×
Home: Mobile Home: Original Style Christian Netflix Jewish Stories X-Witch X-Muslim MP3 Bible Bible Movies Gospel Videos Godly Movies CBN Videos Kids Videos Worship Music Vids for New Believers Random Video Ask AI Bible Questions What's New
  Kat Kerr   Anna Rountree   Mary Baxter   Several #1   Several #2   Choo Thomas   Ian McCormack   Burpo   I saw His Glory   7 Colombian Youths   Heavenly Blood   Heaven Testimonies
  Lazarus   Bill Wiese   Mary Baxter   Dr. Rawlings   J. Perez   Hepzibah   Ptr. Park   7 Columbian Youths
  Atomic Prayer   Prayers that ROUT demons   Warfare + Blessing   Healing   Declaration   101 Decrees   Tongues   Rosary   Artic Fire   Why Should We Pray?   Why Bother
  MP3 Bible   10 Commandments   Learn Bible in 24 Hours   40 Spiritual Lessons   Alpha   Foundations   Bible Commentaries   Book of Mormon   Temple Study   Red Letters   Divine Healing Training   God Story   Gap Theory   Creation to Christ   Book of John   Kids Bible Cartoons   Derek Prince Teaching   Jesus Film   Digital Bible   Bible Codes ELS   Memorize the Bible   Bible Games
  Passion of Christ   New Jesus Film   Introduction   Names of God   Jesus IS...   Jesus Film   That's My KING   Father's Love Letter   Celestial Hug
  Warfare Training 1   Warfare Training 2   Casting Out demons   Combat   Examples   Warrior King   Exorcism   Prayer   Ask Him   demonology   Clarita   NUWI
  Final Quest   The Call   Tommy Hicks   3 Days   Angel Song   The Prison   H.A.Baker
  Best #1   Best #2   Spiritual Food   Generals   Ramirez   Bishop Kelley   Gary Wood   Roland Buck   Rees Howells   Baptized by Fire   Sid Roth   Todd White   Gary Beaton   Victor Marx   Akiane   Theo Nez   Nun's Story   Retha McPherson   Tomas Welch
  Booth's Vision   Frank Jenner   Hell's Best Kept Secret   EE-Taow   Manifesting Power   LivingWaters   Atheist Delusion   Using AI for Jesus   Sharing w/ Muslims   Sword + Serpent
  Revival Hymn   Jesus in China   Freemason Curruption   Modern Child Sacrifice   the WAR on Children   XGay   Transformations   Ark of Covenant   Soul Ties   Last Reformation   Noah's Ark Found   Does GOD Exist   Political Issues   Fake Mountain   7 Mountains   ID vs Evolution   Bible Science   American History   China Records   Case: Creator   Case: Christ   Case: Faith   Little Lessons   Deadly Mistakes   Enemies Within   Chinese Characters   Global Warming   The Final Frontier   Understanding Israel   Testing Joseph Smith   Targeting Kids
  X-Muslim   Journey of Hope   Islam Rising   ACT   Jihad   Best Muslim Story   Enemies Within   Answering Islam   Killing for Heaven   Killing the Infidel
  Downloadable MP3 Worship Music   Online Worship Music  DivineRevelations University   Free Posters   Christian Pictures   Kids Christian Cartoons   Bible Trivia   End Times Visions   Fractal Praise   Soaking Music   Communion Verses   Bobby Conner   Brother Yun   Civil War   Prayer Tank   Fiscal Cliff   Understanding Economics   Who takes the Son   Christian GPTs
  All Languages   Afrikaans   Albanian   Amharic   Arabic   Bengali   Bulgarian   Burmese   Cambodian   Catalan   Chinese   Czech   Danish   Dutch   Farsi   Finnish   French   German   Greek   Gujarati   Hausa   Heberw   Hindi   Hungarian   Indonesian   Italian   Japan   Kannada   Khazanah   Korean   Laos   Malagasy   Malayalam   Malaysian   Marathi   Mongolian   Nepali   Norwegian   Oriya   Polish   Portuguese   Punjabi   Romanian   Russian   Somali   Samoan   Serbo_Croatian   Sinhala   Slovak   Slovenian   Spanish   Swahili   Swedish   Tagalog   Tajik   Tamil   Telugu   Thai   Tongan   Turkish   Ukrainian   Urdu   Uzbek   Vietnamese
 About  Disclaimer  Phone# USA 425-610-9216  [email protected]  Donate
Follow on YOUTUBE  YouTube Follow on Facebook  Facebook Follow on X/Twitter  X/Twitter Follow Podcast RSS  Podcast  RSS Follow on Instagram  Instagram Follow on TikTok  TikTok
  PDF Library   Believer's Authority   Heavenly Man, Yun   Torch + Sword   The Harvest   Faith Shoemaker's Vision   Daughter of Sacrifice
Something Funny... 2nd Page, Older Material
×






Menu / Home
Menu / Home

Mabilis na Nauubos ang Oras!
Ito ay isang maikling buod ng patotoo ni Victoria Nehale

PDF   DOC

[Victoria's Website]  English  Spanish  Korean  Samoan  Bahasa Malaysia  Japanese  Portuguese  Indonesian  Tagalog  Swedish  French  Arabic  Romanian  Hausa  Swahili  Burmese  Malagasy Amharic

Ako ay ipinanganak at namuhay sa Namibia nang aking buong buhay at isinuko ko ang aking buhay kay Hesus noong Pebrero 06, 2005. Maraming mga bagay ang ipinahayag sa akin ang Panginoong HesuKristo sa kalagayang espiritual kasama ang ilang paglalakbay patungong Impiyerno. Inatasan ako ng Panginoon na ibahagi ang aking mga karanasan sa mga tao; binalaan Niya ako na huwag dagdagan nang anuman o bawasan ng anumang bagay mula sa mga ipinakita at sinabi sa akin ng Panginoong HesuKristo. Sa oras nang pagsusulat ng aklat na ito, sa katapusan ng 2006, ako ay dinalaw ng 33 beses ng Panginoong HesuKristo. Sa bawat pagkakataon ng mga pagdalaw, sinasabi lagi ng Panginoon sa akin bago umalis na:

MABILIS NA NAUUBOS ANG ORAS!

