3
 1 Yahweh, napakarami ng aking mga kaaway! Marami ang tumalikod at nilusob ako.  2 Maraming nagsasabi tungkol sa akin, “Walang tulong mula sa Diyos na darating para sa kaniya.” Selah  3 Pero ikaw, Yahweh, ay isang kalasag sa aking paligid, aking kaluwalhatian, at ang siyang nag-aangat ng aking ulo.  4 Tinataas ko ang aking tinig kay Yahweh, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na burol. Selah  5 Nahiga ako at natulog; nagising ako, dahil inalagaan ako ni Yahweh.  6 Hindi ako matatakot sa maraming tao sa bawat dako na inihanda ang kanilang mga sarili laban sa akin.  7 Bumangon ka, Yahweh! Iligtas mo ako, aking Diyos! Dahil sasaktan mo ang lahat ng aking mga kalaban sa panga; sisirain mo ang mga ngipin ng masasama.  8 Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh. Nawa makamit ang iyong mga pagpapala ng iyong bayan. Selah