124
 1 “Kung wala si Yahweh sa ating panig,” hayaang sabihin ng Israel ngayon,  2 “kung hindi si Yahweh ang nasa ating panig nang lumusob ang mga tao laban sa atin,  3 tiyak lalamunin nila tayo ng buhay nang sumiklab ang kanilang matinding galit laban sa atin.  4 Tatangayin tayo ng tubig; lalamunin tayo ng malakas na agos ng tubig.  5 Pagkatapos lulunurin tayo ng rumaragasang tubig.”  6 Purihin si Yahweh, siyang hindi nagpahintulot na magutay-gutay tayo sa pamamagitan ng kanilang mga ngipin.  7 Nakatakas tayo tulad ng isang ibon mula sa patibong ng mga manghuhuli; ang patibong ay nasira at tayo ay nakatakas.  8 Ang ating saklolo ay na kay Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.