92
 1 Ito ay isang mabuting bagay para magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at para umawit ng papuri sa iyong ngalan, Kataas-taasan,  2 para ipahayag ang iyong katapatan sa tipan sa umaga at ang iyong katotohanan tuwing gabi,  3 na may alpa na may sampung kuwerdas at may himig ng lira.  4 Dahil ikaw, Yahweh, ay pinasaya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga gawa. Aawit ako sa tuwa dahil sa gawa ng iyong mga kamay.  5 Napakadakila ng iyong mga gawa, Yahweh! Ang iyong kaisipan ay napakalalim.  6 Hindi alam ng malupit na tao, ni maiintindihan ng hangal:  7 Kapag sumisibol ang masasama katulad ng damo, at kahit ang lahat ng gumagawa ng masama ay magtagumpay, mananatili silang nasa tiyak na kapahamakan magpakailanman.  8 Pero ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanman.  9 Sa katunayan, tingnan mo ang iyong mga kaaway, Yahweh; lahat ng gumagawa ng masama ay nakakalat.  10 Itinaas mo ang aking sungay katulad ng sungay ng mabangis na toro; pinahiran mo ako ng sariwang langis.  11 Nakita ng aking mga mata ang pagkabagsak ng aking mga kaaway; ang aking mga tainga ay narinig ang katapusan ng aking mga masasamang kaaway.  12 Ang mga matutuwid ay yayabong katulad ng puno ng palma; ito ay lalago katulad ng isang sedar sa Lebanon.  13 Sila ay nakatanim sa tahanan ni Yahweh; sila ay yayabong sa patyo ng ating Diyos.  14 Namumunga sila kahit sila ay matanda na; nanatili silang sariwa at luntian,  15 para ihayag na si Yahweh ay makatuwiran. Siya ang aking bato, at walang hindi matuwid sa kaniya.