10).

Mahal kong mambabasa, kung ikaw ay isang anak ng Diyos, tandaan mo na pinadakila ng Diyos ang Kanyang salita higit sa lahat Niyang pangalan (Awit 138: 2), Kaya, ipahayag ang Salita (Ang Salita ng Diyos) sumampalataya na kung ano ang iyong sinabi ay mangyayari, at ito nga ay magkakaganoon. Iyon ang pangako ng Diyos!

Muli nais kong banggitin dito na magagawa mo lamang ipahayag ang alam mo. Ang Kasulatan ay ginaganyak tayo na magbigay lugod sa Salita ng Diyos, pagbulay-bulayin ito araw at gabi. Upang magamit mo ng wasto ang Salita ng Katotohanan, kinakailangang alam mo ito. Col. 3: 16 sinasabi: “Hayaan ang salita ni Kristo ay manahan sa inyo nang sagana sa lahat ng karunungan.” Muli Awit 1:1-3 sinasabi: “Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng mga makasalanan, at hindi tumatayo sa landas ng mga taong makasalanan, at hindi nauupo sa upon ng mga taong manlilibak. Kundi ang kanyang kaluguran ay nasa batas ng Panginoon; at sa Kanyang mga batas binubulay niya araw at gabi. At siya rin ay magagaya sa isang puno na natanim sa tabi ng mga ilog ng tubig, na namumunga ng kanyang bunga sa kanyang panahon; ang kanyang dahon ay di matutuyo; at anuman ang kanyang gawin ay magtatagumpay.” Maging malapit ka sa iyng Bibliya; manalangin ng walang humpay; magkaroon ng isang pusong pala-awit at tumindig gamitin ang kapamahalaan na ibinigay sa iyo ng Panginoong HesuKristo!

Kabanatag 9: Ngayon Ano ang Susunod?

« Ang Espiritu at ang babaeng ikakasal ay nagsabi, “Halika!” At hayaan siya na nakakapakinig ay magsabi, “Halika!” Sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit; at sinuman ang nagnanais, hayaan siyang kumuha ng walang bayad na kaloob ng tubig ng buhay. »
Pahayag 22: 17

Matapos mong mabasa ang patotoong ito, hindi mo na kinakailangan pa ng karagdagang pangangaral upang ibigay ang iyong buhay kay HesuKristo. Sinasabi ng Kasulatan: “Ang magnanakaw (Satanas) naparito kundi magnakaw, pumatay at mangwasak. Ako (HesuKristo) ay naparito upang kayo ay magkaroon ng buhay, at magkaroon nito ng sagana.” (Juan 10:10)

Namumuhi sa iyo si Satanas at gumawa siya ng iba’t-ibang kaparaanan upang dalhin ka sa impiyernong kasama siya. Iyon, makapagpapatotoo ka mula sa patotoong ito. Kung si Satanas ay gumawa ng isang pangako sa iyo o kaya’y bigyan ka ng isang regalo, lagi mong isiping ito’y masamang intensyon o pakay. Si Satanas ay isang sinungaling at ama ng mga kasinungalingan. Tinawag siya ng Diyos na iyong kaaway, bakit hindi mo paniwalaan ang Diyos at ang Kanyang Salita?

Ito’y hindi isang aksidente na nabasa mo ang patotoong ito. Suriin mo ang iyong sarili at siguruhing ikaw ay na kay Kristo. Niloloko mo lamang ang iyong sarili kung mananatili kang isang ‘maninimba’ at ang masama sa lahat, kung pipiliin mo ang ugaling walang pakialam dito sa pinaka mahalagang desisyon sa iyong buhay.

Iminumungkahi namin sa iyo alang-alang kay Kristo: Manumbalik ka sa Diyos. Kung hindi ka pa ligtas, ang ibig sabihin nito kung ayon sa Salita ng Diyos hindi mo pa tinatanggap ang Panginoong HesuKristo bilang iyong Panginoon at Sariling Tagapagligtas, na sinusundan ng bautismo sa tubig sa pamamagitan ng paglubog, pinalalakas namin ang iyong loob na gawin kaagad ito at huwag mong ipagwalang bahala.

Ang bukas ay maaaring huli na.

Isinalin sa wikang tagalog ni Reyn Araullo

Ika-20 ng Hunyo, 2009

pastorrey@gmail.com