120
 1 Sa aking kahirapan tumawag ako kay Yahweh, at sinagot niya ako.  2 Iligtas mo ang aking buhay, O Yahweh, mula sa mga sinungaling na labi at mula sa mandarayang dila.  3 Paano ka niya parurusahan, at ano pa ang magagawa sa iyo, ikaw na may sinungaling na dila?  4 Papanain ka niya ng matalim na mga pana ng mandirigma, kung saan hinulma sa mainit na mga uling ng puno ng tambo.  5 Kaawaan ako dahil pansamantala akong naninirahan sa Mesech; nanirahan ako dati sa mga tolda ng Kedar.  6 Matagal akong nanirahan kasama silang napopoot sa kapayapaan.  7 Ako ay para sa kapayapaan, pero kapag ako ay nagsasalita, sila ay para sa digmaan.