Unang paglalakbay sa impiyerno

Sa araw ng Hulyo 23, 2005, Lumulan ako sa isang taxi sa loob ng tatlumpung minuto mula sa bayan ng Ondangwa na kung saan ako nagtatrabaho at nakatira, sa aking sariling lugar, upang gugulin ang araw ng sabado at linggo sa piling ng aking mga magulang. Sa aking paglalakbay patungo sa aming bahay, may pangamba ako na mayroong kakaibang mangyayari sa gabing iyon. Ako ay dumating sa bahay ng bandang 6:00 ng hapon at iyon ang oras na kung saan ang mga tao ay naghahanda ng hapunan. Ako ay nasa kusina kasama ang aking pamilya, nakahiga sa isang lumang sapin sa sahig, habang ang aking maliliit na pamangking babae at lalake ay umaawit ng kanilang mga awitin sa ‘Sunday School’ o Pangliguhang Pag-aaral. Pagdaka naramdaman ko ang isang mabigat na pahid o ‘anointing’ na bumaba sa akin, ang aking katawan ay naging napaka hina, at ako ay nawalan ng malay sa ilalim ng kapangyarihan. Nakita ko ang isang lalaki, nakasuot ng isang mahabang puting balabal na bigkis ng isang lubid na may parehong kulay, lumalakad patungo sa aking kinahihigaan. Mayroon isang napakaliwanag na ilaw sa palibot Niya na tila baga na ito ay lumalabas mula sa Kanya. Siya ay nakasuot ng isang kayumangging sandalyas; ang Kanyang panlabas na kaanyuan ay tulad ng mga taong mula sa Gitnang Silangan, na may taglay na isang magandang morenong balat. Ang Kanyang mukha ay napaka amo at puno ng kaluwalhatian subalit hindi ko kayang tignan Siya sa Kanyang mga mata. Kapag Siya ay nagsalita, Ang Kanyang tinig ay banayad, maamo at mapagmahal, subalit may kapamahalaan o awtoridad; mga alon ng pag-ibig ay lumalabas mula sa Kanyang lubos na kalagayan.

Inabot Niya ang Kanyang kamay sa akin at hinila Niya ako pataas mula sa aking kinahihigaan. Kaginsa-ginsay ako ay nasa isang magandang, binagong katawan; ang itsura ko ay kagaya nang ako ay labing-walong taong gulang. Ako ay naka suot ng isang puting balabal nabibigkisan ng isang puting tali. Kahit na ang aking balabal ay puti, ang materhales ay kakaiba sa mga kasuotan ng tao. Ang Kanyang balabal ay malasutla na may isang kinang na hindi ko alam kung papaanong ilarawan.

Sinabi Niya, sa isang napaka mapagmahal at banayad na tinig: “Victoria, gusto kong sumama ka sa Akin; Ipapakita Ko sa iyo ang mga bagay na nakatatakot at dadalhin kita sa isang lugar na hindi mo pa narating sa iyong buong buhay”. Hinawakan Niya ang aking kanang kamay at kami ay umalis. Naramdaman ko na kami ay tila naglalakad sa hangin at kami ay patuloy na umaakyat sa lahat ng oras. Pagkalipas ng ilang sandali sa aming daan, ako ay lubhang napagod at sinabi sa Kanya na hindi ko na kayang magpatuloy sa paglalakbay at nakiusap sa Kanya na pahintulutan Niya akong bumalik. Gayunpaman, tinignan Niya ako at banayad na sinabi, “Hindi ka pagod – ikaw ay mabuti. Kung ikaw ay mapagod, dadalhin kita, subalit ngayon ikaw ay mabuti. Kapayapaan ay sumaiyo. Humayo na tayo.”

Ang lugar na aming napuntahan ay napakatigang, higit na masahol sa anumang disyerto na alam ng tao, walang tanda ng buhay sa anumang anyo o anupaman. Wala roon kahit isang puno o dahon ng damo o kahit na anumang buhay na bagay na matatanawan. Ito’y lugar na lubhang nakapapanglaw na tunay.

Dumating kami sa isang ‘gate’ o pintuan at isang lalaki ang pumihit sa akin at sinabi:“Victoria, tayo ay papasok sa loob ng pintuan at ang mga bagay na makikita mo ay sisindak sa iyo at magpapalumo sa iyo – subalit ikaw ay pumanatag na kahit saan kita dalhin, ikaw ay pangangalagaan. Buksan mo lamang ang iyong mga mata at magmasid sa lahat ng mga bagay na ipapakita Ko sa iyo.” Ako’y nahintakutan at nagpasimulang manangis. Ako ay tumututol at nagsusumamo sa lalake na dalhin niya ako pabalik. Sabi ko sa Kanya na ayaw kong pumunta sa lugar na iyon dahil nakikita ko sa loob ng pintuan kung ano ang nangyayari sa loob. Siya ay tumingin sa akin at sinabi, “Kapayapaan ay sumaiyo; Ako ay sumasa iyo. Dapat tayong pumasok sa loob, sapagkat ang oras ay mabilis na nauubos.”

Pumasok kami sa patungo sa ‘gate’ o pintuan. Hindi ko kayang isalarawan sa iyo ang sindak sa lugar na iyon. Ako ay nananalig na walang ibang lugar sa buong sansinukob na kasingsama ng lugar na iyon. Ang lugar ay lubhang napakalaki at ako ay may pakiramdam na ito ay lumalaki sa lahat ng oras. Ito ay isang lugar na sukdulan ang kadiliman at ang init nito ay hindi masusukat: ito ay mas mainit sa pinakamainit na apoy. Wala akong makitang lagablab ng apoy o ang pinagmumulan ng init subalit ito ay MAINIT. Ang lugar ay puno ng mga langaw ng lahat ng sukat – berde, itim, at mga abuhing langaw. Lahat nang maaaring isiping langaw ay naroroon. Bukod pa rito, mayroon din doong maikli, makapal, maiitim na mga bulate sa bawat dako, umaakyat sa lahat sa bawat bagay. Ang mga bulate ay nagpasimulang umakyat sa amin at ang mga langaw ay nasa mga palibot namin. Ang lugar ay puno ng pinaka nakakamuhing alingasaw ng baho; walang salita na magsasalarawan sa tindi ng baho ng lugar na iyon. Ang amoy ay katulad ng nabubulok na karne subalit maikasandaang ulit ang sama sa pinakamasamang nabubulok na karne na aking naamoy sa aking buong buhay. Ang lugar ay puno ng ingay ng mga hiyawan at pagngangalit ng ngipin, ganoon din sa mga halakhak ng mga demonyo.

Ang pinaka masamang bagay sa lugar na ito, ito ay puno ng mga tao. Mayroon doong napakaraming tao na hindi sila kayang bilangin. Ang mga tao ay nasa kalagayang kalansay. Masasabi kong tahasan na ang mga kalansay na ito ay mga tao dahil nakilala ko ang ilan sa pinakamalalapit kong mga kamag-anak at mga tao sa aking nayon o baryo. Ang kanilang mga buto ay abuhing maiitim at lubhang tuyong-tuyo. Sila ay may mahahaba at matatalim na mga ngipin tulad ng mga mababangis na hayop. Ang kanilang mga bibig ay malalaki at maluluwang at ang kanilang mga dila ay mahahaba at matitingkad na pula. Ang kanilang mga kamay at mga paa ay may taglay na mahahaba na mapapayat na daliri na may mahabang kuko na matatalim. Ang ilan sa kanila ay mayroong mga buntot at mga sungay.

Mayroon doong mga demonyo na nakahalubilo sa mga tao: ang mga itsura ng mga demonyong ito ay tulad ng mga buwaya at sila ay naglalakad sa apat na mga binti. Sila ay panatag sa ganoong kapaligiran at patuloy na iniinis, patuloy na tinutukso at pinahihirapan ang mga tao. Ang ingay na ginagawa ng mga demonyo ay tila baga higit pa sa pagbubunyi, na para silang masasaya at walang pakialam; sila rin ay sumasayaw at tumatalon sa lahat ng oras. Ang mga tao sa isang banda, ay mukhang kawawa at matatamlay; sila ay nasa kalagayang hindi matutulungan at walang pag-asa. Ang mga ingay mula sa mga tao ay sanhi ng kirot; sila ay nananaghoy, humihiyaw at nagngangalit ang kanilang mga ngipin, at nasa kalagayang desperado na di kayang unawain ang kirot at pagdurusa.

Ang mga tao sa lugar na ito ay hindi kayang bilangin, subalit malinaw kong nakikita na ang karamihan sa kanila ay mga babae. Sila ay nahahati sa iba’t-ibang grupo. Kahit sila ay kasama sa mga grupo, hindi pa rin kayang bilangin ang bilang ng mga tao kahit sa anumang isang grupo dahil ang mga grupo ay lubhang napakalalaki.

Ang Lalake ay pinangunahan ako sa isa sa mga grupo sa gawing silangan ng lugar. Tinignan Niya ako at sinabi:“Victoria, ito ay isang grupo ng mga tao na ayaw magpatawad sa iba. Sinabihan Ko sila nang maraming ulit sa maraming iba’t-ibang paraan na patawarin ang iba subalit tinanggihan nila Ako; pinatawad Ko ang lahat ng kanilang mga kasalanan subalit ayaw nilang magpatawad sa iba. Ang kanilang oras ay naubos at nasumpungan nila ang kanilang mga sarili rito. Sila ay mananatili rito magpakailan-kailanman; kakanin nila ang mga bunga ng kanilang pagpapagal magpakailan-kailanman. Gayunpaman, ito’y napakasakit para sa Akin na makita sila sa nakapangingilabot na lugar na ito at sa ganitong pangwalang hanggang kalagayan - dahil mahal ko sila.”

Pagkatapos ako ay pinangunahan sa kasunod na grupo, at sinabi ng Lalake sa akin na ang mga tao sa kasunod na grupo ay mga may utang. Mayroon tatlong magkakaibang pangkat sa grupo na iyon. Ang unang pangkat ay mga tao na may pagkakautang sa iba: kayạ nilang bayaran ang kanilang mga pagkakautang subalit patuloy nila itong pinagpapaliban at pinaghahantay. Inaari nila na bukas ay magbabayad sila, sa susunod na linggo, sa susunod na taon, hanggang sa maubos ang oras para sa kanila at ngayon nasumpungan nila ang kanilang mga sarili sa lugar na ito. Dito sila mananatili magpakailanman; kakanin nila ang mga bunga ng kanilang pagpapagal.

Ang ikalawang pangkat ay sa kanila na may mga utang na kaya nilang bayaran pabalik at may pagnanasa silang magbayad ng kanilang mga utang, subalit sila ay takot sa mangyayari dahil, marahil, kapag sinabi nila ang katotohanan maaari silang makaranas ng ‘rejection’ o pagtatakwil o baka kaya sila ay mabilanggo o baka malaman ng buong mundo ang kanilang ginawa at sila ay mapahiya. Ang Lalake ay nagsabi: “Walang sinuman sa kanila ang lumapit sa akin upang humingi ng isang paraan. Kung ginawa nila iyon, ipinakita ko sana sa kanila ang madaling paraan upang makalabas. Ginamit nila ang kanilang sariling karunungan at pangangatwiran na hindi nakatulong sa kanila sa anumang paraan. Ang kanilang oras ay naubos at nasumpungan nila ang kanilang mga sarili sa lugar na ito na kung saan mananatili sila magpakailanman. Kinakain nila ang bunga ng kanilang mga gawa.”

Pagkatapos sinabi Niya: “Ang ikatlong pangkat ay may mga utang na hindi nila kayang bayaran, subalit, muli, walang sinuman sa kanila ang nagsabi sa Akin na sila ay may mga pagkakautang na hindi nila kayang bayaran. Kung ginawa sana nila ito, binayaran Ko sana ang kanilang mga utang. Sinubukan din nilang gamitin ang kanilang sariling pangangatwiran at karunungan, na hindi naman nakatulong sa kanila sa anumang paraan. Ngayon nasumpungan nila ang kanilang sarili sa lugar na ito na lagi silang dirito. Kinakain nila ang bunga ng kanilang pagpapagal. Ang Aking puso ay nasasaktan para sa lahat ng mga taong ito dahil talagang mahal ko sila.”

Sa unang grupo, nakita ko ang dalawang babae na aking malalapit na kamag-anak, maging isang labing-dalawang taong gulang na kamag-anak ko rin. Alam ko na siya ay labing-dalawang taong gulang dahil ganoon ang kanyang gulang o edad nang siya ay namatay. Sa ikalawang grupo nakita ko rin ang ilan sa aking mga kamag-anak, maging ang isang Pastor na kilalang-kilala ko. Si Jakes, ang aking kasintahan na nagpakamatay dahil ibinigay ko ang aking buhay kay Kristo, ay naroon din sa ikalawang grupo. Nakita ko rin ang ilan sa aking mga kapit-bahay sa dalawang grupong ito.

Nabanaag ko ang mga tao na kilala ko bago sila mamatay; nakilala rin nila ako. Ang aking mga kamag-anak ay galit na galit nang makita ako at nagpasimula silang magsalita ng magagaspang na salita sa akin; ginagamit nila ang pinaka bastos na salita habang sinusumpa nila ako. Ang isa sa kanila ay nagsabi na hindi raw ako karapat-dapat na sumunod sa Lalake na kasama ko; sinasabi nila ang mga bagay na ginagawa ko dati bago ko ibigay ang buhay ko kay Kristo. Hindi sila nagsisinungaling; ang mga bagay na sinusumbat nila sa akin ay pawang katotohanan. Sinasabi ni Jakes na ako ay para sa kanya at dapat akong pumunta kung saan siya naroon dahil ginawa ko rin ang mga kasalanang tulad nang sa kanya. Nang una natuwa ang Pastor nang makita niya ako at mabuti raw na ako ay naparito subalit ang kanyang ugali ay nagbagong bigla nang makita niya kung sino ang kasama ko at pagkatapos sumali siya sa pagsusumpa at sa paggamit ng pananalitang bastos. Ang Lalakeng kasama ko sinabi sa akin na huwag silang pansinin sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.

Ako ay natigilan at lubhang nalungkot; ang aking katawan ay nanginginig at hindi ako makatayo. Ako ay umiiyak nang di mapigilan. Ang Lalake ay lumingon sa akin, niyakap ako at sabi: “Kapayapaan ay sumaiyo, Victoria.” Ang lakas ko ay bumalik at nadama ko na ako ay lubhang iniingatan sa Kanyang yakap. Pagkatapos sinabi Niya sa akin na dapat na naming iwan ang lugar at bumalik. Tinignan Niya ako at sinabi: “Victoria, ipinakita ko sa iyo. Ngayon mamili ka kung saang grupo mo gustong sumama; ang pagpili ay nasa iyong mga kamay. Dapat mong sabihin sa mga tao ang lahat ng bagay na iyong nakita at naranasan subalit huwag mong daragdagan o babawasan nang anumang bagay.”

Naalala ko na sabay naming iniwan ang nakapangingilabot na lugar subalit hindi ko alam kung saan ko Siya iniwan dahil pagkatapos ako ay nagkamalay o nagising: iminulat ko ang aking mga mata at ako ay bumalik sa aking pisikal na katawan, nakahiga sa Oshakati Hospital. May nakakabit na swero sa aking kaliwang braso, at nakita ko ang aking nanay at ang ibang mga kapit-bahay mula sa aming baryo sa isang sulok ng silid, na kung saan nakatingin sila sa akin nang may pagkamangha. Nakikita ko sa mukha ng aking nanay na siya ay malaon nang umiiyak. Tinanong ko ang isa sa mga nars kung alam niya kung ano ang nangyari sa akin subalit siya ay nagbiro na lamang at sabi: “Ikaw ay pinabalik; marahil mayroon kang ginawang hindi tama at kailangan mong magsisi.” Ang nars ay sinusubukang magsalita nang may kagaanan sa puso tungkol sa aking kalagayan subalit nakikita ko na siya ay takot lumapit sa akin. Sinabi ko sa kanya na tawagin ang doktor na tumingin sa akin.

Nang siya ay dumating, sinabi niya na hindi niya alam kung ano ang di tama sa akin. Nang una, ang akala niya ako ay nakakuha ng malaria subalit ang mga resulta sa malaria ay negatibo. Nagpatuloy siyang nagsabi na ang aking temperatura, pulso at presyon ng dugo ay mapanganib na mababa subalit hindi niya makita kung ano ang sanhi nito. Sinabi niya na wala na siyang magagawa para sa akin; hindi niya ako maaaring tanggapin dahil wala naman akong sakit. Ang swero na kanilang nilagay ay hindi gumagana nang una, subalit nang buksan ko ang aking mga mata, nagpasimula itong gumana. Itinagubilin niya sa nars na lagyan akong muli ng swero sa oras maubos ang nauna upang ako ay magkaroon ng sapat na lakas makauwi.

Ako’y nagimbal sa aking nakita sa lugar na iyon at hindi ako mapigilan sa pag-iyak. Ang alingasaw ng nakapangingilabot na lugar na iyon ay nagpatuloy na parang tutoo tulad nang ako ay naroroon. Ang mga tanawin mula sa lugar na iyon ay pumupukaw sa aking harapan sa lahat ng oras. Hindi ako makatulog at ang aking buong katawan ay nasa matinding kirot. Pakiramdam ko na ang lahat ng aking mga himaymay ay pinigtas na lahat, at muling ibinalik. Oh, napakasama ng aking pakiramdam. Nagkaroon ako ng pagkasira ng tiyan at paulit-ulit na pananakit ng ulo sa loob nang buong linggo.

Ang aking isipan ay nagpasya na hindi ako magsasalita kahit kanino tungkol sa aking mga karanasan dahil sino ang maniniwala sa akin? Ano ang iisipin ng mga tao? Patuloy kong sinasabi sa aking sarili na hindi ko ikukuwento ang aking mga karanasan kahit kanino. Isa sa aking mga tagapayo ay tumawag sa akin makalipas ang tatlong araw upang kamustahin ang aking kalagayan dahil pinadalan ko siya ng mensahe sa cellphone (txt) na ipanalangin niya ako. Bago ko malaman ito, ikinukuwento ko na pala sa kanya ang aking mga karanasan. Nang matanto ko ang aking ginagawa naikuwento ko na pala sa kanya ang halos lahat ng aking mga naranasan. Gusto kong sipain ang aking sarili. Ako ay umiiyak dahil naniniwala ako na nagawa ko ang pinaka malaking pagkakamali sa aking buhay. Ngayon na ang kuwento ay nasabi na, wala nang paraan para maitago pa ito. Ngayon alam ko kung gusto ng Diyos ang isang bagay ay maikuwento, ito ay maikukuwento. Siya naman ay Diyos.

Noong Agosto 19, Bumangon ako, nadarama ko ang mga tanda ng pagpahid o ‘anointing’ sa aking pisikal na katawan. Ako’y mahina at nanginginig, habang ang mga alon ng kuryente ay dumadaloy sa loob ng aking katawan. Nang gabi nakita ko ang isang maliwanag na ilaw paparating sa loob ng silid at sa gitna nito ay ang parehong Lalake. Sa pagkakataong ito Siya ay nakaupo sa isang upuan kasunod ng aking higaan. Wala akong alam kung saan nanggaling ang upuang ito subalit ito ay naroon na nang Siya ay handa nang maupo. Ito ay isang napakagandang upuan na yari sa purong ginto; ang hugis ay tulad ng isang pangkaraniwang upuan, na may sandalan. Sa bawat binti ay nakaukit sa ginto ang isang pilak na bituin; ang ganoon ding bituin ay nasa gitna ng sandalan. Mayroong mabibilog na gulong sa bawat binti.

Matapos akong batiin, sinabi Niya na alam Niya na marami akong mga katanungan tungkol sa Kanyang pagkakilanlan at Siya ay naparito upang ipahayag Niya ang kanyang sarili sa akin at upang ipaliwanag ang ilang mga bagay na aking naranasan. Sabi Niya: “Ako si HesuKristo, ang iyong Tagapagligtas. Kung ikaw ay mayroong anumang alinlangan, tignan mo ang aking mga kamay. Iyong lugar na ating pinuntahan ay Impiyerno.” Nang tignan ko ang Kanyang mga kamay, nakita ko ang mga peklat na kung saan ang mga pako ay binutas Siya.

Mahal na kaibigan, gusto kong sabihin sa iyo na ang impiyerno ay hindi isang kathang-isip ng sinumang imahinasyon subalit ito ay isang tunay na lugar at ito ay hindi maganda. Ito ay hindi ginawa para sa mga tao kundi para kay Satanas at sa kanyang mga demonyo. Ang ating katampatang lugar ay sa Langit kasama si Hesus subalit dapat nating piliin si Hesus bago maging huli. Ngayon, kung marinig mo ang Kanyang tinig, huwag mong pagmatigasin ang iyong puso; tanggapin mo si Hesus bilang iyong sariling Tagapagligtas ngayon at mamuhay para sa Kanya. Ang impiyerno ay isang nakatatakot na lugar: ito’y isang lugar ng takot at kalungkutan; ito’y isang lugar ng pahirap at pangwalang hanggang pagluha at pagngangalit ng mga ngipin. Hanggang maaari nais ni Satanas na magdala nang higit na maraming tao kasama niya. Huwag kang makisama sa kanya; makisama ka kay Hesus at ikaw ay mabubuhay at di mamamatay.

Hindi ko maunawaan kung bakit sinabi sa akin ng Panginoon na pumili sa dalawang grupo na ipinakita Niya sa akin sa Impiyerno ngayong ako ay isa nang ‘born-again Christian” o Kristiyano. Tinanggap ko Siya sa aking buhay at sinasabi pa rin Niya na pumili ako kung gusto kong pumunta sa Impiyerno o hindi. Hindi ko maunawaan. Nagpasimula akong manalangin at tinanong ang Diyos na bigyan ako ng kapahayagan kung ano ang ibig Niyang sabihin at kung ano ang nais Niyang gawin ko. Ipinahayag sa akin ng Panginoon na ako ay nagtatago ng isang di pagpapatawad at sama ng loob sa aking puso tungo sa isa sa aking kapatid na babae, ganoon din sa aking pinsan. Hiniling ko sa Panginoon na patawarin Niya ako sa aking espiritung di mapagpatawad; hiniling ko rin sa aking kapatid na patawarin niya ako sa pagkakaroon ng galit at sama ng loob sa aking puso tungo sa kanya. Sinabihan ako ng Panginoon na pumunta ang aking pinsan at humingi ng tawad.

Ipinaalala rin sa akin ng Panginoon na mayroong panahon na ako ay nagkaroon ng trabaho sa pagtuturo sa pamamagitan ng madayang diploma at ibinilang Niya itong utang at pagnanakaw. Ako ay disididong gawin ang tama at hiniling ko sa Panginoon na tulungan ako sa problemang ito at ipakita sa akin ang madaling paraan dahil ito ay isang seryosong krimen na magdadala sa akin sa bilangguan. Pinatnubayan Niya ako na tumungo sa Kagawaran ng Edukasyon at ipinahayag ang aking ginawa. Ako ay handa nang makulong kung ito ay di maiiwasan. Naranasan ko ang pabor ng Diyos sa isang malaking bagay. Ang mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon ay nagsabi sa akin na dapat akong magdesisyon kung ano ang gusto ko: kung babayaran ko ang suweldo na aking tinanggap mula sa gobyerno o hindi. Ipinangako nila na hindi magsasampa ng kaso laban sa akin dahil namangha sila sa aking pag-amin. Ang ating Diyos ay matapat na Diyos na pinararangalan ang Kanyang Salita.

Kung ikaw ay nasa isang sitwasyon na kagaya ng aking kinalagyan, inienganyo kitang gawin kung ano ang tama, anuman ang maging kahihinatnan. Ikaw ay maaaring makulong sa makalupang kulungan subalit ito ay panandalian lamang. Walang kirot o kahihiyan ang maikukumpara sa pangwalang hanggang pagkawalay sa Diyos. Ang impiyerno ay hindi mainam na lugar: mas mainam na hayaan ang Diyos ang humatol sa iyo ngayon bago maging huli ito. Hindi tayo dapat matakot sa hatol ng Diyos habang tayo ay nasa panahon ng biyaya: dapat nating pahintulutan Siya na ibunyag kung anumang kamalian ang mayroon tayo sa ating mga buhay habang tayo ay mayroon pang oras na maiayos tayo sa Kanya dahil wala nang kapatawaran sa kabilang bahagi ng libingan.

 

Ikalawang Paglalakbay sa Impiyerno

Noong Oktubre 18, 2005 Gumising ako nang 5:30 umaga subalit hindi ko kayang magtrabaho. Ang pakiramdam ko ay hinang-hina at lasing; Hindi ako makakilos o makapihit paikot sa aking higaan, at ang presensya ng Panginoon ay napakabigat sa loob ng silid. Ako ay nanginginig at naramdaman ko ang kuryente na pumapasok sa aking katawan. Ang Panginoon ay dumating upang ako ay kunin bago 8:00 ng umaga dahil nang huli kong tignan ang aking relos, ito ay 7:48, at Siya ay dumating ilang saglit bago iyon. Binati Niya ako at sinabi na dapat kaming pumuntang muli dahil ang oras ay mabilis na nauubos. Ako ay tumindig at nagpasimula kaming maglakad. Ang paraan ng aming paglakad sa araw na ito ay lubhang kakaiba sa lahat ng ibang pagkakataon; bagamat ang aming mga binti ang gumagawa ng paglalakad, kami ay tila baga nakalutang higit sa paglalakad. Habang kami ay nasa landas ng aming pinatutunguan, sinabi ni Hesus na ang lahat ng mga kasalanan ay masama at walang anumang maliit o malaking kasalanan. Lahat ng kasalanan ay patungo sa kamatayan, gaano man ito kalaki o kaliit. Sinabi sa aking ng Panginoon na muli naming bibisitahin ang Impiyerno at pagkatapos tinanong Niya ako kung ako ay natatakot. Ako ay sumagot na ako ay natatakot.

Sabi Niya, “Ang espiritu ng takot ay hindi galing sa Aking Ama o sa Akin, ito ay mula sa Diablo. Ang takot ay magdadala sa iyo na gawin ang mga bagay na magbubunsod sa iyo sa impiyerno.”

Kung walang pananampalataya imposibleng malugod ang Diyos at ang takot ay ang tuwirang kabaligtaran ng pananampalataya. Ito’y hayag na ang takot ay hindi nakalulugod sa Diyos dahil sinisira nito ang pananampalataya ng isa. Sa buong oras kami ay nasa aming landasin, kami ay magkatabing naglalakad subalit nang kami ay dumating sa pintuan ng Impiyerno, kinuha Niya ang aking kamay sa Kanyang kamay at hinawakan ito sa bawat saglit na kami ay nasa Impiyerno. Ako ay napaka saya na hinahawakan ng Panginoon ang aking kamay dahil ang mahigpit na kapit ng Kanyang kamay ay nagpaalis ng lahat ng takot mula sa akin. Ang lugar ay ganoon pa rin: walang pagkakaiba mula nang una. Mayroong mga langaw, bulate, sobrang init, ang amoy, mga kalansay, ang ingay: ang lahat ay tulad din nang unang pagkakataon na naroon ako. Pumasok kaming muli sa parehong pangit na pintuan o ‘gate’ at dinala ako ng Panginoon sa isang grupo ng mga tao. Maraming tao doon na kakilala ko nang sila ay nabubuhay pa sa mundo. Ang mga kawawang tao ay nasa teribleng kalagayan; mukha silang mga kahabag-habag at nasa dakilang pagdurusa subalit ang pinaka masama sa lahat ay ang tanawin ng kawalang pagasa sa kanilang mga mukha.

Itinuro ng Panginoon ang isang babaeng nasa kalagitnaang (middle-aged) gulang na aking nakilala bago siya mamatay. Siya ay namatay sa isang aksidente sa sasakyan sa simula ng taong 2005. Ako ay nagulat na makita ang babaeng iyon sa Impiyerno dahil alam naming lahat na siya ay may takot sa Diyos at mapagmahal na tao. Sinabi sa akin ng Panginoon na mahal Siya ng babaeng iyon at mahal Niya rin siya; naglingkod siya sa Kanya noong siya ay nasa Mundo pa; marami siyang inakay na tao sa Panginoon at alam niya ng mainam ang Salita. Siya ay mabait sa mga mahihirap at nangangailangan; nagbibigay siya sa kanila, at tinulungan sila sa maraming kaparaanan. Siya ay isang mabuting lingkod ng Panginoon sa maraming mga kaparaanan.

Nagulumihanan ako doon sa mga salita ng Panginoon higit pa nang tanungin ko Siya kung bakit Niya pinahintulutan ang isang tao na naglingkod sa Kanya nang maigi at humantong sa Impiyerno. Tinignan ako ng Panginoon at sinabi na ang babaeng ito ay naniwala sa pandaraya ng Diablo. Bagamat alam niya ang mga Kasulatan nang husto, naniwala siya sa kasinungalingan ng Diablo na mayroong malalaking mga kasalanan at maliliit na kasalanan. Ang akala Niya na ang ‘maliit’ na kasalanan ay hindi magbubulid sa kanya sa Impiyerno dahil, matapos ang lahat, siya ay isang Kristiyano.

Nagpatuloy ang Panginoon, “Maraming beses ako nagpunta sa kanya at sinabi sa kanya na hintuan ang kanyang ginagawa subalit maraming beses siya ay nangangatwiran na ang kanyang ginagawa ay napakaliit at ibinilang niya na ang Aking babala sa kanya ay galing lamang sa pansariling mga damdamin ng pagkakasala. Mayroon isang pagkakataon na panandalian niyang hinintuan subalit pagkatapos kinumbinsi niyang muli ang kanyang sarili na ang babala ay hindi galing sa Akin kundi sa kanyang sariling tinig dahil ang ganoong kasalanan ay hindi mahalaga upang mamighati ang Banal na Espiritu.”

Muli kong tinanong ang Panginoon upang sabihin sa akin kung anung kasalanan ang ginawa ng babaeng ito at tinugon Niya ako nang ganito, “Ang babaeng ito ay may kaibigan na isang nars sa Oshakati Ospital. Sa tuwing ang babaeng ito ay may sakit, hindi siya pumupunta sa ospital at magbayad para sa kanyang tarheta ng ospital bilang normal na kalakaran; tumatawag lamang siya sa telepono at sinasabi sa kanyang kaibigan na ayusin ang kanyang gamot mula sa dispensaryo ng ospital. Ang kanyang kaibigan ay lagi namang sumusunod at sinasabi na kunin na lamang niya ang kanyang gamot sa ganoong oras. Unang-una sa lahat, nagpasya siyang paniwalaan ang kasinungalingan ng Diablo tungkol sa maliit at malaking kasalanan at tanggihan ang aking katotohanan; naging daan siya upang magkasala ang iba at magmanakaw para sa kanya, at ang higit na masama sa lahat, PINIGHATI NIYA ANG BANAL NA ESPIRITU. Ito ang dahilan kung bakit siya napunta sa Impiyerno. Hindi mahalaga kung nakapagdala ka ng milyun-milyong kaluluwa sa Panginoon; maaari pa rin itong mapunta sa Impiyerno sa pamimighati sa Banal na Espiritu. Hindi ka lamang dapat magmalasakit sa kaluluwa ng iba kundi dapat ka ring maingat na huwag mong kaliligtaan ang tungkol sa iyong sariling kaluluwa. Maging sensitibo sa Banal na Espiritu sa lahat ng oras.” Matapos sabihin sa akin ng Panginoon ang mga pananalitang iyon sinabi Niya na dapat kaming bumalik.

Maraming mga Kristiyanong nakapakinig ng kuwentong ito ay nasumpungang ito na may problema. Tinatanong nila ako, “Papaano ang pagpapawalangsala (justification), kahabagan (mercy), at biyaya (grace)?” at “Maaari bang mawala ang kaligtasan sa iyo matapos mong tanggapin ito?” “Hindi ba iyon tila sobrang marahas?” “Maaari bang ang Diyos ay napakalupit?”

Mabuti, kagaya nang sinabi ko sa ibang bahagi sa aklat na ito, hindi ako nagpapakilala ng anumang katuruan ng Diyos (theology) dito. Sinasabi ko lamang sa iyo kung ano ang ipinakita at itinuro ng Panginoon sa akin at kung ano ang pinahintulutan Niyang aking maranasan. Paki sangguni ang iyong Biblia para sa mga kasagutan. Tignan ang mga sumusunod na mga talata at gumawa ng iyong sariling paghatol.

“Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil. (1 Corinto 9:27)

“Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? (Romans 6:1-2)

“Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo'y magsisunod sa kaniyang mga pita. (Romans 6:12)

“Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilalkilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway. (Hebrews 10:26-27)

Maaari pa ba akong mapunta sa Impiyerno matapos kong paglinkuran ang Panginoon at makapagakay ng maraming kaluluwa kay Kristo? Ikaw ang maging hukom!

 

Pagsuway

Noong Lunes March 06, 2006, Ako ay nagising nang 5:30 ng umaga sa aking relo na may alarma. Nagpasimula akong manalangin at natanto ko na mayroong isang mabigat na pahid o ‘anointing’ sa akin. Ang aking katawan ay napaka hina at ako ay nanginginig; mga alon ng kuryente ay dumadaloy sa loob ng aking katawan.

Nang hapon, habang ako ay nakahiga sa aking kama, nakita ko ang isang kumikinang na liwanag pinupuno ang silid. Nakita ko ang maliliit, maputi, bilogang mga butil, na ang sukat ay isang ulo ng karayon. Ang mga butil ay bumabagsak tulad ng ulan at nanunuot sa aking balat sa pagdapo. Pagkatapos noon, nakita ko si Hesus naglalakad patungo sa akin sa gitna ng isang ulap na hamog. Naupo Siya sa Kanyang upuan kasunod ng aking higaan. Wala akong alam kung saan nagmula ang upuan ito; kalimitang ito ay lumilitaw kapag Siya ay handa nang maupo. Ito ay isang napaka gandang upuan na yari sa purong ginto; ang hugis ay tulad ng kalimitang mga silya subalit may sandalan ng likod. Sa bawat binti ay may pilak na bituin; isang katulad subalit mas malaking bituin ang nasa ibabaw ng sandalan ng likod. Mayroong mga bilog na gulong sa bawat binti.

Binati ako ni Hesus at iniunat Niya ang Kanyang kamay sa akin at sinabi sa akin na ako ay bumangon dahil ang oras ay unti-unting nauubos. Hinila Niya ako pataas sa aking kamay at naupo sa aking kama.

Pagkatapos sinabi Niya sa akin, “Victoria, tayo’y manalangin.” Siya ay nanalangin sa isang wika na hindi ko maunawaan; naunawaan ko lamang ang salitang ‘Amen’. Pagkatapos nagpatuloy Siya sa pamamagitan ng pagtatanong sa akin kung ano ang aking nakikita at sinabi ko sa Kanya na nakikita ko ang mga grupo ng mga tao papunta sa kanilang trabaho at ang iba ay nagdaratingan sa kanilang mga lugar na pinagtatrabahuhan. Nakikita ko rin iyong parehong maliliit na puting butil na bumabagsak sa kanila na unang dumating mula sa kanilang lugar na pinagtatrabahuhan. Matapos ang unang grupo, iba pang grupo ang dumating mayamaya. Sa mga oras na iyon ang ulan ng maliliit na butil ay huminto na sa pagbagsak.

Nakita ko rin ang ibat-ibang grupo ng mga tao, dumarating sa ibat-ibang iglesia o ‘churches’ sa umaga ng Linggo. Ang ulan ng mga puting butil ay magpapasimulang bumagsak kasabay ng pagpasok ng mga unang nagsidating sa bakuran ng simbahan. Nagpatuloy itong bumagsak nang ilang oras at pagkatapos huminto. Ang mga huli ay walang masusumpungang anuman.

Tinanong ako ni Hesus kung naunawaan ko kung ano ang ibig sabihin ng mga pangitaing iyon at sinabi ko na hindi ko nauunawaan. Pagkatapos ipinaliwanag Niya sa akin: “Ang ibig sabihin ng mga pangitaing na sa bawat lugar na dapat kang naroroon sa tinakdang oras at alam mo kung anong oras na dapat kang naroroon, laging mayroon doong mga anghel namamahagi ng mga pagpapala para sa itinakdang oras. Kung ikaw ay dumating sa oras, tatanggapin mo ang iyong mga pagpapala subalit kung ikaw ay huli, hindi mo kakamtan ang iyong mga pagpapala sa araw na iyon sapagkat ang mga anghel ay nagbabahagi lamang ng mga pagpapala sa itinakdang oras lamang. Victoria, gusto Kong balaan ka dahil huli kang dumarating sa iyong trabaho at pumupunta kang huli sa mga gawain sa iglesia o ‘church services’. Dapat mong malaman na sa mga oras na iyon na ikaw ay huli na wala namang sapat na dahilan; panghabang panahon mong di nakamtan ang iyong mga pagpapala para sa mga araw na iyon; hindi na sila muling babalik pa sa iyo. Victoria dapat mong hintuan ang mga bagay na ito at huwag mo nang gagawin itong muli, maliban na lamang kung ikaw ay may sapat na dahilan upang mahuli.”

Nang sabihin ng Panginoon ang mga salitang iyon hinangad ko talaga na ako ay mawala o bigyan Siya ng katanggap-tanggap na mga dahilan para sa aking kawalang disiplina. Sinabi ko sa Kanya na kung minsan ako ay sumosobra sa pagtulog subalit tinitigan Niya akong direcho sa aking mata at sinabi Niya na ako ay nagsisinungaling at ako ay may isang masamang ugali na muling bumalik sa higaan matapos akong bumangon, upang magpasakop sa isang nasa na matulog para sa ‘ilang minuto pa’.

Matapos akong balaan ni Hesus, Sinabi Niya, “Tayo na. Humayo na tayo. Ang oras ay mabilis na nauubos at may mga bagay na dapat nating gawin.”

Sa oras na ito dinala ako ng Panginoon sa isang lugar na hindi ko pa nararating kahit kailan; ito rin ang kauna-unahang pagkakataon dinaanan namin ang kalsada nilakaran namin nang araw na iyon. Dumating kami sa isang hardin puno ng mga magagandang bulaklak at magagandang luntiang mga puno: walang anumang bagay sa Mundo ang maikukumpara sa ganda nito. Ang mga bulaklak ay nasa lahat ng uri ng magaganda, maliliwanag na kulay. Kami ay naupo sa isang magandang upuan ng hardin, na yari sa purong ginto na may maliliit na nagliliwanag na mga pilak na bituin.

Nang kami ay naupo, tumuro Niya sa aming harapan at nagsabi,“Victoria, tignan mo, nakikita mo ba ang lungsod na iyon?” Nang ako ay tumingin, nakita ko ang isang napakalaking, nagliliwanag na lungsod. Ito ay napaka ganda upang isalarawan. Ang lungsod ay mayroong isang nagliliwanag na gintong tarangkahan o ‘gate’ at sa tarangkahang ito ay may isang lalake, nakaupo, na mayroon nang malaking edad. Siya ay mayroong isang mahaba, puting balbas at puting buhok. Nakita ko ang lalaking ito nang una at, nang tanungin ko si Hesus kung sino ang lalaking ito, sinabi Niya na ito ay si Abraham, ang ama ng pananampalataya.

Nakita ko ang maraming kalsada sa loob ng lungsod na iyon, na yari rin sa ginto. Mayroon doong matataas na gusali at sila rin ay nagliliwanag na tulad ng ginto. Ang liwanag at kinang sa lungsod ay hindi kayang isalarawan.

Si Hesus ay lumingon sa akin at nagtanong, “Ano ang naiisip mo tungkol sa lungsod na iyon?”

Ako ay sumagot na ito ay maganda at nais kong pumunta roon. Sinabi ni Hesus: “Dadalhin kita roon kung magpapatuloy kang masunurin, dahil doon din ang iyong magiging tahanan. Manatili kang masunurin - dahil kung ikaw ay masuwayin, Victoria, mga uwak ay magliliparan sa iyong bahay. Ang iyong bahay ay magiging tahanan ng mga kuwago at isang palaruan ng mga multo o espiritu. Gayunpaman, huwag kang matakot, dahil ako ay sumasaiyo. Basta sumunod ka. Dahil ang mga masuwayin, ang kanyang bahay ay liliparan ng mga uwak; ito ay magiging tahanan ng mga kuwago at isang palaruan ng mga multo o espiritu.”

Si HesuKristo ay tunay at minamahal Niya tayo nang may isang pag-ibig na hindi kayang ipaliwanag, ang Kanyang pinakananais ay piliin natin para sa atin ang buhay at gugulin ang buhay na walang hanggan sa piling Niya. Ang Kanyang puso ay nasasaktan para sa lahat ng tao na namamatay at napupunta sa Impiyerno dahil pinili nilang tanggihan ang Kaligtasan na iniaalok sa kanila at pinili nila ang kamatayan sa halip.

Maging ikaw man ay isang bagong nilalang na Kristiyano (born again Christian) o hindi, lagi mong pakatatandaan ang isang bagay na ito:

Ang oras ay mabilis na nauubos!

Isinalin sa Tagalog ni Reyn Araullo
Ika-14 ng Abril, 2008
e-mail:
[email protected]